KABANATA 11

2694 Words

Isang malawak at patag na lupain ang kaagad na bumungad sa amin.Para itong disyerto dahil nakasentro sa lugar na ito ang sikat ng araw, dagdag pa ang kulay tsokolate nitong buhangin na bumabalot sa buong lugar. Tanging apat na malalaking tipak ng bato lang din ang iyong makikita rito. "Andito na tayo. Sa tagong lugar ng Avalon," masayang bungad ni lolo Moss. "Sa tagal ng panahon ay ngayon na lamang ulit ako nakabalik dito. Masaya ako dahil may naabutan pa rin kayong magandang bahagi ng Avalon, Silva." Ninitian ko lamang ang siya, habang patuloy na nililibot ng mata ko ang paligid. Pinababa naman kaagad sa'min ni lolo ang aming mga dala sa lilim na bato na aming ginawang silong. Pinakuha rin niya sa akin ang tatlong stick tsaka sinundan namin siya sa gitna ng mala disyertong lugar. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD