Nagpahuli kaming gumising ngayon ni Adam, dahil alam naman namin na umaalis ng maaga si lolo Moss para sa pagpupulong. Iniiwasan din namin ito dahil alam naming may kasalanan pa kami sa kanya, at ngayong araw ang nalalabi ng aming parusa sa. "Adam gising na!"Yugyog ko sa balikat niya, hanggang ngayon ay sarap na sarap pa rin sa kanyang pagtulog. Uminat naman ito at hirap na minumulat ang kanyang mata. "Maaga pa ate,wala naman si lolo e," ani nito tsaka bumalik sa kanyang pagkakatulog. "Anong oras na,oh.Trik na rin ang araw, baka lalo tayong malagot kay lolo niyan," pangungulit ko kahit na inaantok pa rin ako. "Mamaya na." "Adam, Silva lumabas na kayo riyan," wika ni lolo, na ikinagulat namin kaya bumalikwas kami ng tayo si Adam. Halatang nagising naman ang diwa niya, habang kinukus

