KABANATA 35

2296 Words

Maaga naman akong nagising nang mapansin kong sumisilip na ang sikat ng araw sa aming kwarto. Kaagad naman akong bumangon at niyugyog si Adam, nang makita kong ganon pa rin ang posisyon niya kung paano ko siya iniwan kagabi. "Adam hapon na, gising kana riyan!" Hawak ko sa balikat niya, habang ginugusot ko naman ang mata ko. "Ate, sabihin mo na lang kay lolo na masama pakiramdam ko. Ayoko munang mag ensayo ngayon,"wika niya, tumalikod naman siya sa akin upang bumalik sa pag kakahiga. "Hindi pwede, halika na," pangungulit ko rito, ngunit mas lalo niyang idinikit ang kanyang katawan sa higaan. Lumabas naman ako ng aming kwarto at kaagad na naabutan si lolo na nagkakape sa sala. "Asan na si Adam?" Baling nito sa akin, habang hinihipan ang mainit niyang kape. Umupo naman ako sa tabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD