Adam's POV Sakay ng mga itim na kabayo,naghiwa-hiwalay kami ng landas ng mga nimpa. Kaming dalawa ni ate ay nagpunta sa kanlurang bahagi, habang ang iba naman ay nasa timog at hilaga. "Prinsipe, dito po tayo!" utos ng nimpa sa isang masukal na bahagi. Tiningnan naman ako ni ate,ngunit nakapag desisyon na ako. "Ate, dito na ako!" paalam ko kay ate, nang humiwalay ako sa kanila ng landas at nagpunta sa palikong daan papunta sa gubat. Sa aking pagliko, nagulat na lamang ako ng sumigaw si ate. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa kanya nang may malaking asong lobo ang siyang susunggab sa kanya. Buti na lamang at naging alerto si ate, dahil kung hindi ay baka hindi pa nagsisimula at malapa na siya ng lobong iyon. "Mag ingat ka!" sigaw ko bago sila tuluyang pumasok sa ibang daan papuntang

