“Thank you sa paghatid, Emman.” aniya matapos lumabas sa kotse nito at tumindig sa harapan ng kanyang gate. “Hindi ka na sana nag-abala pa. Mukhang busy ka.” Nahihiyang napakamot ng ulo si Emmanuel saka nagpamulsa. “Alam mo naman, basta ikaw.” Marahang napabuntong-hininga si Carmela. Nakapasok na ng NLEX ang sinasakyan niyang bus kanina nang matanggap niya ang tawag nito. Pinapaalala sa kanya na wedding anniversary ng mga magulang nito, araw ng Sabado, at kailangan niyang dumalo gaya nang nakagawian. Nagtatanong din ito kung bakit hindi siya nito ma-contact sa loob ng isang linggo. Sinabi na lang niya na nakabakasyon siya at ayaw niya ng distraction. “Makadadalo ka ba bukas?” Nahilot ni Carmela ang kanyang sentido habang ang mga mata ay nakapikit. Dalawang oras matapos niyang sumaka

