KATRINA "Ang babaeng nakita mo kanina, kaibigan ko lang 'yun at kasama sa trabaho. I'm sorry kong hindi ko kayo nakita kaagad kanina. Gusto ko sana kayong sunduin kanina kaso may importante akong meeting. Kaya dumaan nalang ako sa mall para sana bumili ng pasalubong sa'yo. Nagkataon na nagkita kami ng kaibigan ko. Kaya niyaya niya akong pumasok sa restaurant para kumain." Paliwanag niya habang nandito kami sa labas ng bahay ni Ate. Pagdating namin dito tulog na si Kim-kim kaya siya ang nagbuhat papasok sa bahay ni Ate. Sinabi ni Ate na ihatid ko si Damuho sa labas kaya ito ngayon kinausap niya ako. Ayaw ko na nga sana siyang samahan pero pinandilatan ako ng mata ni Ate. Kaya napilitan akong ihatid siya sa labas. "Wala akong pakialam kong sino ang kasama o kausap mo. Hindi naman ako nagt

