KATRINA Nagising ako, na may humahaplos sa aking mukha. Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nakahiga ako sa aking silid habang si Ate Lourdes nasa aking gilid na may pag alalang naka tingin sa akin. "Kat, kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Sunod sunod na tanong ni Ate sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya sabay hawak na kanyang kamay. "Kumain ka muna, ala una na nag hapon. Hindi ka naka kain ng almusal at tanghalian pero may nilagay naman si Dok kanina sa injection para kahit walang kang kinain hindi ka manghina." Inalalayan ako ni Ate na bumangon kahit na sinabi kong kaya ko na naman bumangon. Nahiya na ako sa malaking abalang nagawa ko sa kanila. Nang makabangon na ako. Kinuha ni Ate ang pagkain sa may tray na nakalagay sa side table. Bigla akong na

