KATRINA Alas 10 na nang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Umalis na rin sina Kuya Buldog at Kuya Patrick. Ayaw pa nga sana nila akong iwanan, ngunit sinabi ko na gusto ko munang mapag isa. Pinakiusapan ko din sila na sana hindi na makarating pa sa amo ko ang nangyari. Kaya wala nang nagawa pa silang dalawa kundi ang umalis. Iniisip ko pa rin kong bakit ginawa sa akin 'yun ni Cherry? At ano daw nagka hiwalay sila ni Kuya Harlem? Pero kung nagka hiwalay, sila bakit inuna pa siya ni Kuya kesa sa akin? Bumuntong hininga ako para iwaglit lahat na iniisip ko. Bukas sisimulan ko nang kalimutan si Kuya Harlem at pag tuunan ang aking pag-aaral. Hindi ko maiwasan na tumulo ulit ang aking mga luha nang tiningnan ko ang aking mga sugat sa aking braso. Mabuti nalang at sabado bukas kaya walang pa

