KATRINA Mabilis lang ang mga araw tatlong buwan na. Isang linggo nalang wala na kaming pasok. Pumunta lang kami dito sa school para mag submit nang mga kailangan namin ipasa. Ngayon natapos ko na rin kaya bukas hindi ako dito babalik sa eskwelahan. Simula ang nangyari sa pagitan namin ni Cherry, hindi na siya pumupunta pa sa condo. Naging maalaga si Kuya Harlem sa akin. Hindi niya ako pinayagan na pumasok hanggang sa hindi maghilom ang aking mga sugat. Tinawagan niya ang admin dito sa school para ipaalam na may sakit ako kaya hindi ako makapasok muna. Hindi na rin siya umalis sa aking tabi. Palagi niya na rin akong niyayakap ay hinahalikan sa gilid ng aking labi na nakasanayan ko na rin. Ngunit kaninang umaga nagmamadali siyang umalis nang may tumawag sa kanya. Na parang napaka important

