KATRINA
"Ma'am maraming salamat po talaga, sisikapin ko po na makatapos ng maayos sa aking pag-aaral." Kausap ko ngayon si Ma'am Shanti. Dumating sila kahapon galing America at may mga binigay siya sa akin. Ngayon lang kami nakabalik galing probinsya dahil may kinuha pa akong kulang kong mga papelis. At sa lunes na ako magsimula sa pag aaral. Laking pasalamat ko kay ma'am Shanti na siya lahat ang gumastos pati uniform at mga gagamitin ko sa eskwelahan. Kaya pagbutihan ko ang aking pag aaral at pagtrabaho dito. Kahit sinabi niyang hindi na ako magtrabaho pa dito para makapag pokus na lamang sa pag-aaral.
"You're welcome Katrina. Basta makatapos ka lang sa pag aaral mo masya na ako. Alam mo ba? na may kapatid akong dalawa nag aaral din sa America sina Mommy at Daddy din ang nagpapa aral sa kanila. Kapag bumalik sila dito makilala mo sila. At alam mo bang Garcia ang apelyedo ng kinagisnan kong mga magulang? baka mag kamag anak kayo." Naka ngiting sabi ni Ma'am Shanti. Ang ganda niya talaga at ang bait. Katulad din nang triplets kahit mga bata pa, mga mabait at malambing. Kahit katulong lang kami hindi iba ang trato nila sa amin. Tita pa nga ang tawag ng mga triplets.
"Katrina, diba sa lunes ka na mag umpisa sa pag aaral? Malapit lang ang condo ni Kuya mo Harlem sa eskwelahan mo, pwedi ka duon. Para may mag aayos na tuwing umaga nang condo niya. Hindi naman ' yun marumi saka para hindi ka mahirapan sa pag aaral mo. Sa tuwing byernes kasi naglilinis duon si Ate mo Lourdes. Para hindi na pumunta si Ate mo, duon ka nalang. Tatlong kwarto naman ang condo ng Kuya mo. Saka minsan lang siya kong umuwi sa kanyang condo." Sabi ni Ma'am Shannon habang kumakain kami nang hapunan.
"Yeah, Katrina mabuti pa nga duon ka nalang sa condo ko. Minsan lang naman ako kong pumunta duon. Para hindi ka mahirapan sa byahe. Kapag na miss mo ang Ate mo at pamangkin pwedi ka naman pumunta dito." Pag sang ayun ni Kuya Harlem.
"Hindi po ba nakakahiya? Sobra sobra na po ang tulong niyo sa akin." Pero sa loob loob ko sobrang nagdiwang ang aking puso sapagkat makakasama ko, si Sir Harlem. Ngunit sa ngayon pakipot muna. Napangiti nalang ako sa aking isipan.
"Don't worry Katrina, it's okay. Para may tao din sa condo ko. Bukas magpa tulong ka nalang kay kuya mo Brandon para maihatid mo ang mga gamit mo sa condo." Susko parang tatalon ako sa tuwa. Parang hindi na kao makapag hintay nang lunes. Pero dapat dalagang Pilipina muna tayo ngayon. Kaya kunting bait pa Katrina. Lihim kong kausap sa aking sarili.
"Maraming salamat Kuya, Ma'am Shannon at sa inyong lahat sa malaking tulong niyo sa amin nina Ate. Pangako po, pag butihan ko ang pag aaral. At ako ang bahala sa condo mo Kuya, kapag wala ka." Natutuwa kong saad na kanila. Pagkatapos naming magkain tumulong ako kay Ate Airen sa paghuhugas. Napansin ko si Kuya Buldog na panay ang tingin kay Ate Airen kaya siniko ko si Ate Airen.
"Ate mukhang type ka ni Kuya Buldog. Kanina pa panay nakaw nang tingin sa'yo. Oy! si Ate may admirer na. Kunsabagay Ate maganda ka at gwapo din si Kuya Buldog." Pabulong kong kantyaw kay Ate Airen. Bigla naman namula si Ate Airen sa sinabi ko at nag umiwas sa akin.
"Ikaw, Katrina ang dami mong napansin. Akala mo ba, hindi ko din napansin na palagi mong pinagpantasyahan ang malaking picture ni Sir Harlem." Nanlaki naman ang aking mata sa kanyang sinabi.
"Oy! Ate, huwag mong sabihin kay Ate Lourdes makurot ako sa singit. Saka crush ko lang naman si Kuya Harlem. Hanggang duon lang. Alam mo naman na may fiance na siya at matanda na. Na po-pogian lang ako sa kanya." Mahabang paliwanag ko kay Ate Airen. Ang akala ko hindi niya napansin. Pa sekritong memosang din pala si Ate Airen.
"Pero Ate, kanina pa talaga panay tingin ni Kuya Buldog sa'yo. May crush talaga 'yun sa'yo Ate." Pagpatuloy kong pagbibiro sa kanya.
"Katrina, gusto mong malaman ni Ate mo. Ang tungkol sa pagpapantasya mo?"
" Oo na, Oo na, Ate. Wala nang crush si Kuya Buldog sa'yo. Ikaw na ang may crush sa kanya." Sabay tawa ko sa kanya.
"KATRINA." Malakas na tawag ni Ate Lourdes sa akin nang bigla nalang akong tumakbo palabas nang kusina. Tawang tawa naman ako sa kanya. Ayaw pang umamin parang may crush din siya kay Kuya Buldog. Gusto kong naman siyang asarin.
Pagkanta pakanta ako habang papalapit sa bahay nina Ate Lourdes. Pupuntahan ko si Kuya Brandon para sabihan na ihatid namin ang mga gamit ko sa condo ni Sir Harlem. Linggo ngayon kaya ngayon ang sabi ni sir Harlem na ilipat ko ang aking mga gamit. Day off nilang pareho. Ang pamilya Weinstein naman may pinuntahan na family dinner. Pagdating ko sa bahay nina Ate, kumatok ako nang tatlong beses bago nagbukas ang pintuan. Si Lia ang bumukas. Mag-isa lamang siya sa sala habang nanunuod nang t.v.
"Hello, tita! ganda. Kamusta po? Si Mama ba hinahanap mo? Nasa loob nang room sila ni Papa. Natutulog si Mama, masama ang pakiramdam ni Mama." Nagtaka man ako sa sinabi ni Lia. Hindi manlang sinabi ni Ate sa akin.
"Kailan nagkasakit si Mama mo Lia? Uminum na ba siya nang gamot?" Tanong ko Kay Lia. Kawawa naman si Ate.
"Hindi ko alam Tita. Basta kanina suka siya ng suka pero wala daw may lumalabas. Dinalhan siya ni Papa nang lugaw si Mama. Sabi ni Papa dito daw muna ako baka mahawaan ako ni Mama nang sakit niya." Saad ni Lia. Tumango tango naman ako bago nagpa alam sa kanya na pupuntahan ko si Mama niya para kamustahin.
"Ate kamusta ka? Naka inum ka ba nang gamot? Nakakain kana ba? Sinabi ni Lia na may sakit ka daw? Napano ka?". Nag alala kong tanong sa kanya. Namumutla siya kasi pag pasok ko sa kanilang silid ni kuya. Habang si Kuya pinupunasan ang kamay ni Ate. Hinawakan naman ni Ate ang aking kamay saka ngumiti. Nagpaalam naman si Kuya na lalabas muna para puntahan si Lia sa labas.
"Huwag kang mag alala natural lang ito. Siya nga pala bakit napunta ka dito? Wala bang trabaho sa loob nang mansyon? Baka hanapin ka duon. Okay lang ako wala akong sakit. Ganito lang siguro kapag buntis." Lumaki ang aking mata at napaawang ang aking bibig sa narinig mula kay Ate.
"Whooaa as in Ate? Juntis ka ulit? Wow congratulations Ate. Tita na ulit ako." Masayang turan ko kay Ate.
"Kagabi lang namin nalaman. Saka plano talaga namin ni Kuya mo na sundan na si Lia." Nakangiti na sabi ni Kuya habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
"Alam na ba ni Lia, Ate? Sabi niya lang jasi kanina sa akin masama ang pakiramdam mo."
"Hindi pa, mamaya pa namin balak sabihin sa kanya. Sasama ka ba mamaya? Magsisimba kami balak ni Kuya mo na mamasyal at kumain sa labas para daw i-celebrate ang pagdating nang bago naming anghel."
"Sige Ate, pagkatapos namin ni Kuya maihatid ang mga gamit ko sa condo ni Kuya Harlem. Sasama ako." Hinawakan ni Ate ang aking kamay.
"Ginagabayan pa rin Tayo ni Nanay. Masaya ako para sa'yo Katrina. Mag aral ka nang mabuti at mag ingat ka duon. Kong may hindi ka alam sa condo tawagan mo lang ako. At kung may gamit si Sir na hindi mo makita tumawag ka lang. Hindi naman marumi at walang maraming gagawin duon. Mag ingat ka palagi." Naluluhang saad ni Ate. Yumakap naman ako sa kanya at nagpasalamat.
"Maraming salamat Ate. Pangako Ate pag butihan ko ang aking pag aaral. Saka gagawin kong mabuti ang aking trabaho para hindi magalit si Kuya Harlem sa akin. Ang babait nila Ate."
"Ang swerte natin na naka tagpo tayo nang katulad nila. Kaya kailangan suklian natin ang kanilang kabutihan." Marami pa kaming pinag usapan ni Ate hanggang sa bumalik na si Kuya pra sabihin na aalis na kami para ihatid ang mga gamit ko sa condo. Nagpaalam na ako kay Ate at Lia.