CHAPTER FIVE

1277 Words
KATRINA "Okay ka lang Katrina? Good luck sa first day mo." Saad ni Kuya Harlem. Nag aayos na ako para sa una kong pag pasok sa eskwelahan. Narito na ako sa condo ni Kuya Harlem. Naghahanda na rin siya para pumasok sa kanyang opisina. Ang gwapo gwapo niya talaga. Lihim akong napangiti dahil komplito naman ang araw ko. At napaka sigla ko ngayon dahil may inspiration ako sa aking pag aaral. Sana lang talaga hindi mahalata ni Kuya na may gusto ako sa kanya. "Medyo kinakabahan Kuya. Pero keri lang . Salamat ulit kuya sa pagpa patira dito sa condo mo? Dito ka ba mamaya kakain nang dinner Kuya." Tumango siya habang inaayos ang kanyang neck tie sa leeg. Parang gusto ko siyang tulungan ngunit nakakahiya naman. Medyo nahirapan si Kuya, kaya nag presinta na ako, kong pwedi ko siyang tulungan. "Kuya gusto mo tulungan kita? Baliktad po ang pag lagay niyo." Humarap naman siya sa akin. "Pwedi ba? Saka ihahatid na kita bago ako pumasok sa opisina. Ibigay mo din ang number mo para matawagan kita. Lihim na nag diwang ang aking puso sa sinabi ni Kuya. Naks Katrina 1 point. Kausap ko sa aking sarili. Lumapit na ako kay kuya para tulungan siya sa pag ayos ng kanyang neck tie. Sobrang bilis nang pagtibok nang aking puso nang magkalapit ang aming mga mukha. Kahit sa neck tie ako nakatingin pero feeling ko nakatitig sa akin si Kuya Harlem. Ang bango bango niya sarap yakapin. Nang matapos ko kaagad akong lumayo, parang nag iinit bigla ang aking mukha "Tapos na Kuya. Okay na." "Salamat. Tapos ka na ba? Let's go. Baka malate ka ka pa sa first class mo. Saka sa tanong mo kung dito ako kakain mamaya. Yes uuwi ako nang maaga, susunduin kita." "Ay susko Lord pigilan mo ako, gusto ko na talaga tumili nang malakas. Feeling ko crush din ako ng crush ko." Sabi nang maharot kong isipan. "Huwag assuming Katrina. Sinabi niya na parang nakakabatang kapatid ka lang di ba? Saka may fiance na ang tao. Tandaan mo." Sabi naman nang kuntrabida kong utak " kaya napa nguso nalang ako at kinuha ang aking bag. "Tapos na Kuya. Salamat ulit." Sabi ko naman kay Kuya. Sarap kutusin ng kuntrabida kong utak. Masaya na sana, kumuntra pa. Pangit ka bonding. "Okay let's go." Pagyaya ni Kuya. "Bye, Kuya. Salamat sa paghatid. Ingat po sa pag maneho." Paalam ko kay kuya nang maka baba na ako sa kanyang sasakyan. Tumango naman siya at ngumiti. "Kung may problema ka, huwag kang mahiya na tawagan ako. Good luck ulit. Ingat din. Sige pumasok ka na." Saad ni Kuya sa akin. Nag thumbs up ako saka tumalikod na para pumasok sa loob ng university. Masaya akong humakbang papasok sa university. Sana may makilala akong mabait na ka-klasi. KATRINA 5 Hello, bago ka ba dito?" Bigla akong napa angat ng mukha nang may tumabi sa akin ng upo at nagtanong. Nakayuko ako dahil hinahanap ko ang ballpen sa aking bag . Kakatapos lang namin nang klasi kaya tumambay muna ako dito sa upuan malapit sa gate. Hinihintay ko si Kuya Harlem, dahil papunta na daw siya. "Hi." sagot ko sa lalaking basta basta nalang tumabi s akin. Malawak naman ang space nang upuan. At parang hindi naman siya bastos kaya kinausap ko nang maayos. "Anong year ka? Tranferee ka ba?" Tanong niya ulit sa akin. "Bago lang ako dito. First year college. Accountant department ako. Ikaw?" Tanong ko din sa kanya. Wala pa akong gaano ka kilala kanina sa mga classmate ko. "I'm George. Business Administration ang course ko. How about you, can we be friend?" Nakangiti niyang sabi habang nilahad ang kamay niya sa akin. Akmang tatanggapin ko na sana ang kanyang kamay nang may biglang tumawag sa akin mula sa aking likuran. "KATRINA. Malakas na boses ni Kuya Harlem na parang kulog at mukhang galit habang tinatawag ang aking pangalan. Kaya mabilis akong nagpaalam kay George. "Mauna na ako. Tinatawag na ako ni Kuya." Magkita nalang tayo bukas.Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot. Mabilis akong tumayo at malaki ang hakbang papunta kay Kuya Harlem. "Kuya nandito ka na pala? Sorry hindi kita napansin." Madilim ang kanyang mukha habang nakatingin kay George na nakatayo na pala sa aking likuran. Hinawakan niya ang aking kamay at pinapa pasok niya na ako sa loob nang sasakyan. Pagpasok niya kaagad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. "Sino 'yun? Boy friend mo?" Matigas niyang tanong sa akin. "Hi-hindi Kuya. Nagpakilala lang at gusto akong maging kaibigan." Nau-utal kong paliwanag sa kanya. Bakit parang galit at ang tingin niya kanina kay George ay parang kakainin niya ng buhay? "Good, bata ka pa. Hindi ka pa pwedi mag boyfriend. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo." Seryusong sabi niya sa akin. Yumuko nalang ako at mahigpit na kumapit sa aking bag. Maya-maya tinanong niya ako sa malumanay na boses. Kaya napa angat ako ng tingin. "Kamusta ang first day mo? Pasensya kana sa inasal ko kanina. Ayaw ko lang may lumalapit na mga lalaki sa'yo. Bago ka pa lang dito sa Manila. Hindi mo pa kilala ang mga mabuti at masama. Kapag may nagyaya sa'yo kong saan pupunta. Huwag na huwag kang sumama. O better call me." Anya. "Salamat Kuya. Tatandaan ko ang mga sinabi mo. Mukhang mabait naman kanina si George kaya nakipag usap ako sa kanya." Sagot ko sa kanya. "So, nagka kilala na pala kayo? George ang pangalan nang lalaki?" Medyo galit na naman ang kanyang boses. "Hindi ko nasabi ang pangalan ko kuya. Dahil bigla mo akong tinawag. Baka bukas nalang." Sagot ko naman sa kanya. Bigla niyang tinigil ang kanyang sasakyan at matalim na tumingin sa akin. "Hindi mo ibibigay ang pangalan mo sa kanya bukas. At hinding hindi kana makipag usap sa lalaking iyon o kahit na sinong lalaki sa inyong eskwelahan." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya. Ano daw hindi ako makipag usap sa mga lalaki? Kung professor ko pala lalaki, lalabas ako ganun? Teka bakit parang galit kapag may lalaki akong kakausapin. Nagseselos ba siya? Tanong ko sa aking isipan. Bakit siya magagalit? Baka nagseselos? Ibig ba sabihin crush niya rin ako? Lihim akong napangiti. "Bakit naka ngiti ka? May masaya ba sa sinabi ko?" Matigas na tanong niya sa akin. Umiwas nalang ako saka tinuon ko ang aking paningin sa labas nang bintana. "Kuya, bakit ka huminto? May hinihintay ka ba? Ma-ang ma-angan kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya saka binuhay na ang makina at nagpatuloy sa pag byahe. "Kuya, hindi ba magagalit ang fiance mo na sa condo mo ako nakatira? Baka mamaya mag away kayo nang dahil sa akin? Ngunit sa isip isip ko mabuti nga na mag- away sila at maghiwalay. "Sorry Lord kung bad ako. Ayaw ko sa babae na 'yun para kay Kuya. Gusto ko sa akin lang si Kuya, char." Habang nasa byahe kami panay lang ang pag buntong hininga ni Kuya hanggang sa makarating kami sa kanyang condo. Hindi niya manlang sinagot ang tanong ko. Baka mamaya niyan masabunutan ako ni Cherry linta. Binuksan ko kaagad ang pinto ng saksakyan at lumabas. Hindi pa rin umimik si Kuya hanggang sa pagpasok sa elevator at pagdating namin sa loob ng kanyang condo. Kaya tinanong ko na siya kong anong gusto niyang ulam para sa dinner. "Kuya anong gusto mo para sa dinner? magluluto na ako. Tanong ko sa kanya nang akmang papasok na siya sa loob ng kanyang kwarto. Baka gusto niya munang magpahinga. "Ikaw ang bahala Katrina. Tawagin mo nalang ako mamaya kapag nakapag luto ka na." Pagkatapos pumasok na siya sa kanyang kwarto. Pumasok na rin muna ako sa aking silid para magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD