KATRINA
Nagbihis muna ako saka tiningnan kong ano ang pweding lutuin. May nakita akong baboy, kaya gusto kong magluto nang sinigang na baboy. Naalala ko nung nag luto ako sa mansyon ng sinigang na baboy naubos ni Kuya ang binigay ni Ate Airen. Kaya lulutuan ko muli ang secret crush ko na hindi manlang akong kayang i crush back. Nang umpisa na akong naghanda nang mga gagamitin ko para sa sinigang. Pa kanta kanta ako habang nag gagayak nang pang sahog. Ang sabi nang mga ninuno dati na kapag nagluluto ka habang kumakanta. Ay makapag asawa ka nang matandang mayaman. Kaya tamang tama matanda at mayaman si Kuya Harlem kaya tiyak siya talaga ang maging asawa ko.
"Hoy! Katrina. huwag kang mangarap nang gising. Langit si Harlem, lupa ka lang hindi mo abot ang tao " Kastigo nang kuntrabida kong utak.
"Panira talaga sa pag ibig ko. Kung pwedi lang kitang alisin sa utak ko matagal na kitang inalis." Napangiti nalang ako sa kabaliwan ko. Pati utak ko kinakalaban ko na dahil lang sa pag sinta ko kay baby ko Harlem.
"Naks maka baby." Kausap ko ulit sa baliw kong isip. Habang pina kuluan ko ang karne ng baboy nag saing naman ako sa rice cooker. Matapos ang isang oras natapos na rin ako sa pag luto. Alas siete ng gabi kaya pinuntahan ko na si Kuya sa kanyang kwarto para yayain kumain. Pagdating ko sa kanyang pintuan kumatok ako nang dalawang beses bago bumukas. Bagong ligo si kuya at naka short lamang. Walang pang itaas na damit. Napalunok naman ako nang pinasadahan ko ang kanyang mala pandesal na katawan. Kay sarap haplusin.
"Katrina luto na ba? Kakain na ba tayo?" untag ni Kuya sa akin. Hindi ko namalayan naka tulala na pala ako sa kanyang katawan.
"Pwedi bang ikaw nalang ang kainin ko?" Wala sa sarili kong sambit.
"Ano ang sinabi mo Katrina? Hindi ko marinig." Bigla akong natauhan sa pagkatulala sa katawan ni Kuya nang pinitik niya ang aking ilong.
"Aray naman kuya. Parang tumitingin lang eh." Inirapan ko siya dahil bigla akong nahiya baka sabihin niyang na ang bata bata ko pa. Huli pero di kulong mahina kong usal.
"Kung saan saan naglalakbay ang mga mata mo. Ano ba ang tinitingnan mo sa katawan ko? Sandali kukuha lang ako nang damit ay sabay na tayo pupunta sa mesa." Tumalikod siya at kinuha ang kanyang damit na nakalagay sa kanyang kama. Pagkatapos niyang isuot niyaya niya na akong pumunta sa mesa para kumain.
"Wow ang sarap! Katrina. Parang mapaparami ang kain ko nito." Kumuha na si Kuya nang sinigang na baboy saka sinalin sa mangkok. Mag umpisa na sana kaming kumain nang may kumatok sa pinto. Ako na nag bukas dahil ako ang nasa malapit sa pintuan. Pagbukas ko malawak ang ngiti nang linta ang akala niya siguro sir Kuya ang sumalubong sa kanya. Ngunit nang makita niya ako bigla nalang sumimangot at dinaanan lang ako. Tse sarap tadyakan. Sa isip isip ko.
"Darling, bakit? hindi mo sinagot ang mga tawag ko? Saka bakit narito siya?" Sabay turo niya sa akin. Pasimple ko naman siyang inirapan. Bumalik na ako sa pag upo sa mesa. Hindi ko siya niyaya o binati. Ang kala mo kong sino siya.
"Pagod lang ako Cherry. Bakit narito ka? Kumain ka na ba? Let's eat. Masarap ang sinigang na luto ni Katrina. Saka simula ngayon dito na siya titira dahil malapit lang ang condo ko sa eskwelahan niya." Sumimangot ang linta saka humaplos sa balikat ni Kuya.
"Give a plate, spoon and fork?" Utos niya sa akin. Dahil malapit siya sa cabinet kong saan nakalagay ang mga plato tinuro ko sa kanya.
"Nasa likod mo Ate, saka kumplito naman ang mga kamay mo para utusan ako. Naka punta ka nga dito. Tapos pinggan lang iutos mo sa akin. Saka kunti lang ang niluto ko para lang sa dalawang tao. Hindi ko naman alam na darating ka." Prangka kong saad sa kanya. Bahala na kong pagalitan ako ni kuya. Bigla naman tumaas ang kanyang kilay.
"Cherry kumuha ka na, huwag mo nang pansinin si Katrina. Ganyan lang talaga mag isip ang mga bata." Sumimangot naman ako sa sinabi ni Kuya. Bata talaga ang turing niya sa akin. Kong bigyan ko kaya siya nang bata. Hayts maka kain na nga.
"I wait you nalang Darling sa sofa. Baka hindi ko naman makain ang niluto ng batang kasama mo. Baka pangit ang lasa." Sarkatisko niyang sabi. At padabog na lumakad patungo sa sofa. Inirapan ko naman siya saka nagpatuloy sa pagkain.
"Katrina, ayaw ko sa ugali mo. Fiance ko siya sana respituhin mo siya. Gaya nang pag respito mo sa akin." Biglang kumirot ang aking puso. Hindi ko siya sinagot at tinapos na rin ang aking pagkain bigla akong nawalan nang gana.
"Sorry Kuya. Hindi na po mauulit. Mauna na po ako." Walang gana kong paalam sa kanya nang matapos kong hugasan ang aming pinagkainan. Ginulo niya naman ang aking buhok saka sinabing matulog ako, nang maaga dahil may pasok bukas.
Pagpasok ko sa kwarto, bigla nalang tumulo ang aking luha sa inis. Iwan ko ba? bakit ang init init ng dugo ko sa babaeng 'yun. Parang may something sa pagka tao niya. Sa aking pag iisip tungkol kay Cherry linta. Hindi ko namalayan, naka tulog na pala ako kahit hindi ako nakapag linis nang katawan.