CHAPTER SEVEN

1479 Words
KATRINA "Hi, Katrina. Tapos ka na ba? Uuwi ka na ba?" Tanong ni Allan na isa sa mga ka klasi ko. Isang buwan na ako nag aaral. At sa isang buwan na pag-aaral ko. Marami na rin akong naging kaibigan. Mabuti at mga mabait naman sila. "Oo tapos na ako. Ikaw ba? Na ipasa mo na ba ang ginawa mo?" Balik tanong ko kay Allan. Pumunta ako sa isa sa professor ko para ipasa ang project na pinagawa sa amin. "Bukas nalang ako. May practice kami kanina sa basketball. Sabi ni Sir pwedi pa naman bukas." Anya at sumabay na rin siya sa akin sa paglakad palabas. Isang scholar si Allan dahil magaling siyang maglaro nang basketball. Kahit naglalaro siya mataas pa rin ang kanyang mga grades. Siya ang una kong naging kaibigan sa mga classmate ko. Siguro pareho kaming mahirap. Ang iba kasi mga sosyal at mayaman. May mga kaibigan din ako pero pagkatapos nang klasi kong saan saan pa pumupunta. Tama nga si Kuya Harlem. Kaya kahit anong pilit nila sa akin na sumama hindi talaga ako sumama saka hindi naman ako mahilig mag lakwatsa. Basta makita ko lang ang crush ko ayos na ang buong araw ko. Paglabas namin nang eskwelahan nakita ko na si Kuya na nakaabang kaya nagpa alam na ako kay Allan. Nagtaka nga ako na si Allan lang ang pinapayagan ni Kuya na kausapin kong lalaki. Pero kapag makita niya na may iba akong kausap na lalaki parang umuusok ang kanyang ilong sa galit. "Kuya, kanina ka pa ba? Sorry ngayon lang ako nakalabas. Tinapos ko pa ang project ko at pinasa." Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang aking buhok. Sumimangot naman ako dahil bata talaga ang turing sa akin. Bubuksan ko na sana ang driver set nang sinabi ni Kuya na sa likod ako dahil nakaupo sa harapan si Cherry. Kaya pala hindi binuksan ni kuya ang pintuan na palagi niyang ginagawa kapag sinusundo ako. Pagbukas ko ng pintuan sa likuran kaagad na rin akong pumasok. Nakita ko si Cherry na nakasimangot. Hindi ko siya binati bahala siya, sa buhay niya. Hindi kami bati. Saan kaya siya galing? Isang buwan ko din siyang hindi nakita na pumunta ng condo ni Kuya. "Darling ihahatid mo ba si Katrina bago tayo mag date? Saka darling bakit ikaw ang nagsusundo sa kanya? Ang pagkaka alam ko marami ka namang tauhan." Tanong ni Cherry habang nakakapit sa braso ni Kuya. Alam niyang nagda-drive ang tao kapit pa rin ng kapit. "Cheery, kargo ko si Katrina. Pina kiusapan ako ni Mommy dahil parang anak na ang turing ni Mommy kay Katrina at parang kapatid ko na si Katrina. Kaya ako ang nagahahatid, sundo sa kanya. Dahil nasa poder ko siya." Palihim akong ngumiti sa sagot ni kuya. Pero hindi ko lang gusto na parang kapatid niya ako. Hayyst, bakit? sakit talaga kapag hindi ka i-crush back nang crush mo. "Okay, okay! pero darling pwedi bang tayo lang ang mag date? Inatid mo nalang muna si Katrina. Siguro alam niya naman magluto para sa kanyang sarili. Gusto kong masolo kita ngayon Darling. Sobra kitang na miss. Isang buwan din tayong hindi nag you know." Sabay irap sa akin dahil biglang nagtama ang aming mga mata. Inirapan ko din siya. Kahit sinabi ko na nuon kay kuya na hindi ko siya aawayin. Pero hindi ko mapigilan, siya naman ang nangunguna. Alangan naman mag patalo ako. Ako kaya si Katrina walang inuurungan. "Oo nga, Kuya. Pwedi nga ako, na mag taxi nalang. Baka maka disturbo pa ako sa date niyo. Saka napagod din ako sa buong maghapon sa klasi. Marami kasi kaming activities na ginawa." Akala siguro nang bruha gusto ko din siyang makasama. Sarap hampasin. "Okay ka lang? Marami ba kayong ginawa sa school? Kung gusto mo mag order lang tayo saka sa condo ko nalang tayo kakain." Saad ni Kuya Harlem. "Harlem ano ba? Mas concern ka pa sa batang 'yan kaysa sa akin. Mas importante pa ba siya sa'yo? Ihinto mo ang sasakyan nawalan na ako nang gana. Palagi nalang tayong ganito. Wala ka nang oras sa akin. Simula nang dumating ang batang 'yan parang walang ka nang ganang samahan ako." Pagalit na sabi ni Cherry. Tumaas naman ang aking kilay sa kanyang sinabi. Biglang hininto nga ni Kuya ang kanyang sasakyan. Narinig ko ang pag click nang pintuan tanda ng pag-unlock ni kuya ang pinto. "Siya talaga ang pipiliin mo Harlem? kaysa sa akin na fiance mo?" Pasigaw ulit na sabi ni Cherry. Kaya mabilis kong binuksan ang pintuan at sinabi na ako na ang baba. Mabuti may dumaan kaagad na taxi. May pera naman ako kaya hindi ako nangamba na walang pambayad. Natanaw ko pa ang kotse ni kuya na hindi pa rin umalis. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko na yatang bumalik sa bahay nila ma'am Shanti. Gusto ko man maghiwalay ang dalawa pero nakakahiya naman sa mga amo ko. Baka ako pa ang dahilan nang kanilang paghiwalay. Pagdating ko sa harap nang condo ni Kuya nagbayad ako kaagad saka pumasok sa building. Pagdating ko sa condo ni Kuya matapos kong magbihis paglabas ko nagtaka ako na nasa loob na rin si Kuya . "Kuya bakit nandito ka na kaagad? Nasaan si Ate Cherry?" Nagtaka ako sa kini-kilos ni Kuya. Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang kanyang noo. "Umuwi na, iniwan ko sa kalsada. Gusto niyang bumbaba edi pinagbigyan. Saka huwag mo na siyang isipin. Nag order na ako nang pagkain natin. Kaya huwag ka nang magluto. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mong uminum nang gamot?" Bakit nanging concern si Kuya sa akin. Hinayaan niya ang kanyang fiancee, tapos sinundan ang ako? Nakaramdam naman ako nang kilig sa pagiging concern ni kuya. Pero nakakatakot na kapag na fall na talaga ako sa kanya hindi niya naman akong kayang saluhin. "Kuya, sorry. Nag away pa kayo nang dahil sa akin. Nakakahiya. Kuya pwedi bang bumalik nalang ako sa mansyon niyo. Kahit ayaw ko si Cherry sa'yo pero ayaw ko din na may masaktan na tao dahil lang sa akin. Kaya Kuya iiwas nalang ako. Baka ano pa ang sabihin ni Ma'am Shannon sa akin. Salamat sa concern Kuya." Pahayag ko sa kanya. "No, Hindi ka aalis dito. Parang kapatid lang ang turing ko sa'yo. Makitid lang ang utak ni Cherry. Hayaan mo siya. Wala ka namang ginawang masama sa kanya." Ma otoridad na sabi ni kuya. Tumango nalang ako at nagpa alam na papasok muna sa loob ng aking silid. Alas sais nang hapon dumating ang inorder ni kuya na mga pagkain ngunit wala siya. Baka sinuyo si Cherry. Inayos ko na ang mga pagkain saka naunang kumain dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Baka natuloy ang kanilang date. Pagkatapos kong kumain inayos ko na ang mga pagkain at niligpit ang aking pinag kainan. Pagkatapos kinuha ko ang aking mga notes para gumawa nang mga assignment at mag aral. Dito ko pinili sa sala mag aral. Nilapag ko lahat nang note ko sa sahig saka kinuha ang isang libro at 'yun ang una kong pinag aralan. Habang busy ako sa pag pabasa bumukas ang pinto at pumasok si Kuya. May bitbit siyang paper bag. Lumapit siya sa akin at nilagay ang paper bag sa mesa sa harapan ko. Tumingala ako sa kanya . Nagtaka ako kong bakit nilagay niyan ang paper bag sa harapan ko. "Buksan mo, magagamit mo 'yan. Napansin ko hindi ko nakita na may ganyan ka. Makakatulong 'yan sa'yo kapag may ire- research ka. Nahulaan ko ang kong ano ang nasa loob nang paper bag kaya kaagad kong binuksan. Nanlaki ang aking mata dahil tama ang hinala ko. "Wow! Kuya! laptop." Hindi ko mapigilan na mayakap siya at sa kanyang pagharap sa akin aksidenting naglapat ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mata at hindi nakagalaw ganun din si Kuya. Maya-maya umayos siya nang tayo. "I'm sorry." Anya at kaagad na pumasok sa kanyang silid. Naiwan akong nakatulala sa nangyari. Pero ang lambot ng labi ni Kuya. Dahan dahan kong hinawakan ang aking labi. Parang nasa labi ko pa rin ang mga labi ni Kuya. Mabilis kong niligpit ang aking mga libro para pumasok sa loob nang nakaramdam ako hiya. Baka sabihin niyang sinadya ko ang paglapit nang aming mga labi. Iniwan ko ang laptop sa mesa. Ibabalik ko sa kanya. Gusto ko talaga magka laptop kaya nga nag iipon ako para maka bili. Pero sa nangyari kanina, parang ayaw ko nang tanggapin. Ilang segundo lang nagkalapat ang aming mga labi ngunit nakakahiya. May fiancee siya at kapatid lang ang turing niya sa akin. Kahit ako iba ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit anong pigil ko sa aking sarili ngunit mas nangingibabaw ang pagka gusto ko kay Kuya. Parang ayaw ko nang magpakita na kanya. Hindi ko alam ang sasabihin kong magkita kami. Pero nasa condo niya ako, kaya malamang magkikita talaga kami. Haysst bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD