CHAPTER EIGHT

1446 Words
KATRINA "Tita ganda, I miss you po." Bati sa akin ni Lia, nang makita niya ako papalapit sa kanya. Sabado ngayon kaya pumunta kami dito ni kuya sa mansyon. Kaninang umaga nagyaya si Kuya Harlem na pumunta dito. Kaya mabilis akong naglinis para sumama sa kanya. Gusto ko din bisitahin si Ate. Na miss ko na silang makausap. N'ong nangyari ang aksidenting nagka halikan kami ni Kuya, kinabukasan kinausap niya ako at sinabing kalimutan nalang ang nangyari .Dahil pareho naman namin na hindi sinadya. Kahit may kirot sa aking puso dahil kapatid lang talaga ang tingin niya sa akin umuo pa rin ako. Nagkaayos na rin sila ni Cherry. Pero ganun pa rin hindi kami bati at close. Mabuti nga hindi na ako pinagsabihan ni kuya kapag sinusungitan at sinasagot sagot si Cherry kapag pumunta siya ng condo. At ganun pa din, hatid sundo pa rin ako ni kuya sa eskwelahan. Minsan nga napagkamalan pa akong kasintahan ko si Kuya. Kaya para hindi na ma isyu ang iba kong mga ka klasi, sinabi kong pinsan ko si Kuya. Pagdating namin sa mansyon dumiretso si Kuya Harlem sa loob ng mansyon. Ako naman dumiretso sa bahay nila Ate. Papalapit ako sa bahay nila Ate, nakita ko si Lia, sa labas nang kanilang bahay habang naglalaro mag isa. Umalis daw kasi ang triplets kaya hindi niya kasama sa paglaro. "I miss you too Lia. Wow! ang laki mo na ah! at ang ganda ganda pa. Mana ka talaga kay Tita." Pagkatapos hinawakan ko na ang kanyang kamay para pumasok na kmi sa loob ng kanilang bahay. Simula nang mabuntis si Ate, hindi na muna siya pina trabaho sa mansyon. Tumutulong naman si Kuya Buldog at Kuya Patrick. " Ate." Bati ko kay Ate nang makita ko siya sa kusina habang may hinahalo. Pinatay niya muna ang kalan at humarap. "Katrina mabuti at napasyal ka. Tamang tama luto na ang tanghalian. Lalo kang gumanda ah. Ilang buwan lang tayong hindi nagkita. Kamusta sa condo ni Sir? Baka nagpapasaway ka duon?" Pag usisa ni Ate sa akin. Napanguso naman ako sa kanyang sinasabi sabay ulo sa upuan. "Ate naman. Nagbago na ako saka hindi ako nagpapasaway kay Kuya. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko at nag aaral ako ng mabuti Ate. Ang laki na nag tiyan mo Ate. Excited na akong makita ang ikalawa kong pamangkin. Sabay haplos sa kanyang malaking tiyan. "Teka nasaan pala si Kuya Brandon?" Hindi ko kasi nakita si kuya Brandon. "Umuwi nang probinsya dinalaw ang kanyang Nanay, may sakit. Tapos sinabihan kong pinturahan ang nitso ni Nanay. Kaya baka sa sunod na araw pa siya uuwi." Sa sinabi ni Ate parang na miss ko na ang aming probinsya at si Nanay. "Ate, dito nalang muna ako matulog. Magpaalam lang ako kay Kuya. Bukas nalang ako uuwi sa condo." Matapos naming mag usap ni Ate. Ako na ang naghanda ng pagkain sa mesa. Lumapit na rin si Lia na kakatapos lang maligo. Ang sarap nang luto ni Ate na pinakbit at pritong bangus. Busog na busog ako sa aking kinain. Ako na rin ang maghugas ng aming pinagkainan. Pagtapos umupo kami ni Ate at Lia, sa kanilang sala at nanunuod ng t.v. na paborito ni Lia. Kwentuhan at kamustahan kami ni Ate. Kweninto ko din sa kanya ang tungkol sa pag-aaral ko at ang pag-bigay ni Kuya Harlem ng laptop sa akin. Ang plano kong ibalik ang laptop. Hindi ko na nagawa dahil kinausap niya naman ako. Hanggang sa sumapit ang alas kwatro nang hapon. Kaya nagpaalam muna ako kay Ate para pumunta sa mansyon para magpaalam Kay Kuya Harlem. Habang naglalakad ako sa likod nang mansyon Nakita ko si Kuya Harlem, Kuya Buldog at Kuya Patrick na seryusong nag uusap. Dahil sa may pagka tsismosa ako dahan dahan akong lumapit para marinig ang kanilang pinag uusapan. Hindi naman nila ako makita dahil nakatalikod sila sa akin. "Basta kailangan maka siguro tayo na sila ang ang utak sa pag kidnap nuon kay Shan Shan at sa pagkamatay ni Diosdado. Bilang leader nang isang Mafia kailangan managot sila sa kanilang mga ginawa. Hindi ko sila mapapatawad. Hindi alam ng pamilya ko kong ano at sino ako. Kaya Buldog at Patrick mag ingat kayo sa mga kinikilos niyo. Para hindi kayo mahalata ni Shan Shan, na sumama kayo sa akin bilang isang mafia." Sabi ni Kuya sa dalawa. "Boss paano si third? Kailan mo siya lalayuan?" Tanong ni Kuya Buldog kay Kuya Harlem. "Titiisin ko muna ang pagmumukha niya. Kaya nga kahit nasusuka na ako sa kanyang pagmumukha. Kailangan kong tiisin para magawa natin ng maayos ang plano. Kayo ang bahala sa triplets at kay Shan shan. Hindi ko pweding iwanan mag isa si K. Dahil nahahalata ni ni Third na iba nag trato ko kay K. Kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay..." Hindi ko na napatapos ang sasabihin ni Kuya Harlem dahil biglang humarap si Kuya Buldog sa aking pinag tataguan kaya kaagad akong umalis. Mabuti nalang at hindi ako niya ako nakita. Sino ang tinutukoy ni Kuya na nasusuka siya sa pagmumukha? At sino ang kanilang Binabantayan. Hanggang sa nakapasok ako sa mansyon at umupo sa sala iniisip ko pa rin ang aking narinig. Mafia? Si kuya Harlem isang Mafia?at kasama pa si Kuya Buldog at Kuya Patrick? At sino naman si K at Third? Kumabog bigla ang aking puso. Ang pagkakaalam ko kasi kapag mafia mamatay tao. Ibig sabihin si Kuya Harlem mamatay tao? "Katrina." Narinig ko ang boses ni Kuya Harlem. Mula sa aking likuran. "Mamatay tao." Wala sa sarili kong sagot. "What di you say?" Tanong ni Kuya nang makalapit na siya sa akin. Kinabahan naman ako, na baka malaman niyang narinig ko ang kanilang pinag-usapan. Kumamot muna ako sa aking ulo bago sumagot kay Kuya Harlem. "Wala po kuya. May napanuod lang ako kanina sa t.v duon sa bahay ni Ate. May eksina na ang isang lalaki ay mamatay tao. Ngunit mahal pa rin siya nang babae. Kahit na alam ng babae na mamatay tao ang lalaki, mahal niya pa rin ito." Nakita kong nag iwas nang tingin si Kuya Harlem. Dahil kahit mamatay tao siya, mahal ko pa rin siya. Hindi naman lahat na mamatay tao ay masama. Siguro kailangan lang nilang gawin 'yun para rin sa kanilang kaligtasan. "Let's go. Balik na tayo sa condo. Hapon na." Pagyaya ni Kuya sa akin. "Kuya, pwedi bang bukas nalang ako babalik nang condo? Sasamahan ko sila Ate. Wala si Kuya Brandon. Umuwi nang probinsya." Tumango lang siya sa aking sinabi. "Okay, dito na rin ako matulog. Wala pa naman dito ang ang triplets kaya hintayin ko nalang sila. Para sabay nalang tayo bukas babalik sa condo." Anya at tumabi sa akin ng upo. Parang nakaakbay pa siya sa akin dahil nilagay niya ang kanyangn kamay sa likod nang aking inuupuan. Nakita ko si Kuya Buldog at Kuya Patrick na ngumiti at umiling iling habang papasok sa kusina. Malapit nang magkadikit ang katawan namin ni Kuya. Dahil mas umusog pa siya palapit sa akin. Naamoy ko na ang kanyang pabango na sobrang sarap amoyin. Shutang puso ko hindi maiwasan ang mabilis na pagkabog na parang mabibingi na ako sa sobrang lakas. Ano ba kasi ang trip ni Kuya? ang lawak lawak naman ng upuan bakit dikit dikit ito sa akin. Kaya bago pa ako maka gawa nang mali, tumayo na ako at nagpaalam na sa kanya na babalik na sa bahay nila Ate. "Kuya balik na ako sa bahay nila Ate." Akmang hahakbang na ako, nang hinawakan niya ang aking kamay. Kaya bigla akong nakaharap sa kanya. Namilog ang aking mata nang hinalikan niya ako sa aking noo. First time ginawa ni kuya sa akin ito. Kaya bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. Pero bakit sa noo lang? Mas gusto ko sa lips. Maya- maya lang napa aray ako dahil pinitik niya ako sa aking ilong. "Bakit ka pumikit at naka nguso? Ang akala ko ba? aalis ka na para pumunta na sa bahay ni Lourdes. Hinalikan lang kita sa noo. Dahil ganyan din ang ginawa ko kay Shan Shan. Parang kapatid na rin kita, kaya dapat ganyan ang gagawin ko sa'yo katulad kay Shan Shan." Napanguso nalang ako at inirapan siya. Ang sakit ng aking ilong. Bakit ba kasi iniisip ko na hahalikan niya ako sa lips. Ang akala ko kasi, parehas sa mga nabasa at napanuod ko. Na pagkatapos halikan ng lalaki sa ilong ang babae, kasunod ay sa lips naman halikan. Padabog akong tumalikod at umalis na hindi ko na nagawang magpa alam pa sa kanya. Mabilis ang hakbang ko palabas nang mansyon. "Pa fall talaga. Tapos hindi marunong sumalo." Tanging nasabi ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD