HARLEM Hindi na ako bumalik sa bahay nang umalis ako ng gabing 'yun. Ngunit kahit ano ang aking gagawin hindi talaga mawala si Katrina sa aking isipan. Ayaw ko na sanang bumalik pa sa mansyon. Ngunit may nakalimutan ako at bukas pa ang flight ko pabalik sa America. Kaya sa huli bumalik ako sa bahay at balak kong matulog buong araw. Sapagkat buong gabi hindi ako nakatulog sa pag iisip sa maamong mukha ni Katrina. Pagdating ko sa bahay napaka tahimik, siguro nasa kwarto niya si Katrina ngunit pagpasok ko sa loob. Nakita kong nakatingin siya sa aking picture na nakasabit sa dingding. Bumubulong bulong pa ito na hindi ko maintindihan. Lumapit ako sa kanya para batiin at kamustahan siya hanggang sa sinabi ko na kong pwedi kaming mag usap. Pagkatapos naming mag usap sa library medyo gumaan ang

