KATRINA "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Happy 18th birthday Katrina." Sabay sabay na kanta nila sa akin dito sa loob ng mansyon. Nabigla at mapaluha sa sorpresa nilang lahat sa akin. Hindi ko alam na may hinanda pala sila aking birthday . Kadadating ko lang galing probinsya dahil binisita ko si Nanay sa kanyang puntod para kahit wala man si Nanay sa tabi ko kasama ko pa rin siya sa aking birthday. Kaya pala hindi sumama sina Ate at Kuya. Yun pala may hinanda sila sa akin na sorpresa. Kahit na hindi katulad sa birthday gaya na may 18th roses and candles napaka saya pa rin ng araw at birthday ko. Nanlaki ang mata ko na pati si Kuya Harlem narito din. Ang akala ko isang buwan siya sa ibang bansa para sa kanilang negosyo. Hindi ako kaagad naka kilos sa aking kinatatay

