KATRINA 20 "Wow , Ate! ang sexy sexy mo po! Bagay na bagay sa'yo ang suot mong swimsuit." Papuri ni Lovely sa akin. Nang kinalas ko ang suot kong bathrobe. Sabado ngayon kaya niyaya ko sila ni Grace para maligo sa dagat. Wala namang ibang tao kaya sumusuot ako ng swimsuit. Nakasuot naman ang dalawa ng maikling short at t-shirt. Simula ng pumunta ako dito. Ang hindi ko nagawa sa Manila na magsuot ng mga sexing damit. Dito sinusuot ko na dahil wala naman makakita. Napansin ko din na paglabas namin sa mansyon mabilis nagsi tago ang mga lalaking naka all black. Ang bilis lang ng panahon Hindi ko namalayan na isang taon na pala ako dito sa Isla ng Masbate at hindi ko pa rin nakilala ang may ari ng bahay. Nakaka lungkot lang na hindi ko na natuloy ang aking pag-aaral. Si Allan nasa Manila na ul

