KATRINA 19 Dalawang linggo simula ng umalis ako sa condo ni Harlem. Mabuti nalang pagdating ko sa apartment ni Allan gising pa siya at kinabukasan na rin ang kanyang alis. Hindi niya raw hihintayin ang hinihintay niya. Kaya alas kwatro ng umaga bumyahe na kami papuntang terminal para maka sakay sa barko papuntang Masbate. Nagtaka nga ako na parang VIP kami sa loob ng barko. May sarili kaming kwarto ni Allan. May tv at aircon pa. Nagtaka ako kay Allan na hindi na niya tinanggap ang bayad ko dahil nabayaran niya na raw. Hanggang sa dumating kami dito sa Masbate at ang bahay na tinitirhan ko ay parang mansyon. May mga tao pang naglilinis pagkatapos umalis naman kaagad. Napansin ko rin na may mga lalaking naka bantay sa paligid ng mansyon na naka all black lahat. Nagtaka din ako na kahit gabi

