Simula
SIMULA
Nasa gitna ako nang pag-iisip ng bigla na lang magring ang aking phone. I immediately answered it when I saw who's the caller.
"Allyn!" sigaw n'ya sa kabilang linya.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Tulungan mo 'ko, please," mahinang sagot n'ya na ikinataka ko, kani-kanina lang sumigaw s'ya nang tawagin yung pangalan ko pero ngayon naman ang hina na.
"why? what happened? Angel?" kunot-noong tanong ko.
"Nandito na sil-" naputol ang kanyang dapat sasabihin ng bigla na lang nalowbat ang cellphone ko.
"Pakshet naman oh," mahinang sabi ko habang sapu-sapo ang ulo.
Kinakabahan ako na ewan, basta kinakabahan ako. Hinilot-hilot ko ang aking ulo dahil bigla itong kumirot. Wala naman akong ginawa masyado ngayong araw, nagbabasa lang naman ako sa may library. Kakauwi ko lang galing school then dumaritso ako dito sa kwarto ko.
"Pero bakit kaya tumawag si Angel kanina?" wala sa sariling tanong ko. Kinuha ko na lang yung cellphone ko para icharge ito at pagkasaksak na pagkasaksak ko ay agad ko 'tong ini-on.
Chineck ko agad ang messages. And I have 60 messages from Drake, 15 calls and 19 messages from Neil, 90 messages and 99+ calls from Angel and others, I don't kung sino sila pero inuna ko muna kay Angel.
"Allyn! help me please, they're so many!"
-Angel, 4:00pm
"Bakit mo 'ko binabaan? please tulungan mo 'ko."
-Angel, 5:30pm
"Allyn, please help me, mahirap magtago dito, di ko alam kung saan 'tong lugar na'to, please help me."
-Angel, 8:00pm
3 messages from Angel na nagpapakaba sa'kin. Ewan, basta kinakabahan ako sa iniisip ko. I check the time, it's already 8:30pm.
I tried to call Angel but...
"The number have you dialed is either unattended or out of coverage area."
I tried it again and again and again but unattended padin. Tumakbo ako pababa nang hagdan para lumabas at hanapin si Angel, I saw Dad on the sala.
"Where are you going?" he asked when he saw me, wearing a jacket.
"D'yan lang, may hahanapin lang ako," I answered.
Di ko na s'ya hinintay na magsalita, agad na akong tumungo papuntang garage para kunin ang kotse ko at nagdrive paalis.
I don't know how to find Angel, di ko alam kung saan ko s'ya unang hahanapin. Hinanap ko s'ya kung saan-saan ngunit wala padin, I wanna call Neil but I don't know how, wala akong cellphone na dala.
Nawalan na ako nang pag-asa kaya uuwi na lang ako. Pauwi na ako nang bigla na naman akong kinabahan at kasabay no'n ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan.
"Ang malas naman," bulong ko at nagpatuloy sa pagdadrive pero may napansin akong kakaiba, isang truck ang papunta sa direksyon ko na pagiwang-giwang, iiwas ko na sana ngunit may narinig akong putok ng baril sa di kalayuan at kasabay no'n ang pagputok ng isang gulong ng kotse ko. Nakaiwas nga ako sa truck ngunit bumaliktad naman ang kotse ko.
Pinilit kong ibinuka ang mata ko ngunit ayaw na dala na rin ng hilo. Di ako makagalaw dahil naiipit ako.
"Patay na ba?" teka may naririnig ako.
"Syempre patay na 'yan, Kita mo naman siguro yung sasakyan 'no, bumaliktad ba naman," sagot ng isa, di ko gaanong klaro yung boses pero alam kong lalaki sila.
"Ipasok mo na yung babae."
"Bakit pa ipapasok kung patay naman na yung lalaki?" may himig ng pagtatakang rinig kong tanong ng isa.
"Nakakasigurado ka bang patay na?" dudang tanong ng isa, gusto kong ibuka ang mga mata ko ngunit nahihilo padin ako.
"Hindi rin," sagot nung isa.
"edi ano pang hinihintay mo? ipasok mo na yung babae, yan yung utos 'e," I don't know pero lumakas yung kalabog ng dibdib ko. Narinig kong may ipasok sila sa loob ng sasakyan.
'Babae?' tanong ko sa isipan.
"Hali ka na!" rinig kong sigaw nung isa. Maya-maya pa ay tumahimik na. Gumalaw ako ngunit ayaw ng katawan ko, sinubukan ko nang paulit ulit pero ayaw padin hanggang sa napagod ako at nakatulog.
Naalimpungatan ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nagulat silang lahat ng makita nilang nagising na ako.
"Anak! gising ka na!" sigaw ni Mama.
"Nasaan po ako?" I asked.
"Di mo ba natatandaan?" malungkot na tanong ni Mama na ikinakunot ko nang noo.
"Stop acting like you don't know what happened, Allyn!" biglang sigaw ni Kuya Josh.
"Josh!" sigaw ni Dad.
"Ano! kahit s'ya ang may kasalanan kakakampihan n'yo padin s'ya! Dad, Ma, namatay si Angel dahil pinatay s'ya nang maging n'yo--" isang sampal ang biglang dumapo saakin hindi kay Kuya, pagtingin ko.
"J-jen," mahinang tawag ko sa pangalan ng babaeng nasa harapan ko.
"Bakit mo pinatay ang Bestfriend ng pinsan mo, natin?" sabi n'ya kasabay ng tulo nang mga luha sakanyang mga mata. "Ano! Galit ka parin ba sakanya dahil hindi ikaw ang pinili n'ya? nakamove-on na ang lahat, Allyn."
"No, hindi ako ang pumatay--"
"Sinungaling!" sigaw ni kuya na ngayon ay pilit pading kumakawala sa hawak ni Daddy. Ngunit tumigil lang s'ya sa pagpupumiglas ng makitang pumasok si Charm ang pinsan namin. Lumapit s'ya sa'kin atsaka ako sinampal.
She smiled, "Pwede n'yo ba kaming iwan ng pinsan KO," she said habang di padin nilulubayan ng tingin ang mga mata ko. Sinunod naman nila ito at agad na lumabas.
Lumapit s'ya sa'kin atsaka tinignan yung pisngi ko na sinampal n'ya.
"Sabi ko pa naman sa sarili ko na wag kong lalakasan ngunit sorry napalakas ata," sabi n'ya sabay nagpeace sa'kin, nabaliw na ata 'tong pinsan ko.
"Di ka galit? di ka nagdududa?" naguguluhang tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit?" inosenteng tanong n'ya, "and don't worry di ko kayang magalit sa'yo, lalo na't alam kong di mo kayang pumatay ng dahil lang sa walang kwentang bagay," She said, umupo naman s'ya sa may sofa.
I smiled. Palagi talaga s'yang ganyan, hanggat di pa napapatunayan, di n'ya agad huhusgahan and I'm proud that I have a cousin like her.
"So tell me honestly, Allyn, ano ba talaga ang eksaktong nangyari?" seryoso n'yang tanong.
So dahil seryoso na yung mukha n'ya, sinabi ko ang totoong nangyari from the beginning to the part na naaksidente ako atsaka yung may dalawang lalaki.
"What the heck, no, no, no, sabihin mo Allyn, nakita mo ba ang mga mukha ? Ano?" problemadong tanong n'ya ngunit ikinailing-iling ko lang.
"Bakit?" I asked.
"Si Angel, Allyn, s'ya yung babaeng ipinasok nila sa loob ng kotse!" she shouted at kasabay no'n ang paghagulhol n'ya.
"C-charm," tawag ko.
"No! pinatay nila si Angel!" sigaw n'ya, pumasok sila Mama.
Problemadong problemadong napatingin si Kuya sa'kin. Hinawakan ni Mama si Charm ngunit nagpumiglas ito.
"Bitawan n'yo ko! I'll find out kung sino ang pumatay kay Angel!" sigaw n'ya.
"Nasa harapan mo na nga 'e, nakausap mo pa tapos nakaupo pa-" Charm cut him.
"Suntakan na lang Josh oh!" hamon n'ya, nagulat silang lahat pati na din ako, she used to call Kuya si Kuya Josh.
"Charm?" kunot-noong tanong ni Kuya.
"Don't talk to me," she said atsaka umalis, sinundan naman 'to agad ni Kuya at Jen.
Napatingin ako kay Mama at Dad.
"Ma?" tawag ko.
"Hmm, bakit anak?" tanong n'ya.
"Si Angel po ba?"
"Sa isang linggo mo dito sa ospital, ililibing na s'ya bukas," sagot n'ya, what? wala na ba talaga si Angel?
"Anak, nabalitaan na nang mga Ocampo na gising ka na..." may gustong idugtong si mama na ayaw n'yang sabihin.
"Gusto nila akong ipakulong, right?" I asked without looking at her.
"Y-yes."
"Son.." napatingin ako kay Dad.
"Don't worry, Dad, wag na kayong makialam sa kaso ko, lalabanan ko po 'to, ako ang lulutas ng sarili kong kaso," mahabang sabi ko at nahiga na lamang sa sarili kong higaan dito sa ospital.
----------------------
"Anak," bigla akong nanghina nang makita kong tumutulo ang luha ni Mama na nakatingin sa mga posas na nasa kamay ko.
"Don't worry, Ma, I'll be okay," I assured her with a smile on my face.
Bago pa ako makapasok sa loob ng pulis car, I saw Charm, she nodded at me, so I did it too and I smiled at her.
Pumasok na ako sa loob ng pulis car.
"Girlfriend mo?" tanong ng isang pulis na kasama ko sa loob, I'm not inform na may pulis din palang chismoso.
"No, she's my cousin," I said.
"Ngayon ko lang napansin, medyo magkahawig kayo," he commented.
"Thanks."
Katahimikan ang nangingibabaw sa'min habang nasa byahe. Ang isang katabi kong pulis ay natutulog habang ang isa naman nagsecellphone, wow ang hanep improve may cellphone ang pulis. Masaya sigurong makipagkaibigan sa mga pulis 'no?
"Please, Allyn, no matter what happens, don't trust easily hanggat wala pang kasiguraduhan, never trust," isang paalala ni Charm sa'kin bago ang araw na 'to, sinabihan n'ya na ako kagabi.
"Please be careful, you don't know who's our enemy here, Allyn and please take care of yourself, too, I'll visit you if ever I'm not busy."
Never trust at mag-ingat, yan ang mga paalala ni Charm sa'kin.
And I am Allyn Skynard Ortega and this is my story, THE LIFE OF A PRISONER.