ORAS pa lamang ng karaniwang tanghalian ay lulan na sila ng pick-up ni Marco upang ihatid siya. Sadya nga marahil na iba ang takbo ng orasan sa rancho. Kahit na ang mga trabahador doon ay sanay na maaga ang kain. Sa dining roon sila ipinaghain ni Nana Patring. At kahit na anong aya niyang saluhan sila nito ay hindi niya napapayag. Mas gusto nitong magsilbi sa kung anumang kakailanganin nila. Simple lang ang nakahain. Ipinagpaumanhin pa nga ni Nana Patring na hindi ito nakapagluto ng espesyal na putahe. Sinisi pa si Marco na hindi man lang daw ito sinabihan na mayroong darating na bisita. Pero para kay Tricia, espesyal na ang pagkaka-tinola ng native na manok. Hindi niya matandaan kung kailan siya huling ginanahan nang husto sa pagkain. Ang alam lan

