“ARE YOU all right, Tricia?” Hindi niya alam kung panunuya o shock ang nasa tono ni Marco. Pagkaraan ng tila kayhabang sandali ay nakuha nitong tumugon sa sinabi niya. “Imposible iyon,” sabi pa nito na alanganing matawa. “Hindi nakakabuo ng sanggol ang halik gaano man iyon katagal o kainit.” She grimaced. “Hindi ako nasisiraan ng bait, Marco, kung iyon ang iniisip mo. Saka hindi na sanggol si Paola. She’s four years old.” Napailing si Marco kasabay ng paghaplos ng sariling palad sa mukha. Nang tingnan siya uli ay nasa mga mata ang pinipigil na tawa. “Lalo nang imposible,” bigkas nito. She made a deep breath. “Hindi ako nagsisinungaling.” Bahagyang tumaas ang tinig niya. Naroroon ang pagnanais na mapatunayan niya ang sinasab

