Leo's POV
"Are you sure about this?" Nag aalalang tanong ko kay Lori habang inaayos niya ang gamit ni Kian para sa pag alis nanin ngayon.
"You are the one who wants to take him, so, don't feel guilty about it." Sagot niya. "Buy him more clothes, okay?"
"Okay."
"Here." Binigay niya ang bag na Ben10 sa akin. Nasa loob nun ang gamit ni Kian.
"Sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa amin?"
"Oo. Maghihinala ang mga kasama mo sa bahay kapag nagsabay kami ni Kian." Tumango naman ako.
Lumabas na siya ng kwarto kaya limabas narin ako. Nakita ko naman ang tatay niyang nanunuod lang sa amin habang hinihahanda namin si Kian.
"Uhm... Pasensya na, Sir. Sa nangyayari." Sabay lapit ko sa kanya.
"Ayos lang. Alam ko naman na darating ang araw na ito. Di ko lang akalain na agad-agad."
"I'm very sorry." Sinseryo kong paumanhin.
"Ayos lang, bata. Alagaan mo nalang ang apo ko."
"You can visit him every weekend."
"Hindi na. Di rin naman siya magtatagal sa inyo." Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso siyang tumingin sa akin, nakaramdam ako ng takot sa tingin niya. "Mayat-maya di mo nalang mapapansin na aalis na si Kian sa inyo." Binalik niya ang tingin kay Lori at Kian na nag uusap. "Nandoon si Lori kaya di ako mag aalala. Ngunit kapag nalagay mo sa kapahamakan si Kian, huwag ka ng mag magtangkang hanapin sila ulit." Sabay punta niya sa isang kwarto.
Napalunok naman ako. I will never put them in danger, especially Kian, he's my son! I'll protect him.
"He's ready!" Saad ni Kyle. Tumango naman ako.
"Halika na?" Sabay tingin ko kay Kian.
"Saan na ang 100 ko?" Kinuha ko ang wallet ko at binigyan siya ng 1000.
"Wow! Blue!" Tinanggap niya ito at tumingin kay Lori. "Oh! Pambili mo ng goto." Sabay abot niya kay Lori sa pera.
Nagulat ako sa ginawa niya. Bata siya! He should think of himself but this is not what I'm seeing. Why would he give the money to his mother?
Kung ako si Kian, I would never give the money, it's mine after all, unless if my mother wants to keep it for my future.
"Salamat." Sabay ngiti ni Lori. "Wag kang makulit doon, ah. Sundin mo sinasabi ng nakakatanda-"
"Kapag binayaran nila ako." Pagpuputol niya sa nanay niya.
"Mukha ka talagang pera." Saad naman ni Lori. "Paalam na, ang pinag usapan natin, ah?"
"Oo na! Ako bahala!"
-------
"So, this is- I mean... ito ang bahay ko. Na bahay mo narin." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Wow! Ang ganda naman at ang laki!" Tumingin siya sa akin. "Di halata sayo, ah. Mukha ka kasing mahirap." Sabi niya sabay pasok sa loob, iniwan pa niya sapatos niya sa labas.
Tumingin naman ako sa likuran at nandoon ang magkapatid na hinihingal.
"Ayoko na! Ayoko ng pumunta sa skwater! Pagkatapos nilang katayin ang kotse ko, ipapapulis ko sila!"
"I never tried paying for a ride. It's an new experience." Saad naman ni Kiel.
"Kiel... my car..."
Bumuga nalang ako ng hangin. "We should go inside." Sabi ko nalang at pinulat ang sapatos ni Kian na iniwan niya sa pinto bago ako pumasok.
"Sino kang bata ka?! Umalis ka rito! Bawal ka rito! Alis!" Rinig kong sigaw ni manang Delya mula sa kusina.
"Ahhh!!" Lumabas si Kian sa kusina habang sumisigaw at agad na tumakbo papunta sa akin. "Bruha! May bruha!" Sabay tago niya sa likuran ko.
"Sinong bruha?! Ikaw bata ka! Sino kaba sa tingin mo?!" Nasa harapan ko na si Manang Delya. Nagulat naman siya nang makita ko at ngumiti rin agad. "Sir, kumusta, sir? Kumain na kayo? Pasensya na sa bata, sir, ah? Di ko kilala yan, sir. Di ko talaga kilala. Pumasok lang siya rito ng walang paalam." Tiningnan niya si Kian. "Wala ka bang magulang, ah?! Di ba sila marunong dumisiplina sayo?!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Di ko alam anong magiging reaksyon. Para akong nainsulto at naawa para kay Kian. Kasalanan ko ba? Umusbong din ang galit ko.
Ito ba ang dapat kung maramdaman?
Ganito ba?
Normal lang ba ang galit?
Ito ba ang dapat kong mararamdaman mo?
Di ko alam ang emosyon ko ngayon, halo-halo na.
Kasalanan ko ba ito? Kasi wala ako sa tabi ng bata habang lumalaki siya?
Napatingin ako kay Kian. Nakita ko ang takot sa mata niya kaya agad akong lumunod sa harapan niya at hinawakan ang mukha niya.
"Ayos ka lang?" Nag aalala kong tanong. Tumango naman siya at bigla nalang akong niyakap.
"Gusto ko ng makita si mama." Bulong niya. Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Lungkot para sa kanya? O selos? dahil nandito naman ako, ah?
Niyakap ko siya at kinarga. This is the first time I held a child, my child. It makes me happy.
Kakaiba ang bata na ito. Wala pang dalawang oras na magkasama kami pero nailabas ko na ang ibat ibang emosyon ko at dahil yun sa kanya.
I smiled at myself. I can hold him forever.
"Hey, stop that, man. You're creepy. You're smiling like an idiot." Singit naman ni Kyle na di ko namalayan na nandito na pala sa harap ko.
"I'm just happy."
"Happy? That face? Are you kidding me?" Tiningnan naman niya si manang Delya. "Manang, handa ka ng pagkain para sa amin tatlo... at teka."
Pumunta naman siya sa likuran ko kung saan ang mukha ni Kian.
"Anong gusto mong kainin, pudding?" Malambing na tanong ni Kian.
"Sinong pudding?" Rinig kong tanong ni Kian na nakapagpatawa sa akin. "Ginugutom mo kaibigan mo, pare. Akala niya ata pudding ako." Bulong ni Kian.
"Anong gusto mong kainin?" Ako nalang nagtanong.
"Goto."
"Goto? Walang goto dito, eh." Ano ba yung goto?
"Sige, kahit ano nalang." Sagot niya.
"Manang, magluto ka ng fried chicken para sa kanya." Utos ko at pumunta na sa second floor ng bahay.
Binuksan ko ang isang guestroom. "Dito ang kwarto mo." Nilatag ko sa kama niya ang bag niya na Ben10, nilagay ko naman sa ilalim ng kama ang sapatos niya.
"Anlaki naman." Komento niya.
"Nagustuhan mo? Pwede kong padagdagan ng dekorasyon. Gusto mo ng Ben10, tama? Pwede tayong bumili."
"Paano kaya kung yang pera mo pambili ng dekorasyon ay ibigay mo nalang sa akin? Mas maganda yun, tama?" Sabay ngiti niya at taas baba pa ng kilay.
Napakamot naman ako ng ulo. "Ahm... pwede namang bigyan kita ng pera tapos bumili tayo ng dekorasyon."
"Sige ba! Mas magandang ideya yan!"
---------
"Does tita Lily knows about Kian?" Tanong ni Kiel habang kumakain kami.
"Kaylangan mo ng tulong?" Nag aalala kong tanong kay Kian baka di siya marunong kumain. Baka kaylangan niya ng alalay ko.
"Kuha ko nato! Akin kana!" Agad niyang kinuha ang fried chicken at kinain yun. Napangiti naman ako habang pinapanuod siyang kumain. Ito ang unang beses na nakita ko siyang kumain.
"Leo! Leo!"
"Huh?"napatingin ako kay Kiel.
"Alam ba ni tito at tita ang tungkol kay Kian?"
"Uhm... no."
"Why?! You didn't tell them?!" Tanong naman ni Kyle.
"I didn't. S-should I tell them?"
"Of course!" Sabay nilang sigaw. Napalunok naman ako. Uminom ako ng tubig.
"Kaylangan ba? Mukhang nakakagulat kasi." Kinakabahan akong sabibin.
"You should tell them. Tommorow, we will bring Kian to see lolo."
Agad naman akong napailing. "I promised Lori that she will be there. Dapat kung saan ang punta ni Kian ay nandoon rin siya."
"Then, okay. After Lori's here." Saad ni Kiel. Tumingin naman siya sa orasan niya at naging seryoso. "I have to go."
"What? Where?" Agad na tanong ni Kyle.
"To see someone."
"You didn't tell me about this."
"Where are you going? When are you coming back? Who's with you?" Di siya pinansin ni Kiel.
"Bye, kiddo." Hinalikan ni Kiel si Kian sa noo bago siya umalis na di sinasagot ni Kyle.
Di naman maipinta ang mukha ni Kyle.
"Kyle, you looked like you've been cheating on."
"H-how could he do this to me? H-he didn't say anything to me about this."
"Kyle, Kiel is big now. He's a man that has a fiancee-"
"You mean it's his fiancee, he wants to see?but he said he doesn't like her! Why left? Why not telling me?!"
"Kyle! You looked like a paranoid girlfriend! Will you chill out? Calm down, okay?"
This guy, it's like he's inlove to his brother or something. May brother complex ata.
"I have to know!" Bigla siyang tumayo at umalis.
"What?" Tumingin nalang ako kay Kian na nasa lamesa na ngayon nakaupo habang kumakain. "Dito ka muna, babalik ako agad."
I have to tell mom and dad about this. Pumunta ako sa garden at tinawagan si mom at dad. Walang sumagot kahit ni isa sa kanila.
Bumalik ako sa dining room at nandoon sila. Gulat na nakatingin kay Kian na natigil rin sa pagkain at nakatingin sa kanila.
"Promise, di ako magnanakaw." Sabi ni Kian.
Napatingin naman si mom sa akin at bigla siyang nahimatay. Nasalo naman siya ni dad.
-----
"What's the meaning of this?! Who's that boy?! Why does he looked exactly like when you are younger?!" Galit na tanong ni dad. Nasa kwarto nila ako ngayon, dito niya dinala si mom pagkatapos nitong mahimatay at ngayon nagising na si mom.
"I know you have an idea." Saad ko.
"No. No. No. No! Leo, that kid is already 4 or 5 I think, it's impossible that... that kid... is your..." he can't tell it. "Without telling us, right?"
"Dad, you're right. Kian is my son. He's already 5 years old. I just found out about him recently."
Nanlaki ang mata nila sa gulat.
"L-Leo!"
"I know. You have a lot of questions-"
"Damn it, Leo!" Natigil ako ng maramdaman ang galit ni dad. "Who's his mother?"
"Uhm... she doesn't want to get involve in our family, so, she wants to keep her identity a secret."
"Leo..."
"Please, accept him. He's my child."
"Leo, di natin alam kung saan galing ang batang yan at kung sino nanay niya! Paano kung may nakakahawang sakit yung nanay tapos naipasa sa anak?" Saad naman ni mama. I know what she meant about tha 'nakakahawang sakit!'
"You're mother has a point, son. What if that woman only wants to use the child to take our money, huh?"
"Imposible! Kilala ko siya."
"Talaga? Sino siya? Saan siya nakatira?"
"I can't tell you her identity."
"Where did you find that woman, Leo? Answer us." Galit na tanong ni dad.
"We met at the bar, okay? It's only a one night stand-"
"Paano kung pinlano niya ito? Na magpaanak sayo? You are famous, Leo. You know that! Everyone knows you! Maybe that woman have taken advantage of you." Napailing nalang ako. This doesn't make any sense.
"Please, just accept my child." Wala na akong ibang hiling, yun lang.
"We can't." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mom.
"W-what?" I think I misheard it.
"Leo, it's a disgrace to have a child without a mother!"
"What?" Di ko sila maintindihan.
"Pagtatawanan ka ng mga tao. Paano kung maikasal kana? Di nila tatanggapin yung bata!"
Nagtiim bagang naman ako. "So, you won't accept my child?"
"You should take where did you get that boy, Leo."
Di ko alam pero ito ata ang unang beses na nakaramdam ako ng sobra-sobrang galit sa mga magulang ko.
"I won't ask for anything, just accept him..." kalma kong saad. Pinipilan ko ang galit ko na mailabas.
"You are going to marry Letty. You remember her right? Letty Fernan."
"Why would I obey you?" Malamig kong tanong sa kanila. Nagulat sila sa sinabi ko.
Magugulat talaga sila. Wala pa akong natanggagihan na utos nila. Ito lang.
"I think... I'm old enough to decide my future. I can only see only one future. The future with my son by myside. It's your choice if you want to be part of it." Umalis ako sa kwarto nila.
I need to calm down before I explode.