Wala sa sarili akong lumabas ng subdivision. The breeze was cold as it was nearly midnight, so I tightened my grasp on my jacket and blew my breath out of my mouth. Pinagmasdan ko ang puting usok na nabuo dahil sa lamig. Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Tahimik ang paligid kaya payapa akong nakakapag-isip isip.
Kung iba kaya ang naging buhay ko, nasaan ako ngayon?
"Nadz?"
I came to a halt when someone called my name. Malalim na ang gabi kaya nakakapagtaka na may makakasalubong pa ako na kakilala. Bahagya kong pinaliit ang aking mga mata para makita kung sino ang sakay ng itim na motorbike na tumawag sa akin.
Maybe he realized that I can't figure who he is kaya't hinubad n'ya ang helmet na suot. Nahihiya itong tumungo at hinaplos ang ulo. Mula sa distansya ng layo namin ay kitang kita ko pa rin ang sugat sa kan'yang may noo at pasa sa gilid ng labi. May gasgas rin ang kan'yang pisngi but that doesn't help to made him look like a rag.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kan'ya at marahan na naglakad palayo. Sinundan n'ya naman ako sakay pa rin ng kan'yang motorbike. Hindi ako pamilyar sa ganoong klase ng sasakyan ngunit masasabi ko na hindi ito basta basta dahil sa kapal at laki ng gulong nito.
"Ikaw ang ano'ng ginagawa dito?" Bahagya s'yang lumingon sa likod kung saan nanduon ang subdivision ng J-Venile. Balisa ang kan'yang kilos at hindi mapakali ang kan'yang mga mata kakatingin sa paligid.
"Alam mo bang hindi ligtas dito?" Dagdag n'ya na nagpakunot ng aking noo. Iniisip n'ya ba na baka harangin ako ng mga gangster dito? Mabuti na lamang at nakapag-suot ako ng jacket at nakapag-palit ng suot sa paa kundi baka mapansin n'ya na pamilyar ang suot ko.
"Kakain." Simpleng sagot ko at itinuro ang ngayon ko lang natanaw na fastfood restaurant.
"Sasamahan na kita." Hindi ko nagawang makapagreklamo dahil sa pagiging seryoso n'ya. If we were in a normal day, surely, I will decline his offer. Hindi tulad ng palagi n'yang pang-aasar sa akin ay may bago sa kan'ya. Dali-dali s'yang bumaba ng motorbike at ichinain ito sa isang poste.
"Tara na?" Nagtataka ko s'yang tiningnan at itinuro ang motorbike na nasa poste at ang helmet na ngayon ay suot n'ya.
"Mas gusto kong maglakad habang suot ito eh." Pagpapaliwanag n'ya na pinagtaasan ko lang ng kilay. Akala n'ya ba ay hindi ko napansin ang mga galos n'ya kanina at maiitago n'ya ito sa pagsusuot ng helmet n'ya?
"Fine!" Bigla n'yang hinubad ang suot na helmet at ginulo ang kan'yang buhok. Bakit ganun? Ako lang ba o talagang mabagal ang paghuhubad n'ya ng helmet? Pakiramdam ko nag-slow motion ang paligid nang hubadin n'ya ang suot na helmet.
Idagdag pa ang ginulo n'yang buhok na nililipad ng hangin. Isinusi n'ya sa kan'yang motorbike ang helmet at patakbong lumapit sa akin.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" Gusto kong kagatin ang dila ko dahil sa pagtatanong. Alam ko naman ang nangyari at pwede na huwag na lang akong magsalita.
"Napa-away lang." Hindi na ulit ako nag-usisa. Hindi rin s'ya nagtangka na magsalita. Tahimik lamang kaming naglalakad. Mabagal ang bawat hakbang ko dahil sa bagal ng kan'yang paglalakad. Hindi ko alam kung may iniinda s'ya sa kaniyang binti dahil sa nangyari kanina o sadyang mabagal lang talaga s'ya.
Malamig na ang hangin ngunit mas lumamig pa ito nang makapasok kami sa fast food restaurant. Walang masyadong tao dahil siguro alangang oras. Tanging ang mga crew at dalawang sumisimsim sa kape lamang ang nandito.
"Pasta with chicken, two medium burger, one large fries, one glass of water and chocolate tea." Mabilis naman na ini-encode ang order ko at pina-prepare.
"Ikaw? Ano'ng order mo?" Tanong ko sa kasama ko na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Just a tea." Tinanguan ko s'ya at nauna nang maglakad sa pinaka malapit na table. Tahimik pa rin s'ya at walang masyadong kibo. Nakakapanibago dahil nakilala ko s'ya na hindi ganito.
"Lance" pagtawag ko sa pangalan n'ya. He moved his gaze and smiled a little at me.
"Bakit ka nga pala naglalakad nang mag-isa doon? Malapit ba dito ang bahay n'yo?" Napakunot ako ng noo sa tanong n'ya. Ayokong isipin na kaya s'ya tahimik ay dahil may mga tanong at pagdududa na tumatakbo sa isip n'ya.
"Malapit lang dito ang bahay namin. Tahimik sa ganitong oras at malamig ang hangin kaya mas gusto ko ang maglakad mag-isa. Nakakapag-isip ako." Tinanguan n'ya lang ako at sumimsim sa kan'yang inumin. Ilang minuto rin ang itinagal nang pagkain namin.
Nang matapos na akong kumain ay umupo ako ng maayos at bahagyang inihilig ang aking likod sa upuan sa aking tabi. Masyado akong nabusog. Hindi ko naman talaga planong kumain. Ito lang ang naisip kong dahilan kanina at mukhang napadami pa ang order ko. Nakakaramdam ako ng antok, sinulyapan ko muna s'ya na tulala lang at paminsan paminsang kumukuha sa fries na hindi ko naubos. Ipinikit ko ang aking mata. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang papalapit na presensya.
Hindi ko iminulat ang aking mata dahil sa amoy pa lang ay alam ko nang si Lance ito. Wala akong maramdaman na naging pagkilos n'ya maliban sa paglapit sa akin. Nang makaramdam ako ng malamig na kamay na humahaplos sa gilid ng aking labi ay kaagad kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya bahagya akong napaurong kahit na naka-upo. Hindi naman s'ya mukhang nagulat at lumayo lang s'ya.
"Ang kalat mo kumain."
Pagkasabi n'ya nun ay kaagad kong pinunasan ang aking mukha. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin nang magsimula s'yang tumawa.
Kahit hindi gaanong malakas ang kan'yang pagtawa ay naagaw pa rin namin ang atensyon ng iba.
"Ang takaw mo pala Nadz! Hindi ko akalain na sa payat mo na iyan ay gan'yan ka kalakas kumain. Saan mo nilalagay ang mga kinakain mo?" Pang-aasar nito. Napa-ismid naman ako sa inis at binato s'ya ng fries. He's back on being annoying and I don't understand why but I secretly smiled. I think it's better if he's acting this way compare to the silent and serious one.
"Kung wala kang matinong gagawin ay umuwi ka na lang, okay?" Natigil naman s'ya sa pagtawa dahil sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ba ay iiwan kita dito mag-isa? Ihahatid pa kita."
"Magpapasundo na lang ako dito. Isa pa, ayoko nang maglakad pabalik. Iniwan mo ang motor mo diba? Kaya mauna ka na lang." Siguro ay naisip n'ya na Wala nga s'yang dalang motorbike. Hindi naman pwede na ihatid n'ya ako dahil sa J-Venile ako umuuwi. Sana lang ay huwag na s'yang magpumilit pa.
"Fine. Pero saka lang ako uuwi kapag nasundo ka na dito."
Sumangayon ako sa sinabi n'ya dahil mas madali 'yon kesa sa paghahatid n'ya. Sa kabilang subdivision ko na lang papaikutin ang driver para hindi n'ya makita na sa J-Venile ako pupunta.