It's already beyond 10 o'clock in the morning, and I am lazily plodding along the corridor of our academy. I'd already skipped two subjects, and I don't have the desire to attend the other ones. I'd be absent right now if my personal driver hadn't come in the J-Venile and forced me to go to school.
"Nadz!" Chesca yelled as she dashed towards me. I came to a halt so she could catch up with me.
"Bakit?"
"Bakit hindi ka pumasok nang pang-umagang klase? Hinahanap ka kaya ni Mam sa akin. Buti nakapag-dahilan ako." Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
"Hindi kasi ako kaagad nakatulog kagabi kaya na-late ako ng gising." Sagot ko sa kan'ya. I didn't get much sleep last night. Last night encounter was unexpected. I only wanted to get some fresh air, but I had no idea it would keep me up all night. The weariness that had plagued me while we were at the restaurant had disappeared.
"Saan ka ba kasi nagpunta pa. Bigla ka na lang nawala pagkatapos mong ipatigil yung match." Ibinulong n'ya ang huling sinabi at tumingin sa paligid.
"Umuwi na. Nabored ako sa panood." Simpleng sagot ko at muling naglakad. Sumunod naman s’ya sa akin habang patuloy sa pagku-kwento.
"Pero grabe Nadz! Kinakabahan ako. Bukas na daw gaganapin ang summit. I'm confident na magagawa kong manalo pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan."
"Bukas na ba yun? Akala ko next month pa." Lumiko ako sa CR para mag-ayos. Sumunod naman s’ya sa akin at dahil s’ya ang huli ay s’ya ang nagsara ng pinto. Tulad ko ay inilabas n'ya rin ang ilang gamit at nag-ayos ng buhok samantalang nag-apply naman ako ng face powder at pink tint sa lips.
"Yun nga ang topic ng meeting kanina kaya ako pinatawag sa office. Na-advance daw ang summit kasi may conference na dadaluhan ang mga sponsor, alam mo namang sila ang priority, kaya ang mga academies na ang nag-adjust." Tiningnan ko s'ya sa salamin at nakita ko ang kinakabahan n'yang repleksyon. Wala naman s’yang dapat ikabahala dahil hindi naman ito ang unang beses na sasali s’ya sa ganitong event.
"Don't worry. Elites ang uupo bilang representative ng mga sponsor kaya wala dun si Lolo." Pagpapagaan ko sa loob n'ya. Ewan ko ba, simula nang makilala n'ya si Chesca bilang kaibigan ko ay hindi na n'ya ito nagustuhan. He bluntly told her that he didn't want her in my life. Kaya mula noon ay hindi na lumalapit o nagpapakita pa si Chesca kay Lolo. Hindi ko naman s'ya masisisi, kung ako nga na apo ay ayaw ko rin sa kan'ya. Advantage na rin na sa States ito tumutuloy at hindi sa Pilipinas.
"Mga Elites? Gosh! Bakit parang mas gusto ko na mga sponsors na lang pala ang umupo? Mako-conscious lang ako kapag sila eh." Napailing na lang ako sa reaksyon n'ya.
"Girls!"
"Goodness!" Nabitawan ko ang tint na hawak dahil sa gulat dahil akala ko ay dalawa lang kami na nasa loob ng CR and there I saw the two transferee coming out from the cubicle.
"Sorry Nadz." Nag-peace sign pa si Isabelle habang si Claire ay kaagad tumabi kay Chesca.
"Anong pageant 'yan? Pwede ba kaming sumali?"
"Bawal dun ang flatchested, Claire" Pang-aasar sa kan'ya ng kasama na si Isabelle. Napabalik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa magkabilang gilid ko sila tumayo. Balak ba nila akong gawing bingi sa mga asaran nila? Ewan ko ba, sila ang palaging magkasama pero sila rin ang malimit na hindi nagkakaintindihan.
"Ay! Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" Dahil ayokong maipit sa kanilang pag-aasaran ay umalis na lang ako sa pagitan nila.
"About nga pala sa tanong mo, school summit yun na magaganap bukas. Each academies selects one student to represent their school. Bawal na kasing sumali, isa pa, wala namang elimination na naganap. Pumili na lang ang Dean natin." Pagpapaliwanag ni Chesca.
"Wala naman talaga kaming balak sumali. Baka isipin nang iba ang pamam namin.”
“Ano ka ba Claire, pampam ka naman talaga. Diba Chesca?”
“Alam mo ikaw—”
“Nakakatuwa talaga kayong dalawa.” Tumatawang komento ni Chesca at kinurot pa ang pisngi noong dalawa.
“Sino pala ang representative natin?"
"Sino pa ba?" Umikot si Chesca sa harap nilang dalawa at rumampa sa loob ng CR. Mabuti na lang at walang ibang pumapasok. Parang kanina lang ay nagrereklamo s’ya kung gaano s’ya kinakabahan.
"Ikot ka pa nga Chesca, tapos kembot, then pose."
"Ganito ba?"
“Yan, pak! Ganda.”
"Magtingin na nga lang tayo ng gown na isusuot mo." Pagyaya ko sa kanila nang hindi ko ko na makayanan ang mga ginagawa nila.
“Wow! Gusto ko ‘yan. May boutique sina Isabelle doon na lang tayo.” Napatingin kami kay Isabelle dahil sa sinabi ni Claire.
“Ano ka ba, nakakahiya. Hindi naman ganoon kalaki ang boutique namin.”
“Okay lang yun! Hindi naman natin kailangan na sobrang engrade talaga.”
It's nearly 5 p.m., and I'm unable to attend my classes, at hanggang ngayon ay wala pa ring napipiling gown na susuotin si Chesca. Contrary to Isabelle's claim, it is not small in comparison to other boutiques. They feature a wide selection of clothing to suit any individual style. They also pick their accessories based on the latest fashion.
"I think you should try the black one." Itinuro ko ang itim na gown sa kan'yang tabi. It has a wide cut at the back with a v shape in the neckline. It's a little bit showy but elegant.
"Magmu-mukha naman akong escort girl d'yan eh. Akala ko pa naman magaling ka sa fashion, pero bakit lahat ng itinuturo mo palpak." She rumpled her hair and helplessly lied on the floor. Pinagtitinginan tuloy s'ya ng mga tao. Sina Isabelle at Claire naman ay nasa kabillang dulo at naghahanap ng iba pang design ng gown.
"Nadz! Huwag na lang kaya ako sumali? Ikaw na lang ulit ang magreresent please." I kicked her foot and grab the gold strapless gown that seems to fit on her body. The line flare out at the waist in a triangular fashion.
"Here!"
"Oh my god! This is perfect. That's why I love you. Haha, You're the best Nadz." Mabilis s'yang tumayo at inagaw ang gown na hawak ko. Hinalikan n'ya pa ako sa pisngi bago pumasok sa fitting room.
“Guys, look! I think okay na ito.” Sigaw n’ya nang makalabas ng fitting room. Kaagad namang binitiwan nang dalawa ang mga hawak nilang gowns at lumapit sa pwesto namin.
“Finally! May napili ka rin. Kumain muna tayo guys, medyo nagugutom na rin kami eh.”
“Sure! Bili din muna pala tayo ng dessert. Nagke-crave ako ng cake eh. At dumaan rin pala tayo ng spa para —” Natahimik bigla si Chesca sa sinasabi nang marinig n’ya ang ringtone ng phone ko. Kahit ako ay bahagyang nakaramdam ng kaba dahil kilalang kilala ko kung sino ang tumatawag.
“Earth to you guys.” Bahagya ko lang nginitian si Claire at ini-angat ang phone ko.
“Sagutin ko lang ito.” Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at naglakad na ako palayo. Pagtingin ko sa caller ID ay hindi nga ako nagkamali. I sighed deeply before answering the phone.
“Hel—”
“You didn’t attend your class today!” sigaw n’ya mula sa kabilang linya. Napatingin pa ako sa paligid kahit na alam ko naman na hindi nila ito narinig.
“We are just buying some staffs for tomorrow. I’m with—"
"Of course, I know who you are with right now!" I told you a million times to leave that girl alone. Why are you so stubborn? ”
“Grandpa!” Ito na naman s’ya. He's never been a big fan of Chesca.
"That is the primary reason I never bother attending your summit." I know I'll only see you two together. How many times do I have to remind you that this is all for your good?”
"Grandpa, she's a friend." I don't consider her as a rival."
"Whatever you say, I'm not going to change my decision. Bare in mind that I am now your guardian. It is my obligation to take care of you."
Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ang huli n’yang sinabi. It’s unnatural of him to mention such things.