CHAPTER 11: SCHOOL SUMMIT

1392 Words
We're here now at Xavier University dahil dito gaganapin ang School Summit. I won't be attending this event if it isn't Chesca. Wala naman akong ibang gagawin dito kundi manood dahil bawal na kami sa backstage. I chose to be in the corner to avoid drawing attention to myself. The Elites are here and surely some other lower ranks will also be here. I need to be cautious since I know Lance's group will arrive at any minute to show support. Sobrang daming tao, punong puno ang stadium ng mga manonood, idagdag pa ang mga tao na nasa labas at darating pa lamang. I saw Tres, and he pointed to a group of Elites who were perfectly seated in front to be a judge in this event. Umiling lang ako sa kan'ya para malaman n'ya na ayokong lumapit. "Please take a seat now; the program will begin in a few minutes." Announce ng host nitong event. The stage is far too nice for such a simple event. In a short span ay nagawa nilang maayos at mapaganda ang venue. Talagang pinaghandaan nila ang lahat para ma-impress ang lahat at makakuha ng bagong investors na magpa-fund sa mga academy. Nakita kong sumilip si Chesca mula sa backstage at tila may hinahanap. Sina Tres na nasa unahan ang nakita n'ya at kumaway sa mga ito. Napansin naman ng mga kaklase namin ang ginawa ni Chesca kaya itinaas nila ang banner at nagbukas ng lighstick kaya binigyan sila ni Chesca ng flying kiss which made the crowd gone wild. They are all so childish. "The long wait is over; let us all welcome the candidates as they introduce themselves and their academies." The lights dimmed at nagsimulang umingay ang paligid. A booming beat played in the background as the candidates walked down in their white tops and scarlet skirts for their performance routine. "Nadz!" Someone yelled my name even louder. I scarcely diverted my gaze to see who was calling. Claire and Isabelle emerged from behind, struggling to keep a large banner in place as they approached me; I smiled and answered their greeting. Inalalayan ko si Claire nang makalapit sa akin dahil sa dami ng kan'yang dala. "Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Bakit ba kasi nandito ka sa sulok? Ang gan'yang ganda hindi dapat itinatago. Diba Claire?" "Ano namang connection nun Isabelle?" Pagkontra naman ni Claire kaya nakatanggap s’ya ng masamang tingin mula sa huli. Hindi na yata sila mawawalan nang pag-aawayan. "Kahit kailan talaga no? Hawakan mo na nga lang itong lightstick natin." "Ano ka ba Isabelle, nakita mo nang madami akong dala tapos sa akin mo pa ibibigay 'yan?" Napailing na lang ako sa kanilang dalawa dahil mukhang magsisimula na naman sila ng kanilang pagtatalo. Inabot ko ang lightstick na hawak ni Claire para hindi na sila mahirapan. "Oh awat na. Mag-aaway na naman kayo. Manood na lang tayo, malapit na si Chesca." "Bakit kasi nandito ka Nadz? Hindi masyadong kita ang stage. Dito tayo sa unahan." "Teka—" Magpoprotesta pa ako pero kaagad na akong hinila ni Claire. Si Isabelle ay bahagya rin akong itunulak para makahakbang ako pauna. "Excuse me!" “Ay! Ano ba ‘yan?” "Sorry!" "Makikiraan" Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Claire. "Pumapayag na ako na sa unahan tayo, so stop dragging me okay?" Mukhang hindi rin naman sila papayag at kukulitin lang nila ako nang kukulitin para magpunta sa unahan kaya kusa na lang akong sasama. Marami na ring tao ang naiistorbo dahil sa mga dala nilang gamit na kung kani-kanino na nasanggi dahil sa pagsiksik nila. Nagrereklamo na rin ang iba at nakaka-agaw na kami ng atensyon. "Dito tayo." Ibinaba nila ang mga gamit na dala sa upuan at inayos ang banner. Nandito kami sa pinaka-unahan kung saan naka-upo ang mga Elites at ang secretary ni grandpa na s'yang tumatayong judges ngayon. Tila nananadya pa ang tadhana dahil nakangiting lumingon sa amin si Tres. "Hello Nadine! Nice seeing you here." Sinamaan ko s’ya ng tingin nang batiin n'ya ako. Napalingon tuloy sa akin ang ibang Elites at binati rin ako. So much attention while I'm trying to avoid them. "Wow! Kilala mo sila Nadz? Edi sure nang mananalo si Chesca?" Napangiwi ako sa sinabi ni Isabelle. Bakit n’ya naman naisip ‘yon? "Of course not, we judge fairly based on their performance, but I believe Franchesca will nail it." Matamis ang mga ngiting komento ni Steff na mas kilalang singko. Napatakip s’ya sa bibig at nag-peace sign sa kaharap. “Sorry” “Ano ka ba, it’s nothing okay?” Inabot ni Claire ang dalawang dulo ng banner kay Isabelle. “Ikaw kasi, kung anu-ano’ng sinasabi mo. Itaas mo na nga lang ito.” Binuhay ko na rin ang lightstick na hawak habang pinapatay sa isip si Tres na palihim akong inaasar dahil sa lightstick na hawak. Palibhasa ay ngayon n’ya lang ako nakitang makisali sa pag-cheer ng iba, kung cheer na n’ya nga itong matatawag. Nilingon ni Isabelle ang katabi “Pero bakit kaya wala pa sina Margaux? Sabi n’ya kanina malapit na sila diba?” “Check mo kasi ang phone mo. Nasa likod daw sila kasi hindi sila makasingit dahil sa dami ng tao.” Magsasalita pa sana si Isabelle nang biglang lumakas ang sigawan. Napatingin tuloy kami sa stage. Si Chesca na pala ang rumarampa. She's dressed in a white bandana that covers her top and a red skirt that flaunt her legs with every step she takes. After a round of ramps, she reached the center and removed her bandana, prompting a massive cheer and applause from the crowd. “Great Day for everyone. I am Franchesca Min, 17, from Marello Academy.” What the? I'm not sure if I'm going to cover my ears from the raucous applause or go up to the stage to chastise her for wearing that top to a school event. She even leave a flying kiss before turning her back. Is that Khaite's Eda bralette? “Whoo! You’re the best Girl.” Ang dalawa sa aking tabi ay hindi magkaintindihan sa pagsigaw. “Whaaa! Tapakan mo ako please.” “CR muna ako.” Paalam ko sa dalawa na hindi yata narinig ang sinabi ko. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at umalis na lang sa pwesto ko. Masyado nang maingay, ilang minuto pa naman bago ulit pumunta sa stage si Chesca. Aalis sana ako ng academy nang maagaw ng komosyon sa likod ang atensyon ko. Nakita ko si Margaux na inaawat si Tyler habang si Xander ay may lalaking sinusuntok. Sina Lance naman ay may hawak na mga lalaki, mukhang pinagtutulungan. I'm not sure if I'm going to interrupt or just leave. Grandpa has subordinates here, and it's not my style to get involved in other people's affairs. Margaux's eyes widened as she looked at the knife in her neck, habang si Tyler ay gulat ding nabitawan ang lalaking hawak n’ya kanina. “Bitawan n’yo ang mga kasama ko o ang babaeng ito ang sasaktan ko?” Nang makabawi si Tyler ay mabilis n’yang sinipa ang braso ng lalaking may hawak na kutsilyo at hinila ang kabilang kamay nito. Pailalim n’yang pinilipit ang braso nito at nang matiyak na hindi na nito magagawang makalaban ay dinaluhan n’ya si Margaux na ngayon ay umiiyak na. Tatalikuran ko na sana sila nang ang grupo ng elites ang lumapit sa kanila sa pangunguna ni Tres. Natahimik naman ang lahat at nakasunod lang ang tingin sa Elites. Ang ibang manonood ay nandito na rin ang atensyon. “I hope you’re all aware that this is an academy and not a battlefield.” Nabitiwan naman nina Lance ang mga hawak nila at nagtatakang nakatingin sa unahan. “Tres” bulong ng isa sa mga nabugbog nila. Walang nakaimik, nanatiling tahimik ang lahat. Hindi ko alam kung kilala nila bilang Elites ang grupo na nasa unahan nila o bilang judges lamang. I know they recognized Tres as an Elite, but I'm not sure about the others. Patakbong lumapit sa kanila si Chesca na ngayon ay may suot ng itim na jacket. “Paul, ano’ng nangyari?” tanong n’ya kay Tres nang makalapit. Hindi n’ya yata napansin kung sino ang grupo na sangkot sa gulo. “Kilala mo s’ya?” Mahinang tanong ni Xander, pero dahil tahimik ay narinig rin ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD