CHAPTER 12: A DEAL

1218 Words
Ayoko nang makigulo pa sa kanila, kaya naman naglakad na ako palayo at tinuloy ang nauna kong plano na paglabas. “Sandali” Unti-unti kong ibinaba ang aking paningin sa nanlalamig na mga kamay na humawak sa akin. Hindi ito ang unang beses na hinawakan n’ya ang aking braso upang mapigilan ako, pero ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. My heart beats fast that I want to throw up. Something within me seems wrong yet I can’t find a word to describe what I am feeling. Marahan kong ini-angat ang aking paningin sa kan’ya at kahit na may kaba ay pinilit kong alisin ang pagkakahawak n’ya sa aking braso. “Bakit ba?” Tanong ko sa kan’ya nang magtama ang aming paningin. I can see the hesitancy in his eyes; there's something in there that I can't describe.Tulala lang s’yang nakatingin sa akin pagkatapos ay gulat n’yang tinitigan ang kan’yang kamay na kanina lang ay nakahawak sa akin. I snapped my finger at him, hoping he'd say something, but he simply kept looking down. Shock and in awe. Iniwan ko na s’ya at naglakad na palayo. I turned right when I saw a swing nearby. Marahan akong naupo sa duyan at ini-ugoy ito. Napaka tahimik ng paligid, kahit ang mga ingay ng insekto ay wala. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko na nakasunod s’ya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Kung magtatanong s’ya nang tungkol sa nangyari kanina kung bakit kilala ni Chesca si Tres ay may isasagot ba ako, o kung tatanungin ko ba s’ya kung bakit sila nagkakagulo kanina ay sasagutin n’ya ba ako? “Bakit ka nandito? Malamig at masyadong madilim dito. Delikado para sa’yo.” Gusto kong matawa sa sinabi n’ya, ano ba ang delikado para sa akin? Iminulat ko ang aking mata at nilingon s’ya. “Hindi ba mas delikado na kasama kita ngayon? Nakita ko ang nangyari kanina, at tulad nang sinabi mo ay madilim dito.” Nakita ko naman na nagulat s’ya sa sinabi ko. Palagi na lang s’yang nagugulat. “That’s not what I mean. I’m only—“ pinutol ko ang sinasabi n’ya dahil binibiro ko lang naman s’ya. “I’m just kidding.” Naupo s’ya sa tabi ng swing kung saan ako nakapwesto. Inilatag n’ya sa lupa ng suot na itim na jacket para hindi s’ya madumihan. Amoy na amoy ko ang pabango na gamit n’ya nang hubadin n’ya ang suot na jacket. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tahimik lang kaming nakaupo at tinatanaw ang kalangitan. “Yung kanina, nabastos kasi si Chesca nang mga lalaki na yun at nagalit si Xander kaya napa-away kami.” “Hindi mo naman kailangang mag-explain. Wala naman akong pakeelam.” “Pero ako meron, may pakeelam ako sa posibleng iisipin mo.” Natahimik ako dahil sa sinabi n’ya. He is not like that, I want the old him. Yung inaasar lang ako at pinupuna ang lahat ng mali sa akin, kahit sa maliit na bagay. Tumayo na ako at tinalikuran s’ya. “Hindi naman kita naiisip, kaya wala kang dapat ipag-alala.” Tatlong hakbang mula sa kan’ya ay kaagad n’yang naabot ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng ka’yang kamay. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na n’yang hinawakan ang braso ko pero sa lahat nang iyon ay nanatiling malamig ang kan’yang mga kamay. “Ano ba?” Singhal ko sa kan’ya nang ipatong n’ya ang itim n’yang jacket sa balikat ko. “Ito yung inilatag mo d’yan sa lupa tapos isusuot mo sa akin?” Napakamot s’ya sa batok at natawa sa sariling ginawa. “Isa pa, hindi ako nilalamig.” Nabigla ako nang itulak n’ya ako paupo sa swing “Pwede bang maupo ka muna ulit.” Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko s’ya. What the hell? “Kilala mo ba si Paul? Ngayon ko lang nalaman na Paul ang pangalan n’ya pero kilala ko s’ya sa mukha.” I was caught off guard by his question. Pinisil pisil ko ang mga daliri ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot. If I told him he is my friend, maniniwala ba s’ya? “He is a friend of mine. We met everytime na may mga business events.” I don’t know if maniniwala s’ya sa sinabi ko, but I don’t think na maiisip n’ya na isa ako sa mga elites. “Just friend? Napansin ko kasi na close sila ni Chesca, so there’s nothing between the two of you?” Nagtataka ko s’yang tiningnan. May iba ba s’yang gusting sabihin? “We're just friends, may masama ba dun?” Bahagya s’yang ngumiti at tumingin sa akin. “I’m just making sure. Kinikilala ko lang ang mga posible kong karibal.” “What?” Medyo malakas kong tanong dahil hindi ko masyadong narinig nag huli n’yang sinabi. “Nothing.” Simpleng sagot n’ya at nag-iwas ng tingin. Muling natahimik sa pagitan naming dalawa. Wala na ulit nagsalita at nang nilingon ko s’ya ay nakita ko na nagdo-drawing s’ya sa lupa gamit ang isang stick. Kaagad kong pinawi ang isinusulat n’ya nang makita ko na pangalan ko ang isinusulat n’ya. “Ano ba!” singhal n’ya sa akin. “Eh pangalan ko yung isinusulat mo eh.” “Paano mo naman nasabi na pangalan mo ang isinusulat ko eh dalawang letra pa lang ang naiilagay ko.” Tumayo ako mula sa swing at inabot ang hawak n’yang stick para hindi na s’ya makapag sulat. “Tumayo ka nga d’yan sa harap ko. Naka skirt ka tapos gan’yan ka umupo.” Napatingin naman ako sa pwesto ko. Naka squat ako sa harap n’ya dahil inagaw ko ang stick na hawak n’ya pero hindi naman kita ang inner ko. Labas nga ang tuhod ko pero natatakpan naman ng buhok ko ang hita ko. Isa pa, hindi naman masyadong maikli ang skirt ko. “Masyado kang issue no?” Sinamaan ko s’ya ng tingin at naupo na ulit sa swing. Idinuyan ko ito ng malakas at nang mapansin n’ya ang ginagawa ko ay tumayo s’ya at pumwesto sa likod ko. S’ya ang nagtulak sa swing na inuupuan ko at hindi na ako nagreklamo. “Do you want to make a deal?” Mahina n’yang tanong pero dahil magkalapit kami ay rinig na rinig ko. “What?” Nagtataka kong tanong sa kan’ya. Hinawakan n’ya ng mahigpit ang magkabilang side ng swing para mahinto ito sa pagduyan. “Ang sabi ko, kung gusto mo bang magkaroon ng deal.” Inirapan ko s’ya at kinurot ang kamay n’ya na nakahawak sa tali ng swing. “Naiintindihan ko ang sinabi mo, ang ibig kong sabihin. Why are we having a deal?” “Yes or no lang naman ang kailangan kong sagot mo.” “Then No.” Tumawa s’ya sa sinagot ko. "I had a feeling you'd say that. Anyway, the deal is that your answer will be yes in 5 months." “What the hell are you talking —“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod sunod na fireworks kasunod ay ang paglabas ng logo ng school namin. Doon ko lang naalala na may event pa nga pala na nagaganap, and the fact that our school's insignia appears above indicates that Chesca has won.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD