Nang makarating kami sa cabin na tutuluyan namin ay niyaya ko kaagad si Chesca sa kwarto para makapagpahinga. Ngayon ko lang din ulit naramdaman ang antok dahil sa naputol na pagtulog ko kanina.
Nilingon ko s'ya na nakatungo at marahang umaakyat sa hagdan. Mababakas pa sa mukha n'ya ang pagod pero hindi pa rin nawawala ang pamumula nito, dahil nagising s'ya na buhat buhat ni Stephen. Gusto kong matawa kanina nang muntikan na s'yang mahulog dahil sa gulat na may bumubuhat sa kan'ya.
"Here." Inabot ko ang kamay ko sa kan'ya para maalalayan s'ya paakyat.
"Chesca, saan kayo pupunta?" Napalingon kami kay Xander dahil sa tanong n'ya. Nandito na kasi kami sa itaas ng hagdan samantalang nasa ground floor naman s'ya bitbit ang ibang mga gamit namin.
Napalingon ako kay Chesca na tahimik lang at nakatungo kaya ako na ang sumagot kay Xander.
"Sa kwarto lang kami para magpahinga. Medyo napagod rin kasi kami sa byahe."
"Ganoon ba, bathroom kasi ang nand'yan. Nandito sa kanan ang kwarto ng mga babae. Sa mga lalaki naman yung nasa kaliwa." Napalingon ako kay Lance nang marinig ko ang bathroom. Nakatayo s'ya sa may pintuan habang hawak ang basket na dala ko kanina at matamang nakatingin sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at binalikan si Xander.
"Right. Kailangan ko rin kasi talagang mag-bathroom. Diretso na lang kami sa kwarto pagkatapos." Tumalikod na kami at nagdiretso sa bathroom kahit na hindi ko naman kailangang gumamit. Tumingin ako kay Chesca na nanatiling tahimik habang nakahawak sa braso ko.
"Is there something wrong?" Tanong ko sa kan'ya. Inopen ko ang faucet sa harap at naghilamos ng mukha. Sumandal naman s'ya sa pintuan ng cubicle. Mula sa reflection namin sa salamin ay nagtama ang paningin namin.
Marahan s'yang umiling at nagbuntong hininga. Kitang kita ko pa rin ang pamumula ng kan'yang mukha habang itinatali n'ya ang nakalugay na buhok.
"Wala naman, it's just that medyo nahihiya ako dahil binuhat pa ako ni Stephen. Bakit ba hindi mo na lang ako ginising, kaya ko naman na maglakad." Nakasimangot n'yang sabi at kahit na nakahawak ang kan'yang kamay sa buhok ay nagawa n'ya pa ring tapikin ang sariling noo.
Tinuyo ko ang kamay ko sa hand dryer at nagpunas ng mukha gamit ang white towel na nasa bag ko bago ko s'ya nilapitan.
Hinawakan ko ang magkabila n'yang balikat para matigil s'ya sa ginagawa.
"Alam mo, itulog na lang natin ito. Mukha naman na walang issue kay Stephen ang pagbuhat n'ya sa'yo, kaya huwag mo nang masyadong isipin. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng dahilan para mailang ka sa kan'ya." Sabi ko sa kan'ya at binitiwan na ang balikat n'ya.
Nauna akong maglakad sa kan'ya palabas pero nang mapansin ko na hindi s'ya sumunod ay muli ko s'yang nilingon.
Nanlalaki ang mga mata na nakatingin s'ya sa akin.
"Huy! Anong drama mo?"
"Ikaw ba talaga 'yan Nadz? This is the first time na nagbigay ka ng advice. I know that what you said wasn't deep, but the fact that it was you, oh my goodness! Binasbasan ka ba ng langit?" Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa sinabi n'ya. Mukha namang okay na s'ya kaya nauna na ako sa kan'ya papunta sa kwarto namin.
Pagpasok ko sa kwarto ay napansin ko kaagad ang tatlong kama. May isang maliit na table sa gitna at may malaking cabinet sa gilid.
Binuksan ko ito at nakita ko na nakapatas na ang ilang damit na dinala namin. Kumuha lang ako ng isang pares na pantulog at nagbihis. Pinili ko ang kama sa tabi ng bintana at padapang pumwesto dito.
Kakalapat pa lang ng katawan ko sa kama ay naramdaman ko kaagad ang antok. Automatic na naipikit ko ang aking mga mata at kahit na narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay hindi ko na ito nagawang lingunin pa.
Nagising ako nang maramdaman ko ang lamig na nagmumula sa aking tabi. Hinawi ko ang kurtina na natatangay ng hangin at tinanaw ang dagat. Madilim na sa labas at tanging ang mga lamp post at ilang mga tindahan ng souvenirs na lang ang nagbibigay ng liwanag.
Isinarado ko na ang bintana at tumingin sa relo na nasa aking kamay. Halos tatlong oras din pala akong nakatulog. Inayos ko ang nagulo kong buhok at lumabas ng kwarto. Sa kusina sa ibaba ako dumiretso dahil doon ko sila naririnig na nagtatawanan. Pagkarating ko ay bumungad sa akin ang magulong lamesa, maraming karne at hotdog ang nakatusok na sa stick at kung saan saan nakakayat ang mga ketchup at toyo.
Ang puting table mantel ay madumi at halos puro mantsa na ngayon. Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa nila at nagdiretso na lang ako sa fridge.
"Para saan 'yan?" Tanong ko sa kanila at kumuha ng fresh milk. Pinalaman ko rin ng cheese ang toasted bread na nakita ko sa oven toaster.
"For barbeque party. Gosh! I'm so excited. Ngayon lang natin 'to ginawa eh. Matatapos na ang semester pero ngayon pa lang tayo lumabas na grupo. Buti na lang nanalo si Chesca, may reason tayo for gala." Sabi ni Claire habang naglalagay ng hotdog sa stick. Ibinaba ko ang hawak kong fresh milk at tiningnan ang ginagawa nila. Naglalagay sila ng masmallow sa dulo ng hotdog at nagpapahid ng marinated sauce sa barbecue.
Inubos ko ang kinakain kong toasted bread at ininom ang fresh milk na ipinatong ko sa table para makatulong sa kanila. Mukha naman na madali lang ang ginagawa nila.
"Nadz, dun ka na lang sa labas para mag-set ng apoy. Patapos na rin naman kami dito." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Chesca dahil madami pa naman ang walang marsmallow na hotdog.
Tumingin ako sa mga nasa labas at nakita ko na si Lance ang nagpapaypay ng apoy. Habang sina Tyler naman ay nagse-set ng mga tables. Nakita ko si Margaux na nagtitimpla ng mga drinks sa labas kaya hindi na lang ako umangal kay Chesca at umalis na lang ng kusina.
"Hey, you need help?" Tanong ko nang makalapit kay Margaux. Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Lance mula sa likod pero hindi ko s'ya binigyan ng pansin.
"Okay lang, last juice na naman ito. Siguro patulong na lang sa pagliligpit ng mga ginamit." Tinanguan ko s'ya at inabot ang isang baso na may lamang juice at tinikman ito.
"Hey, marunong ka palang mag-mix ng wine?" Tanong ko kay Margaux at ibinaba ang baso na hawak. Masarap ang drinks na tinimpla n'ya, wala akong nalasahan na alcohol kaya hindi ako sigurado kung nakakalasing ba ito.
"Ahh, hindi 'yan wine. Juice lang 'yan na nilagyan ko ng extracted grapes." Muli kong ininom ang juice na nasa baso ko at sinalinan ito.
"Kapag may free time ka, turuan mo ako ah."
"Oo naman. Ahh Nadz, padala lang ako nitong ibang gamit sa loob para mahugasan." Inabot ko ang mga gamit na ibinibigay ni Margaux at dinala sa loob, nakita ko na patapos na sila sa ginagawa at naglalabas na sila ng mga iihawin.
Pagbalik ko sa labas ay nasa nandun na si Lance sa pwesto ko kanina. Kailan pa s'ya lumapit? Tiningnan ko ang pwesto n'ya kanina at nakita ko sina Chesca at Xander na nagsisimula nang mag-ihaw.
"Wow, Hindi ko alam na may talent ka pala sa ganito Margaux." Sinamaan ko ng tingin si Lance na umiinom na rin ng juice sa aking tabi.
Kukunin ko na sana ang baso na ginamit ko kanina nang hindi ko na ito makita sa table. Nanlalaki ang mga matang itinuro ko ang baso na hawak ni Lance.
"Is that mine?" Sigaw ko sa kan'ya. Hindi n'ya ako sinagot at inubos n'ya sa harap ko ang juice na nasa baso. Nag-burp pa s'ya sa harap ko kaya sinipa ko s'ya sa binti n'ya. Pero ang walanghiya ay nginitian pa ako bago tumalikod.