CHAPTER 2: J-VENILE

1562 Words
I had no intention of coming here when I chose to skip my class. It's been two months since I've been here, and I think I've missed it. The oval shaped J-Venile stadium that is surrounded by black leather chairs scented with aroma never fails to amaze me. Sa itaas ay ang second floor kung saan malimit tumatambay ang mga member ng Elites. May exclusive rooms sila dito na hindi pwedeng puntahan nang nasa iba’ng class, and they even have their own bar, pool area, gaming and theater room for their entertainment. Sa third floor ay naroon ang kwarto ng bawat isa na halos kasinlawak ng isang bahay. In J-Venile, the power is in the group of elites. J-Venile is a private subdivision with various infrastructures for powerful, wealthy, and talented individuals which is categorized in a hierarchy. The elites are the highest class, made up of successful people who made their name and power on their own with a powerful family background, followed by the royals, who are the descendants of kings and queens from different generations. And finally the prestige, who does not belong to the first or second classes but has wealth and power in society. My fists are red, and my legs are already throbbing from the punches and kicks I'm throwing. I threw my arms backward and rotated my hips to generate impact and deliver a strong outside kick. Hindi naman ako nabigo dahil nagawa ko s’yang mapatumba. “You’re improving, Nadz.” I smiled at my coach and at the same time my sparring partner to his comments. “All because of you, Uncle Miguel.” I replied with a smirk. Kita’ng kita ko ang paghanga sa kan’yang mga mata, siguro ay dahil ito ang unang beses na nagawa ko s’yang mapatumba. Since he started to train me, palagi n’yang sinasabi na ako ang pinakamagaling sa mga naging estudyante n’ya pero never ko naman s’yang natalo kaya hindi ko magawang maniwala. I had a lot of respect for him because h e's a father figure and a great person. I was raised without a patriarch in the family since he died when I was little. I guess I was still in my mother's womb when he died. “Let’s call it a day, may sundo ka na.” Napalingon ako sa may pintuan nang ituro n’ya ang direksyon na iyon. I saw my personal driver and I don’t have any other choice but to go home. Mukhang alam na kaagad n’ya na hindi ako umattend sa klase ko ngayon. Hindi ko ito pinansin at nagtuloy lang papunta sa bleacher kung nasaan ang aking gamit. Inalis ko ang suot ko’ng gear at pinunasan ang aki’ng pawis pagkatapos ay uminom ng tubig. Nilingon ko si Uncle na naghahanda na rin sa pag-alis kaya naman hindi na ako nagpaalam at nagtungo na sa kwarto ko sa third floor para maligo at magbihis. “Nadz, san ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap tapos hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko. Nagtatampo na ako huh! Akala mo ba nakakalimutan ko na ang atraso mo sa akin —.” Napabuntong hininga na lamang ako nang ma-realize na s’ya pala ang dahilan kung bakit nalaman kaagad na hindi ako umattend ng klase. Iniharang ko ang kamay ko sa mukha n’ya para tumigil s’ya sa pagsasalita. Kakababa ko pa lamang ng sasakyan ay kaagad n’ya akong sinalubong nang ganito’ng litanya. Nagulat naman ako nang may biglang humawak sa braso ko at ibinaba ito. ‘S’ya na naman?’ Wala na ba s’yang ibang alam kung hindi ang hawakan ako? “Ah Nadz, sina Lance nga pala, new classmate natin. Nakabanggaan ko sila kanina at nalaman ko na same year and section lang tayo. Ang galling no, parang destiny?” Napangiwi ako sa sinabi n’ya. Nag-appear pa sila nang isang lalaki at sabay na natawa. Nakita ko kaninang umaga nang may makabangga s’ya pero apat lang ‘yon at sigurado ako’ng ang Lance na ito na wala nang iba’ng ginawa kung hindi hawakan ako ang wala doon kanina. “Hindi pa ba kayo papasok?” Yun lang ang sinabi ko at nauna na ako’ng maglakad sa kanila. Si Chesca ay humabol pa sa akin at isinabit ang kan’yang kamay sa braso ko. “Ang ga-gwapo nila no?” Bulong n’ya at napangiwi na lang ako dahil sa reaksyon n’ya. Gwapo ba yun? Matatangkad sila at may kakaibang features ng mukha kumpara sa mga normal na itsura ng estudyante dito pero wala naman ako’ng nakikitang espesyal sa kanila para mag-react nang ganiti si Chesca, She’s over reacting. “Sino ba ang mga iyon at bakit mo sila kasama?” Tanong ko sa kan’ya at bahagya pa ako’ng lumingon sa likod. Pansin na pansin ko ang bulungan ng mga estudyante na nalalampasan namin, pero tulad nang palagi ko’ng ginagawa ay pilit ako’ng ngumingiti sa kanila. “New classmate nga natin. Lumipat raw sila sa Academy natin kasi dito nag-aaral yung girlfriend ni Tyler. Nakikita mo ba yung isang lalaki kanina? The one who has a dashing looks with his cappuccino brown hair, hawkish nose, concrete jaw and a titan shoulder?” she said dreamingly. “Ang lalaki na ‘yon si Tyler, pero taken na.” “Ano ba yang sinasabi mo?” Gusto ko’ng kilabutan sa sinasabi n’ya. Muli ako’ng lumingon sa likod at nakita ko ang lalaking tinutukoy n’ya dahil ito lang ang natatanging may brown na buhok. Napatingin naman sa akin si Lance kaya kaagad ako’ng nag-iwas ng tingin. Nang makarating kami sa may hallway ay kusang nahawi ang daan. Ang grupo ng mga estudyante na nasa gitna at nagku-kwentuhan ay kusang umalis sa daraanan namin para makaraan kami. Wala na namang bago dito, pero ang mga nasa likod namin ay tila nalilito at gulat na gulat sa nangyari, but they are still able to give a dashing smile to those student who are geeting them. They were wondering yet they covered it with a friendly smile. That’s one of the adavantages of being popular and untouchable in this academy. For the past five years, all students were admiring us for all the achievements we have gave to this academy. Idagdag pa na kilala kami bilang isa sa mayayamang personalidad hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong asya. They view us as a perfect students and that they are afraid to go against our will because they know that they might face a severe consequence. Nandito na kami ngayon sa room at wala pa rin ang teacher namin. Kinuha ko ang sketch pad sa loob ng bag ko at nagdrawing na lang nang kung ano-ano. I've lately discovered drawing as a new pastime, and it's quite relaxing. I had no idea I'd become so engrossed in such an activity. After almost 20 minutes ay nakaramdam na ako ng gutom. Sumenyas ako kay Chesca na nakikipag-kwentuhan sa mga bago n’yang kakilala para magpunta sa canteen pero hindi rin natuloy dahil biglang pumasok ng classroom ang instructor namin. "Good morning, students. My apologies for being late. Anyway, my name is Mrs. Almira Marasigan, and I will be your 21st Century Literature professor. Please raise your hand if you have any concerns." Wala namang nagtaas ng kamay kaya nag-proceed na lang ang instructor namin sa pagdi-discuss ng syllabus. Mabilis rin naman na natapos ang klase dahil halos kalahating oras lang ang nagging time niya for today kasi late siya umattend. “Chesca!” Pagtawag ko nang makalabas si mam. I waved my phone at her kaya kaagad n’yang tiningnan ang message ko sa kan’ya. Maya-maya pa ay nakangiti s’yang lumapit sa akin at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. “Gutom ka na n’yan huh? Sigurado na hindi ka nag-lunch no? Sinabi sa akin ng driver mo na sa J-Venile ka raw nagpunta.” Ibinulong n’ya lang sa akin ang huli n’yang sinabi dahil hindi lahat ay alam ang lugar na ‘yon. Only those who are rich or middle-class who wanted to be part of the association are aware of the J-Venile. “Tinamad lang ako’ng umattend sa klase natin kanina. Tara na kumain.” Inayos ko na ang gamit ko at sabay kami’ng lumabas. Napakunot pa ako ng noo nang makita namin ang grupo nina Lance sa may pinto na mukhang may hinihintay. “Tara na?” Automatic na tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa tanong ni Tyler. Close ba kami? Iniabot n’ya pa ang kamay n’ya sa akin kaya nagtataka ko s’yang tiningnan pero diretso lang ang tingin n’ya sa mukha ko. Ano bang pakulo nito? Ngiting ngiti pa s’ya. Para naman hindi s’ya mapahiya ay ini-abot ko na lang ang bag ko sa kan’ya pero hindi n'ya ito inabot at halip ay ibinigay kay Lance. Huh? Gulat ako’ng napatingin sa kan’ya at kay Tyler na may hawak na ngayon na ibang bag. Dahil kay Tyler na ako nakatingin ay kita’ng kita ko na hindi man lang nagbago ang direksyon na tinitingnan niya. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang babaeng nakangiting lumapit kay Tyler. Just what the fvck happened? Si Lance ay nagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa ibaba at hawak ang bag na iaabot ko sana kay Tyler. Kita’ng kita ko ang amusement sa mata n’ya kahit pa nakatungo s’ya. Lalo lang akong nainis sa kan’ya. I felt so ashamed and offended.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD