Chapter 8

2355 Words
"Bumalik na kaya tayo sa campus? Baka ma-late tayo nito sa next class natin, e." Sabi ko kay Axel pero mukhang hindi niya 'ko narinig dahil abala siya sa pamimingwit ng isda. Ewan ko ba kung anong sumumpong dito kay Axel at dinala niya 'ko sa malapit na ilog na halos katabi lang ng campus namin. Actually sa may bandang likod na bahagi lang ito ng campus namin, e. Pero medyo malayo pa rin kung lalakarin kaya nag-bisikleta na lang kami. Pero ang ipinag-aalala ko kasi, e baka ma-late kami sa klase lalo na't 30 minutes lang ang breaktime namin ngayon dahil Thursday. May next two classes pa kami kaya kanina pa 'ko kating-kati na bumalik. "Axel---" "Relax ka lang, Brianna. Half-day tayo ngayon, right?" aniya tsaka 'ko tiningnan. "Mukhang hindi ka nagbabasa ng announcement sa page, ah?" "Totoo ba?" Tinawanan muna niya 'ko bago nagsalita, "If you don't believe me, visit our page, instead." At iyon nga ang ginawa ko para kahit papaano ay makasigurado akong hindi fake news ang sinasabi ni Axel. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang f*******: page ng aming campus at hinanap ang announcement na sinasabi ni Axel. Announcement: On Thursday, classes of all departments will be on shortened period as the University Professors will be having a general meeting on the afternoon. Please be guided accordingly. Oh? So totoo ngang wala kaming klase nang hapon. Pero bakit hindi man lang ako sinabihan ni Mia tungkol doon? Dati naman, kapag may announcement na ganito sa page namin ay sinasabi niya sa 'kin dahil alam niyang hindi ko hobby na mag-check ng page, e. Mukhang tinamad na ang kaibigan ko na mag-update ng mga pangyayari sa page, ah? "Kaya mo pala 'ko dinala rito kasi wala naman palang pasok." Natatawang sabi ko. "Pasunurin ko ba si Mia---" "Kahit huwag na, Brianna. Let's enjoy this day; just you and me." Aniya. Napalunok naman ako ng laway sa sinabi niya. Ewan ko ba kung kikiligin ako sa sinabi niya o hindi, pero mukhang kinilig nga ko nang bahagya sa sinabi niya. Parang may biglang kumiliti sa 'kin kaya naman napaiwas ako sa kaniya ng tingin upang itago sa kaniya na napangiti ako sa sinabi niya. Oo, ang weird ng pakiramdam na 'to. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari, pero mukhang iyong puso ko ang natutuwa, e. "Nakakarami na 'ko ng huli," aniya kaya naman napatingin ako sa timbang katabi niya na napulot niya lang din dito. Oo nga, ang dami na ng nahuhuli niyang isda. Baka kung ako ang namingwit, e palaka lang ang mahuli 'ko at hindi isda. Naalala ko kasi no'ng mga bata pa kami ni Alena tapos hilig din namin no'n ang mamingwit. Kaya lang ang lakas ng kapit ng kamalasan sa 'kin kasi ayaw kumagat ng mga isda sa pain ko, samantalang kay Alena, e kagat sila nang kagat. Ang unfair, 'di ba? "Ano namang balak mong gawin diyan?" tanong ko sa kaniya. Unang tingin ko pa lang kay Axel, alam kong may kaya sila sa buhay. Tapos nabanggit pa niya na sa kabilang kanto lang ang bahay nila, e ang mga nakatira sa kantong iyon, e mga mayayaman. Kasi subdivision na 'yong kantong iyon na malapit sa 'min, e. "I want to help in my own little way," aniya. "Marami kasi 'kong nadadaanan sa kalye na mga taong doon natutulog, at iyong mga kinakain nila ay pinupulot lang nila sa basurahan. Naaawa 'ko sa kanila, so that I want to help them by offering this small gift, na pinaghirapan kong hulihin para sa kanila. I don't want to offer them money, kasi makapangyarihan ang pera, e. Some people willing to do everything just to have a huge amount of money, 'di ba? Baka nga pati kapwa nila na naninirahan sa kalye ay masilaw sa pera at kapag nakita nilang nagbigay ako ng pera sa isang tao na kasama nila, baka nakawin pa just to satisfy their own needs. At iyon ang ayokong mangyari kaya instead of money, ito na lang. It's still a blessing that will help them to survive, 'di ba?" aniya tsaka bahagyang natawa. Napangiti ako sa sinabi niya. Nakakatuwa lang kasi na may mabuti siyang puso para sa mga taong lubos na nangangailangan ng tulong. Sang-ayon ako sa sinabi niya na talagang makapangyarihan ang pera, tipong babaguhin ka nito sa hindi mo inaasahang magiging pagkatao mo. Lahat ng tao, gagawin ang lahat para sa pera kaya minsan, hindi rin maganda na tumulong ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera lalo na roon sa mga taong kadalasang nakikita natin sa tabi ng kalsada. Ang kailangan nila ay pagkain. Given nang kailangan nila ng pera para magkaroon sila ng bahay, pero milyonaryo na lang ang makakapagbigay sa kanila no'n. Sa mga simpleng mamamayan na ang gusto lang naman ay makatulong sa alam at kaya nilang paraan, giving them foods instead of money is much better. "Am I honored now just because I finally have the chance to witness you wearing your beautiful genuine smile?" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita siyang muli, at noon ko lang napagtanto na grabe na pala 'yong pagtulala ko sa kaniya habang ngiting-ngiti ako sa harapan niya. 'Another nakakahiya moment na naman, Brianna! Kaunting-kaunti na lang, bi-bingo ka na!' "Sino ba namang hindi matutuwa sa sinabi mo, 'di ba? Kakaunti na lang kasi 'yong kilala kong tao na handang tumulong sa iba at paghirapan iyong tulong na ibibigay nila. Kakaunti na lang ang mga kagaya mo, kaya magparami ka ng lahi." Sabi ko at bahagyang natawa sa huli kong sinabi. "I won't able to do that without your help," Kumunot ang noo ko, "Saan kita tutulungan?" "Sabi mo kasi, magparami ako ng lahi. How would I supposed to do that without your help?" nangingisi niyang tanong. Aba, bastos ito, ah? "Ikaw naman, binibiro ka lang!" kunwaring natatawang sabi ko tsaka ko iniwas ang tingin sa kaniya. "What if I take your joke seriously?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Napapikit na lang ako nang mariin habang hinahanap sa sarili kong dila ang magandang isagot sa tanong niya. Paano ba? "Ano---" Naputol ako sa pagsasalita dahil saktong paglingon ko sa kaniya ay hindi sinasadyang nagka-untugan ang mga ilong namin. Kaunting tulak na lang ay maaabot ko na ang mga labi niya. Gano'n siya kalapit sa 'kin. Ako na ang unang lumayo sa kaniya. Dahil sa nangyari, mukhang hirap pa rin talaga 'ko na gawing komportable ang sarili ko kapag kasama ko siya. "Mas maganda ka pala sa malapitan," nakangiti niyang sabi. Nakangiti naman siya habang sinasabi 'yon pero bakit parang naiinis ako? I mean, compliment iyon pero bakit parang hindi ko nagustuhan dahil sa kaniya 'yon nanggaling? "Halika na, umalis na tayo." Sabi ko at ako na ang kumuha ng timba na may laman na mga isda at binuhat iyon. Gusto pa nga sana niyang kunin iyon sa 'kin pero hindi ko ibinigay. Siya na nga ang nagpakahirap na hulihin ang mga 'yon, tapos siya pa ang magbubuhat? Nilakad na lang namin ang daan pabalik sa campus. Naglalakad ako habang bitbit ang timba na may lamang isda habang si Axel ay tangan ang bisikleta habang naglalakad. Akala ko ay babalik kami ng campus pero ibang daan ang tinahak namin ni Axel. Isang lusutan kung saan ang labas nito ay isang lumang parke na pinananahanan ng mga taong hirap sa buhay. "This is the place I was talking to awhile ago. Ang dami nila, 'di ba? I don't know kung ilan silang pamilya na narito, but I hope, this present will be enough for them." Sabi ni Axel habang nakatingin sa mga taong naroroon habang naglalakad kami papalapit doon. "Gaano man karami o kakunti ang dala mo, sapat na 'yon para mag-thank you sila." Nginitian niya lang ako bilang sagot at nagtuloy na kami sa lugar na 'yon. Ang ilan pa sa mga tao ay nagtaka kung anong sadya namin sa lumang parke na tinutuluyan nila, ngunit ang iba naman ay bumakas ang tuwa sa kanilang mga mukha. "We're here to give this," ani Axel at kinuha sa 'kin ang bitbit kong timba na may lamang mga isda. "Hindi man po 'yan kalakihang tulong, still I wanted you all to accept this." May isang manang naman ang lumapit sa 'min at masayang inabot ang timba, "Nako, maraming salamat! Ang laking tulong nito para magkaroon ng laman ang mga sikmura namin." "Oo nga, kahapon pa kami walang kain. Maraming salamat po talaga sa inyo, kung hindi kayo dumating, baka hanggang ngayon, e wala pa rin kaming kakainin." Sabi naman ng isang may edad nang lalaki. May nakita pa 'kong mga maliliit na bata na tuwang-tuwa sa dala namin. Bigla 'kong nakaramdam ng lungkot kasi pati mga bata ay nararanasan ang ganitong kahirap na buhay. Sa murang edad nila ay naranasan na nilang manirahan sa kalye at maghanap ng pagkain sa kung saan-saan. Nakakalungkot lang na may mga taong naghihirap nang ganito, samantalang may mga tao rin na nagpapakasasa sa sarili nilang pera habang hindi sumasagi sa isipan nila na tumulong sa mga taong nangangailangan. Bilang na lang talaga sa daliri 'yong mga taong mayayaman na may puso pa rin para sa mga nangangailangan. Maging ako ay nakakakita ng ilan sa kanila na namamalimos. Maski sa mga jeep ay dumadayo sila para lang makapalimos ng kahit piso man lang. Gustong-gusto ko na tumulong din sa mga kagaya nila kaya lang maski kami ay hirap din sa buhay kaya hindi 'ko magawang tumulong sa kanila. Pero dahil kay Axel, na-realize ko na ang pagtulong ay hindi lang tungkol sa pag-aabot ng pera. Mahirap ka man o mayaman, may kakayahan kang tumulong kung talagang gugustuhin mo. Maraming paraan para tumulong, isa na rito ang ginawa ni Axel na talagang nakapagpahanga sa 'kin. --- Dahil maaga pa para umuwi, e nakitambay muna kami rito sa park habang masaya naming pinagmamasdan ni Axel na pagsaluhan nila ang mga huling isda ni Axel. Inaanyayahan pa nga nila kaming makisalo kaso tumanggi kami dahil alam naming sa kanila lang ay kulang pa 'yon, bilang nabanggit nilang kahapon pa sila walang kain. "Salamat, ah." Biglang nasabi ko kay Axel nang hindi siya hinaharap. "For what?" "Dahil isinama mo 'ko rito at dahil napakabuti mong tao. Siguro ay maganda ang naging pagpapalaki sa 'yo ng mga magulang mo, 'no?" Nawala ang kaninang ngiti sa labi niya. "Baka hindi ka maniwala kung sasabihin kong lumaki ako sa broken family." Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Sorry---" "Second family kami ng Papa ko, naging kabit niya si Mama at ako ang naging bunga no'n. Dahil nga mas mahal ni Papa ang nauna niyang pamilya, kaya sinusustentuhan niya na lang kami noon ni Mama nang patago para hindi malaman ng asawa niya. Siguro 10 years old ako no'ng mahuli si Papa ng asawa niya na sinusustentuhan niya kami, kaya mismong asawa na niya ang nagpunta sa 'min ni Mama at binigyan kami ng cheke na nagkakahalaga ng P10M para lang magpakalayo-layo na kami at huwag na 'kong ipakita pa ulit sa Papa ko. Tinanggap naman iyon ni Mama at lumayo kami para magsimula ng bagong buhay. Nagtayo si Mama ng negosyo at nagpapasalamat ako na lumago 'yon at naging successful." Hindi ko inaasahang parehas pala kami ng kapalaran, ang kaibahan nga lang ay hindi na kami sinusustentuhan ng Tatay ko kasi tuluyan na niya kaming kinalimutan sa buhay niya. "But after all of that, I can't force myself to be happy. Maayos na nga ang buhay namin, but still I always wanted to meet my Father. Feeling ko makukumpleto lang ako if I was able to meet him and to be with him." "Mangyayari 'yan, magtiwala ka lang." Nakangiti kong sabi. Hindi kasi ako magaling mag-comfort pagdating sa gantong usapin, lalo't ako rin naman ay galing sa broken family. Kung iyong sarili ko nga ay hindi ko ma-comfort, ibang tao pa kaya? "Pasensya ka na, sa 'yo ko pa nailabas ito. Ang drama ko ba?" natatawa niyang tanong. "Sakto lang," sagot ko. "Para naman mabura 'yang kalungkutan sa mukha mo, may ikukwento ako sa 'yo." Sabi ko. "I'm in. Ano 'yan?" "Alam mo na ba ang alamat niyang tangan-tangan mo?" tanong ko habang nakanguso sa tangan niyang bisikleta. Namangha siya, "May alamat ang bisikleta?" tanong niya. "Lahat ng bagay na nakikita mo sa mundo ay may alamat. Gusto mo bang marinig kung ano 'yon?" "Sige, ikwento mo." " Isang araw ay may isang batang naglalakad habang tangan ang kaniyang bisikleta. Ang pangalan ng bata ay Edward at siya ay napadaan sa isang may kalumaan nang simbahan. Nakatingin lamang siya sa simbahan nang makita siya ng Pari na naroon. Lumapit ang Pari sa kaniya at kinausap, "Hijo, bakit hindi ka pumasok sa simbahan? Huwag kang mahiya, naghihintay sa 'yo ang Panginoon sa loob." Ang sabi ng Pari. Nalungkot ang bata, "Wala po kasing magbabantay sa bisikleta ko kung papasok po ako sa loob." Tumawa nang bahagya ang Pari, "Huwag ka mag-alala, Hijo. Ang Espirito Santo ang magbabantay sa bisikleta mo." Dahil sa sinabi ng Pari ay sumunod ang bata. Iniwan niya ang kaniyang bisikleta sa labas at siya'y pumasok na sa loob ng simbahan. "Pangunahan mo ang pagdarasal, hijo." Sabi ng Pari kay Edward. "Sa ngalan ng Ama, ng Anak, Amen." "Teka lang, hijo. Nasaan ang Espirito Santo?" tanong ng Pari. "Nasa labas po, binabantayan po 'yong bisikleta ko, 'di ba?" Parehas kaming natawa ni Axel matapos kong ikwento 'yon. Alam kong walang-kwenta ang i-k-in-wento kong alamat pero ang mahalaga naman ay napasaya ko siya at nakakausap. At least dahil man lang doon ay napatawa ko siya at napawi ko 'yong lungkot niya kanina, 'di ba? "Natawa ko sa ginawa ni Edward, though may point naman siya pero laughtrip talaga." Komento ni Axel habang tawa pa rin siya nang tawa. Napangiti ako, "At least tumatawa ka na ngayon, at hindi ka na malungkot." --- Eight Sign: May isang bagay kayong napagkukwentuhan habang magkausap kayo. Wala sa kung maliit o malaki, o sa gaanong ka-importante ang mga bagay na pinag-uusapan niyo. Mula sa kwentong balakubak hanggang sa paborito niyong TV show, basta ang mahalaga sa 'yo ay ang mapasaya at ang makausap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD