AFLW 19: Pagdududa at Kasunduan

2490 Words
AFLW 19: Pagdududa at Kasunduan *** Prinsesa Yuki POV Hindi na ako nagulat ng ipagbigay-alam sa akin ng aking kapatid ang may pakana ng paglalason sa akin. Nakasaad sa Aklat ng Impormasyon na ipinadala sa akin na malaki ang kaugnayan ng mga Wakamoto na Yakuza. At hindi ito alam ng karamihan sa mga Opisyal ng Palasyo. Subalit hindi ako nakakatiyak kung may alam ba ang Emperador. Nais ng aking kapatid na maparusahan ang may sala subalit ako ay namagitan. Hindi ko hangad na maparusahan ang ang Binibini. Sapagkat ang aking nais ay masiguro na ang kanilang pagbagsak. Maaaring ang maging parusa sa kanya kung sakali ay ang tanggalin siya sa pagpipilian at patalsikin dito sa Palasyo. At hindi makakabuti sa amin ang bagay na iyon. Kapag wala na siya dito sa Palasyo ay walang panghahawakan ang Imperyo. Maaaring gumawa ng marahas na hakbang ang mga Wakamoto at Yakuza. Iyon ang isang bagay na dapat namin iwasang mangyari. Sa ngayon natitiyak ko na kung sino sa mga Binibini ang kasapi ng Yakuza. Maging ang kanilang mga punong bantay ay tauhan din mga Yakuza. Kaya dapat na lalong mag-iingat ang lala sapagkat napasok na sila ng mga tauhan ng malaking banta sa katahimikan ng Imperyo. Kapag nagkamali ang Palasyo at parusahan si Binibining Reina, maaaring umalma ang mga kaalyado nito. Sa pagkakatuklas ni Prinsesa Yuuna ng katotohanan ay alam ko na hindi magtatagal ay matutuklasan na din ito ng Mahal na Prinsipe. Hindi natitiyak ang maaari niyang gawin subalit umaasa ako na hindi siya gagawa ng marahas na hakbang. Sana ay magawa niyang ipaubaya sa akin ang pangyayaring ito. Nagawa kung pakiusapan ang aking kapatid na ipaubaya na lamang sa akin ang bagay hinggil sa may sala. Kaya nagdesisyon siya na linasanin na agad ang Palasyo. Naintindihan ko ang pagnanais niya na agad umalis sapagkat sa mga tulad niya ay maituturing na magarang kulungan ang Palasyo. Hindi na niya magagawa pang tumagal dito. Subalit batid ko na may iba pang dahilan na hindi ko mawari. Sa aking palagay ay may iniiwasang mangyari ang aking kapatid. Sa kanyang paglisan ay nananatiling tahimik ang buong Palasyo. Walang kakaibang ganapan ang nangyari. Subalit makalipas lamang ang ilang araw ay nangyari na ang aking inaasahan. Sapagkat natuklasan na ng kampo ng Mahal na Prinsipe ang may sala. Kasama si Yoshie at Shuji ay tinungo ko ang tirahan ni Binibining Reina ng palihim. Tiniyak ko na walang makakakita sa aking pagtungo roon. "Ano ang iyong kailangan at ikaw ay naparito?" Ang kanyang bungad ng ako ay harapin. Umupo siya sa aking harapan subalit malayo ang aming pagitan. Ipigsalin kami ng tsaa ng isa niyang taga-lingkod. Ng umalis ang nagsisilbi ay saka lamang ako nagsalita. "Batid mo na ba na natuklasan na ng Mahal na Prinsipe ang iyong ginawang pagpapalason sa akin, Binibini?" Hindi na ako nag-abala pa na ilihis sa ibang bagay ang aking pakay. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha at takot sa kanyang mga mata. Subalit agad din siyang nakabawi at itinago ang kanyang emosyon. "Wala akong ginawang ganoong bagay kaya wala akong dapat ipag-alala." Wika niya. Isang ngiting naghahamon ang sumilay sa aking mga labi. "Sapat ang nakuha nilang katibayan laban sa'yo, Binibini. Kaya sa aking palagay ay dapat mo ng ihanda ang iyong sarili sa pagdating ng mga kawal dito upang ikaw ay hulihin." Isang matalim na tingin ang ibinagay niya sa akin. "Pumarito ka ba upang ako at takutin?" "Batid mong hindi kita pupuntahan at makikipag-usap sa iyo ng palihim kung ang nais ko lamang ay takutin ka." "Kung ganoon, anu ang dahilan ng iyong pagparito sa kalaliman ng gabi, Prinsesa Yuki? Nais mo bang magbitiw ako sa pagpipilian at lisanin ang Palasyo?" "Paano maging masaya ang pagpipilian kung ang wala na ang tinuturing akong mahigpit na kalaban?" "Sabihin mo na kung ano ang iyong pakay sa akin, Prinsesang Itim." "Ako lamang ang makakatulong sa iyo upang hindi maparusahan, Binibining Reina. Ano sa iyong palagay?" "Anong kapalit?" "Simpleng bagay lamang. Hihilingin ko lamang sa'yo na makaharap at makikilala ang lahat ng Opisyal, Ministro at Maharlikang angkan na tumutulong sa'yo." "At bakit nais mo silang makilala?" Napamaang siya sa akin. "Nagbabalak ka ba na kunin ang kanilang loob at suporta?" "Maaaring oo, maaaring hindi." "Totoo nga ang sinabi ng marami. Karapat-dapat ka ngang tawaging Prinsesang Itim sapagkat nababalot ka ng misteryo. Dahil sa takip sa iyong mukha ay hindi ka mababasa ng sino man. Maituturing ka ngang sumpa lalo pa at nakaligtas sa lason." "Kung nais at balak mo talaga akong kakalabanin, isang payo lamang ang maibibigay ko. Alamin at kilalanin mo ang Prinsesa Yuki na nasa likod ng takip na ito sa mukha." Maingat kung hinawakan ang tela na nagtatakip sa aking mukha. Tinapunan niya ng palihim na tingin ang kanyang mga bantay. Subalit bago pa man makalapit ang mga ito sa akin ay nagawa ng patumbahin ni Yoshie at Shuji. Isang bagay ang aking napansin ng kami ay pumasok sa kanyang tirahan. Wala ang kanyang Punong Bantay kaya batid ko na palihim lamang na nakahanda ang kanyang mga bantay at naghihintay lamang ng utos. Kinuha ko ang tasa ng tsaa at sumimsim ng kaunti. Habang siya ay palipat-lipat ang tingin sa akin at aking dalawang taga-sunod na pigil-pigil ang limang bantay na nagtangkang salakayin ako. Hawak sa dalawang kamay ang tasa ng tsaa ng walang anuman akong tumiyad. Isang kamay ang lumagpas sa aking mukha na siya sanang hahablot sa telang tumatakip dito. Hinawakan ko kamay na iyon habang hawak naman sa kabila ang tasa ng tsaa. Hindi ako nagkamali ng sapantaha sapagkat ang sumunod sa akin ay ang Pinuno ng kanyang mga bantay. Balewalang sinipa ko ang kanyang binti sabay nila ng kanyang kamay. Bumagsak siya sa lapag sa gitna ng aming kinauupuan. Hindi ako nag-aksaya ng pagkakataon at kinapa ang leeg nito. Hindi na siya nakakilos pa habang dilat ang mga mata. Maingat kung ibinalik sa lagayan ang tasa ng tsaa at tumayo. Maang na nakatingin sa akin si Reina. "Sundin mo ang aking payo kung nais mo talaga akong kalabanin." Wika ko bago tumalikod. "Ikaw ginawa mo sa kanya?" Alam kung tinutukoy niya ang kanyang Punong bantay. "Makakagalaw siya uli pagkatapos ng isang oras. Bibigyan kita ng tatlong araw na palugit upang makapagpasya, Binibini. Subalit sa araw na iyon ay natitiyak ko na ikaw ay  nadakip na ng mga kawal." Ang aking wika bago tuluyang umalis. **** Prinsipe Daisuke POV Naglalakad ako patungo sa tirahan ng aking kapatid na Prinsipeng Tagapagmana. Napadaan ako malapit sa tirahan ni Binibining Wakamoto ng mamataan ko ang paglabas ni Prinsesa Yuki dito. Napakunot-noo ako. Ano ang ginagawa ni Prinsesa Yuki sa tirahan ng taong nagtangkang pumatay sa kanya sa kalaliman ng gabi at tanging kasama lamang ay ang kanyang dalawang tapat na taga-sunod? Napapaisip ako habang pinagmamasadan ng lihim ang paglalakad ng tatlo pabalik sa kanilang tirahan. Natitiyak ko na lihim ang ginawang pakikipagkita ni Prinsesa Yuki kay Binibining Wakamoto. Sapagkat sobrang napakaingat ng kanilang galaw. Subalit palaisipan pa rin sa akin ang dahilan ng kanyang pagkikipagtagpo sa Binibini. Nanatili akong nakamasid sa kanila kaya nakita ko ng hawiin ni Prinsesa Yuki ang takip sa kanyang mukha. Saglit na naaninagan ng sinag ng buwan ang mukhang palaging nakatago sa likod ng telang nakatakip dito. Hindi ko nasilayan ng mabuti ang kanyang mukha subalit batid ko na isang magandang mukha ang aking nasulyapan. At hindi ang mukhang pinakita niya sa harap ng mga Opisyal, Ministro at Maharlikang angkan. Sino ka ba talaga Prinsesa Yuki? Isa ka bang kaaway o kakampi? Ang tanong na nakapagkit sa aking isipan habang ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa Mahal na Prinsipe. Aking nadatnan ang Mahal na Prinsipe na nakatuon ang pansin sa kung anuman ang pinag-aaralan niya. Ibinagsak ko ang aking sarili hindi kalayuan sa kanya, sumandal saka pumikit. "May dinaramdam ka ba, Daisuke?" Tanong ng Mahal na Prinsipe. Ramdam ko ang kanyang titig. Nagmulat ako ng mata at sinalubong ang kanyang paningin. "Anong alam mo kay Prinsesa Yuki, Mahal na Prinsipe?" Binalikan niya ang kanyang ginagawa bago ako sinagot ng katanungan din. "Bakit mo naitanong? May nangyari ba na hindi ko alam?" "Batid ba ng Prinsesa ang tunay na may sala sa pagtatangka sa kanyang buhay?" "Sa aking palagay ay mas mauna pa siyang naka-alam sa atin. Batid ko na iyon ang dahilan ng pagtungo ng kapatid niya rito." "Paano ka nakakatiyak, Kamahalan? Gaano mo ba kakilala ang kapatid ni Prinsesa Yuki?" "Higit pa sa inaakala mo, Daisuke. Subalit hindi ko nais na pag-usapan ang tungkol kay Prinsesa Yuuna. Sabihin mo na lang sa akin ang nangyari." "Nakita kung lumabas galing sa tirahan ni Binibining Wakamoto si Prinsesa Yuki habang ako ay patungo rito. Kung batid niyang si Binibining Wakamoto ang nagtangka sa buhay niya, ano ang dahilan upang palihim niyang puntahan ang Binibini?" "Palihim na pinuntahan ba ang sinasabi mo, Daisuke?" Binitawan ng Mahal na Prinsipe ang kanyang panulat at bumaling sa akin. Tumango ako bilang sagot. "Nakakapagtaka hindi ba? Kaya naitanong ko kung gaano mo kakilala si Prinsesa Yuki? Isa ba siyang kaaway o kakampi?" "Anak ng kaibigan ng ating Mahal na Ina si Prinsesa Yuki." "Sapat na ba ang dahilang iyon upang ituring siyang kakampi at hindi pagdududahan? Wala tayong alam sa kanya. At hindi natin batid ang tunay na pakay niya dito sa Palasyo." "Sa aking palagay ay sapat na ang dahilang iyon upang bigyan natin siya ng pagkakataon na ipakita kung siya ba ay kaaway o kakampi." "Tutuklasin ko ang kung sino at anong pagkatao ang nasa likod ng takip na tela. Lalo pa at nasulyapan ko ang mukha niya na hindi katulad noong ipinakita niya sa harapan ng karamihan." "Nakita mo ang kanyang mukha?" Kunot-noong tanong ng Mahal na Prinsipe. "Sulyap lamang, Kamahalan. Hindi ko nakita ang buo niyang mukha. Subalit sapat na iyon upang magduda ako sa kanya. Mag-iingat ka sa kanya, Mahal na Prinsipe, pakiusap." "Wag mo akong alalahanin, Daisuke. Kaya kung alagaan ang aking sarili. Maging maingat ka sana sa iyong mga binabalak." "Masusunod, Kamahalan." **** Prinsesa Yuki POV Kinabukasan ay dumating sa amin ang balitang dinakip na ng mga kawal sina Mizane at Reina. Galing ako noon sa tahanan ng Emperatris upang bumati. Nasaksihan ko ang pagdala sa kanila patungo sa hukuman. Nasa panig man nila ang Hukom ay wala pa rin itong magagawa sapagkat ang Prinsipeng Tagapagmana ang mamamahala sa paglilitis. Sinalubong ko ang matalim na titig sa akin ni Binibining Reina at bahagyang yumukod bilang respeto sa kanyang katayuan. Marahil ay hindi pa sapat ang isang gabi upang makabuo ng pasya. Hihintayin ko na lamang hanggang sa dumating ang araw na ibinagay kung palugit ang kanyang magiging pasya. Alam ko na hindi madaling sumang-ayon sa hiningi kung kapalit. Gaya ng kanyang sinabi ay maaaring na kunin ko ang loob ng mga taong nasa panig nila upang pumanig sa akin. Subalit hindi iyon ang aking pakay. Iba ang dahilan ng aking pagnanais na makilala at makaharap ang mga taong ito. Lumipas ang tatlong araw simula ng madakip sila Mizane at Reina. Ngayong araw na ibibigay ang magiging hatol sa kanila. Ayon sa usapang aking naririnig ay patatalsikin sa Palasyo at tatanggalin ang dalawa bilang mga Babaeng Pagpipilian. Subalit wala pang katiyakan ang bagay na iyon. Ngayong araw na din ang huling sa ibinigay kung palugit kay Reina. Hihintayin ko ang kanyang pasya hanggang sa takipsilim. Kapag nagpasya siya na hindi makikipagkasundo sa akin. Panonoorin ko ang pagpapatupad sa kanila ng parusa sa unang hanay. Nais kung agad niya akong makita na pinapanood kung papaano siya babagsak at matalo sa labang palihim niyang inumpisahan. Dumating ang takipsilim ng walang dumating mula sa panig ng mga Wakamoto. Na-ibaba na rin kaninang hapon ang hatol sa kanila. At gaya ng inaasahan ng lahat matatanggal sila at papatalsikin. Bukas ng tanghali ay ipapatupad na ang kaparuhasan sa kanila. Naaaliw akong pagmasdan ang naggagandahang bulaklak sa Hardin ng Palasyo ng humahangos na dumating ang isa sa aking taga-silbi. Kinausap ito ni Shuji at tinanong. Ipinaalam sa akin ni Shuji na nais akong makausap ng Ama ni Binibining Reina, ang Pinuno ng kanilang angkan. At siya ang pangahas na humiling na ipakita ko sa kanila ang aking mukha. Tumaas ang aking kilay sa marinig at hindi ko mapigilan ang napangiti. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng Pinuno ng angkan ng Wakamoto. May nakahain ng pagkain at tsaa sa aking bisita ng ako ay dumating. Maaasahan talaga ang mga nagsisilbi sa akin. "Isang karangalan ang bisitahin ng Pinuno ng angkan ng mga Wakamoto. Ano ang maipanglilingkod ko, Ginoo?" "Ipinaalam sa akin ng aking anak ang tungkol sa kasunduan. Kaya naparito ako upang pag-usapan ang tungkol doon." "Subalit lumagpas na ang Binibini sa palugit na aking ibinigay kaya sa aking palagay ay wala na tayong pag-usapan pa, Ginoong Wakamoto." "Nakikiusap ako, Prinsesa Yuki. Pakinggan mo muna ang aking sasabihin." "Tsk! Tsk!" Napailing ako. "Ni minsan hindi ko inakala na marunong palang makiusap ang isang tulad ninyo. Sige, bibigyan ko kayo ng limang minuto." "Nais kong makipagkasundo sa'yo. Gagawin namin ang hinihingi mong kapalit huwag lamang mapatalsik at matanggal sa pagpipilian ang aking anak." "Gaya ng aking sinabi ay tapos na palugit na aking ibinigay sa iyong anak, Ginoo. At malaking bagay para sa akin kung mawala si Reina sa pagpipilian. Maliban sa una kung hiningi na kapalit ano pa ang kaya mong ibigay?" "Hindi ko man batid ang tunay mong pakay subalit maaari kitang ipakilala sa mga kapanalig ko na mga Opisyal ng Bansa." "At ano naman ang maitutulong nila sa akin?" "Kung sakali man na ikaw ang Mapili ay magkakaroon ka ng koneksyon hindi lang mga Opisyal at Ministro ng Palasyo kundi maging sa mga Opisyal na nagpapatakbo sa ating bansa sa pangalangan ng Emperador." Isang tagumpay na ngiti ang sumilay sa aking labi. "Kung ganoon, tinanggap ko ang kasunduan. Bukas ng umaga ay aking kakausapin ang Mahal na Prinsipe, Emperador at ang Emperatris. Kapag nagawa ko ng pigilan ang pagpaparusa sa iyong anak ay nais kung ihanda agad niyo ang lahat upang makaharap ko ang mga taong sinasabi ninyo." "Maaasahan mo, Prinsesa Yuki. At ako ay nagpapasalamat." "Hindi mo kailangang magpasalamat sapagkat pareho tayong may pakinabang sa kasunduang ito. Subalit nais ko ng kasulatan, Ginoo." Kinuha ko ang inabot sa akin ni Yoshie. "Nais ko na pareho tayong lalagda sa kasulatang ito." Pagkatapos lagdaan ang kasulatan para sa aming kasunduan ay agad ng nagpaalam ang Pinuno ng angkan ng Wakamoto. Ipihatid ko siya kay Shuji sa labas ng aking tirahan. Tinanggal ko ang takip sa aking mukha ng kami na lang ni Yoshie ang tao sa pribadong silid kung saan ko kinausapan ang aking panauhin. "Mahal na Prinsesa." Ang tanging sinambit ni Shuji ng pumasok sa silid. Napasukan niya ako habang hawak-hawak ang aklat ng impormasyon at nakatingin sa kawalan. Binalingan ko si Shuji at ngumiti. Ngiti na alam kung sobrang pamilyar na sa kanila ni Yoshie. "Umpisahan na natin, Shuji." Ang aking wika habang nangingislap sa tuwa ang aking mga mata. Yumukod siya. "Masusunod, Mahal na Prinsesa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD