AFLW 18: Ang May Sala

2512 Words
AFLW 18: Ang May Sala *** Prinsesa Yuki POV Nagmamadali akong lumisan sa aking tahanan upang salubungin ang aking kapatid. Kararating lamang ng balita sa akin na biglaang naparito si Prinsesa Yuuna. Sa aking palagay ay tungkol ito sa paglason sa akin. Hindi ako natutuwa sa nangyari sa akin subalit hindi ko maiwasan ang masiyahan sa kanyang pagdating. Kahit aking natitiyak na ang una niyang gagawin ay ang pagalitan ako sa aking kapabayaan. Napakalapad ng aking mga ngiti habang lakad-takbo patungo sa Punong Tanggapan. Hawak ko ng mahigpit ang laylayin ng aking kausuotan upang hindi maging sagabal. Sa aking likuran ay si Yoshie at ang aking mga taga-lingkod na humahabol sa aking paglakad-takbo. Ang malapad na ngiti sa aking mga labi ay unti-unting naglaho ng masilayan ko ang aking kapatid na may kausap, hindi kalayuan sa Punong Tanggapan. Kumunot ang aking noo ng aking mapagtanto kung sino ang kanyang kausap. Hindi ko mawari ang kanilang pinag-usapan subalit nakakatiyak ako na hindi ito nagugustuhan ng aking kapatid. Sapagkat walang mababakas na anumang emosyon sa kanyang mukha. Ano ang nais ng Prinsipeng Tagapagmana sa aking kapatid? Sinalubong ko si Prinsesa Yuuna ng magpatuloy na siya sa paglalakad. Saglit na aking sinulyapan ang Mahal na Prinsipe na nananatiling nakatayo sa kung saan siya iniwan ng aking kapatid. Ang kanyang paningin ay nakasunod sa pigura ni Prinsesa Yuuna na papalayo. Hindi ko maintindihan ang emosyon na nakapaloob sa kanyang ngiti at ang kakaibang tuwa sa kanyang mga mata. "Prinsesa Yuuna!" Ang aking bati. "Ayane! What the heck? Are alright you?" Puno ng pag-alala na kayang tanong. "You're crazy, you that right? I can believe you allow something like that to happened. You shouldn't be careless in a place you are not familiar with." Bago pa ako makasagot sa kanyang mga tinuran ay tumikhim sina Ami at Yoshie ng sabay. Nagkatinginan pa sila at sabay na ngumiti. Humarap si Ami sa aming magkapatid. "Prinsesa Yuuna, nakikiusap po ako. Nasa Palasyo kayo ng Imperyo at wala sa Kaharian ninyo. Kaya pakiusap po, sumunod naman kayo sa batas." Parang naiiyak na pakiusap ni Ami. Kaawa-awang Ami at nagkaroon ng pinaglilingkuran na matigas ang ulo. "Tama si Ami, Prinsesa Yuuna. Mahigpit na ipinagbabawal dito ang pagsasalita ng banyagang lenggwahe. Kaya ako man ay nakikiusap na kung maaari, kahit sa pagkakataon lamang na ito, sundin po ninyo ang batas ng Palasyo ng Imperyo. "Itigil na muna ninyo iyan." Ang aking sabi. "Tayo na muna sa a loopking tahanan upang kayo ay makapagpahinga. May kalayuan din ang inyong nilakbay mula sa Punong Lungsod." Baling ko kay Prinsesa Yuuna. Tumango lamang siya bilang kasagutan. Tahimik naming tinuntun ang daan patungo sa aking tahanan. Sa aming pagdating ay may nakahanda ng pagkain at mainit na tsaa. Sinabihan ko din si Shuji na magbantay ng maigi sa paligid at walang hahayaan na makalapit sa aking tahanan. Hindi ko maiiwasang mag-isip na maaaring may magmanman sa aming kilos. Natitiyak ko na mahalaga ang pakay ni Prinsesa Yuuna sapagkat hindi siya paparito kung ang gagawin lamang niya ay ang pagalitan ako sa aking kapabayaan. "Ano ang dahilan ng iyong pagparito, Mahal kong kapatid? At hindi ko inaasahan na iyong kasama si Aike." Ang aking tanong ng umalis na ang mga nagsisilbi. Tanging sina Ami, Yoshie, Shuji at Aike. "Mapilit siya kaya wala akong nagawa." Kibit-balikat na kanyang sagot. "At kailan pa napipilit ang tulad mo? Sa aking pagkakatanda walang makakapilit sa'yo maging ang ating mga magulang." Ang aking wika habang palakad-lakad. "Hindi iyan ang dahilan ng aking pagparito kaya kung maaari ay huwag na nating pag-uusapan. At huwag kang mag-alala Ayane, walang sino man ang nakaka-alam ng kung sino at ano ako sa labas ng Palasyo. Lalong walang nakakakilala kay Aike sa lugar na ito." "Nakakatiyak ba tayo sa bagay na iyan, Nee-san? Alam nating pareho na nasa paligid lamang ang mga Yakuza. At maging dito sa Palasyo sila ay may espiya. At ang mga espiyang yun, kahit minsan ba hindi nila nasilayan ang iyong mukha bilang si AJ? Ang nagtatag ng BJG at ang tagapagmana ng DC Org." Nilapit ko si Aike. "Sa iyong palagay Aike, wala bang nakakakilala sa'yo sa panig ng kalaban?" "Paumanhin Mahal na Prinsesa, hindi ko tiyak ang bagay na iyan." "Tama na iyan, Ayane." Away ni Prinsesa Yuuna. "Ang aking nais na pag-usapan ay ang tungkol sa paglason sa'yo." Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. "Naging labis akong pabaya sa aking paninirahan dito, Nee-san. Subalit aking pinapangako na hindi na mauulit pa ang pangyayaring iyon. Magiging maingat na ako sa lahat ng pagkakataon." "Natutuwa akong marinig iyan. Matuto ka sa mga pangyayari at huwag mong hayaan na malamangan ka ng mga kalaban. At habang kami ay naririto, magsasagawa kami ng lihim na pag-iimbestiga upang matukoy na ang tunay na may sala, ang salarin ng paglason sa isang maharlikang katulad mo. Ang lakas ng kanyang loob upang magsagawa ng krimen sa loob mismo ng Palasyo ng Imperyo." "Narito lang sa Palasyo ang may sala, Nee-san. At may mga tao akong pinagdududahan. Hanggang ngayon ay palihim pa ring pag-iimbestiga si Shuji. Hindi lang siya makakilos ng maayos ayun sa kagustuhan niya sapagkat kasama niyang sa lihim na pag-iimbestiga ang punong bantay ng Mahal na Prinsipe." "Ang Mahal na Prinsipe?" Kumunot ang kanyang noo sa anyong hindi naniniwala. "At bakit niya naman ginagawa ang bagay na iyon?" "Sa aking palagay ay nais ni Prinsipe Daiki na matukoy kung sino ang kalaban at sino ang kakampi. Sa pagtuklas niya ng may sala ay magkakaroon siya ng malaking pagbabasehan kung sino-sino ang karapat-dapat at hindi karapat-dapat pagtiwalaan." "Ikaw ba, Ayane, may tiwala kay Prinsipe Daiki?" "May dahilan ba upang siya ay hindi dapat pagkatiwalaan, Nee-san?" Ang aking balik-tanong. "Natitiyak ko nasa panig ng kanyang mga magulang si Prinsipe Daiki. At ang kanyang mga magulang ay kaisa ng ating Mahal na Hari sa mga layunin at isinusulong upang mapaunlad at mapanatiling mapayapa ang ating bansa. Kaya sa aking palagay ay makakabuti kung makikipagtulungan ka sa kanya." "Subalit?" Ang aking dugtong ng siya ay mag-alangan na ituloy ang kanyang mga nais sabihin. "Subalit hindi natin kilala ng mabuti ang pagkatao ng Prinsipe. Nakarating sa aking kaalaman na isa siyang lagalag." Nagpabalik-balik siya ng paglalakad sa aming harapan. "Magsabi ka sa akin ng totoo, Nee-san. Hindi dito ang unang pagkakataon na nagkita kayo ni Prinsipe Daiki, tama ba? At kung hindi ako nagkakamali ay matagal na kayong magkakilala." "Tama ka, hindi ito ang unang beses naming pagkikita. May ilang pagkakataon na din na nagkikita kami ng hindi sinasadya sa isang lugar. At madalas niyang pinakiki-alaman ang aming transakyon. Subalit nakakatiyak ako na hindi niya alam na ako si AJ. Sa kanyang pananalita kanina may palagay ako na nitong huli lamang niya natuklasan ang pagiging Prinsesa ko at bahagi ng Kaharian ng Daichi." Ako ay kanyang binalingan at tinitigan ng mataman. "Aminin mo sa akin Ayane, nasilayan ba ni Prinsipe Daiki ang iyong mukha?" Marahan akong tumango bilang patotoo sa kanyang sapantaha. "Ang Mahal na Prinsipe ang unang dumalo sa akin ng nakikipaglaban ako sa lason. Siya ang unang nakatuklas sa aking karamdaman. Ipagtanggol niya ako sa mga Opisyal at Ministro na nagtangkang patalsikin ako. Naroon siya ng mga oras na kailangan ko at inalagaan ako." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ng at bahagyang pag-ismid ni Prinsesa Yuuna. Hindi ko talaga mawari king bakit ganito siya pagdating sa Mahal na Prinsesa. Nasaksihan ko din kanina ang hindi magandang pakikitungo niya rito. "Humahanga ka ba sa Prinsipe, Ayane?" "Maaaring ganoon nga, Nee-san. Subalit hanggang doon lamang iyon." Malungkot akong tumingin sa malayo. Sumagi na naman siya sa aking isip. "Sapagkat batid ko sa aking sarili na isang lalaki lamang ang laman ng aking puso." Umabot sa aking pandinig ang pagbuntong-hininga ng aking kapatid. Alam niya kung sino ang aking tinutukoy. "Ikinatutuwa ko na sanang malaman na humahanga ka sa Prinsipe. Dahil kung may ganoon kang damdamin sa kanya umaasa akong matutunan mo siyang mahalin at maging masaya ka sa piling niya. Kapag nagkataon mababawasan ang aking labis na pag-alala. Subalit agad mo lamang pinatay ang kunting pag-asa na aking nakikita." "Patawa, Nee-san, subalit naging tapat lamang ako sa aking damdamin. Kahit kailan at kahit anong mangyari hinding-hindi mapapalitan si Chase dito sa aking puso. At mamahalin ko siya sa paraang alam ko, kahit alam ko na masasaktan lamang ako, maging siya." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. Hinarap niya ako at tiningnan sa mga mata. "Kaya labis kitang ipinagmamalaki, Ayane. Nagawa mong isakripisyo ang iyong kaligayahan upang gampanan ang iyong tungkulin." "Hindi ko pagsisisihan na ito ang aking pinili dahil alam para ito sa kapakanan ng nakararami." "Tama na nga ang ganitong usapan." Nakangiting wika niya na sinagot ko ng isang tango. "Paano ka nga pala bumaling agad? Ayon sa balitang natanggap ko ay nanganganib ang iyong buhay." "Pinangasahan ni Zander ang pumarito upang ihatid sa akin ang gamot na ginawa sa laboratoryo ng Germany." Nakangiti na aking tugon "Kahit kailan ay hindi ka talaga matitiis ni Zander. Batid natin na bihira lamang niyang ipaalam sa iba na siya ang magiting na Heneral Rin ng Kaharian ng Daichi." Napapa-iling na kanyang wika. "Natutuwa ako ng siya mismo ang naghatid ng gamot. Subalit nagpumilit si Chase na sumama sa kanya." Kunot-noong bumaling siya sa akin. "Nakapasok si Chase dito sa Palasyo?" Hindi niya magawang itago ang pagkagulat. "Oo, at hindi lang iyon. Natuklasan na din niya ang tungkol sa kanyang ama at sa DC Org. Siya ang nag-abot sa akin ng aklat ng impormasyon noong lumabas ako ng Palasyo kasama ang Mahal na Prinsipe. Hangad niyang makita at makilala ang tagapagmana ng organisasyon. Nais ka niyang makaharap, Nee-san." "Hindi ko inaasahan na panahong ito ipapaalam sa kanya. Nagkausap ba kayo noong nandito siya?" "Sandali lamang, noong pagdating nila rito. Dinalaw niya ako ng palihim sa aking silid bago sila lumisan. Muntikan na siyang mahuli ng pabalik na siya sa kanilang tinutuluyan. Mabuti na lamang at pinansundan ko siya kay Shuji." "Kahanga-hanga ang kanyang katapangan. Nalulungkot ako kapag na-iisip ko na nagkalayo kayo dahil sa responsibilidad na naka-atang sa iyong balikat. Nanghihinayang ako sa inyong pag-ibig." "Alam ko subalit hindi na magbabago pa ang aking pasya." "Huwag kang mag-alala Ayane, magtatagumpay ka. Ikaw ang magiting Emperatris at magagawa na nating puksain ang mga Yakuza na nagtatago dito sa Palasyo." Pampalakas loob ni Prinsesa Yuuna habang hawak ng mahigpit ang aking mga kamay. "Maraming salamat, Nee-san." "Walang anuman. Ngayon, umpisahan na natin ang pagtuklas sa salarin." Binitiwan na niya ang aking mga kamay at tinatawag si Shuji. Inalam niya dito ang lahat ng nangyari at ang ginawang imbestigasyon ni Shuji at ni Pinunong Kizu. Nakikinig lamang ako sa kanilang pinag-uusapan. Napapa-iling na nakatingin kay Prinsesa Yuuna. Hindi siya nag-aaksaya ng panahon, kahit hindi pa siya nakakapagpahinga, pinagtuunan na niya agad ng pansin ang pagtuklas sa may sala. Prinsesa Yuuna POV Madilim na ang paligid. Ilang oras na din ang lumipas mula ng ako ay dumating sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking paningin sa aking kinaroroonan. Nandito ako sa likod ng tahanan ni Ayane at nakaupo sa gitna ng mga bulaklak. May maliit na Hardin sa likuran ng kanyang tahanan kaya naisipan ko na dito magpahangin sandali. Hindi ako makatulog sa hindi ko malamang dahilan. "Prinsesa Yuuna, malalim na ang gabi, bakit hindi pa kayo nagpapahinga?" Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Shuji kasama si Aike. "Nais ko lamang magpahangin. Hindi ako makatulog sa aking silid. Tulog na ba si Ayane, Shuji?" "Opo, Mahal na Prinsesa. Galing ako sa kanyang silid bago nagtungo rito. Mahimbing na siyang natutulog marahil ay bumabawi pa rin siya ng lakas sapagkat ilang araw pa lamang ng siya ay tuluyang gumaling." "Mabuti kung ganoon." Tumayo na ako at tinanggalan ng dumi ang aking kasuutan. "Sa aking palagay ay mga nagbabantay na lamang na kawal ang gising sa mga oras na ito. Samahan mo ako Aike, may dadalawin tayong mahalagang tao sa kalaliman ng gabi." "Roger that, AJ." Mahinang sagot ni Aike. Wala anuman na naglakad ako patungo sa kanyang tahanan kasabay si Aike. Makita man kami ng mga kawal ay walang magtatanong. Maaari nilang isipin na nag-iikot lamang ako sa buong Palasyo. Tahimik na ang tahanan na aming pakay, sa aking palagay ay natutulog na. Nilapitan ni Aike ang nagbabantay sa may pinto. "Ipaalam mong nandito si Prinsesa Yuuna at nais makausap ang Binibini." Utos ni Aike dito. Ilang sandali pagkatapos ipinaalam ang aming pagdating ay bumukas ang pintuan at kami ay inanyayahang pumasok ng isang taga-lingkod. Pagpasok ay agad kung nakita ang Binibini ng tahanang iyon. Unang tingin pa lamang ay nahihinuha ko na kung anung uri ang pagkatao niya. "A spoiled brat, rich girl!" I murmured. "Wala akong inaasahang panauhin." Ang kanyang bungad. "At hindi ko kayo kilala. Anung pakay ninyo sa akin at ginambala ninyo ang aking pamamahinga?" "Ako si Prinsesa Yuuna, Binibining Hanata, tama ba?" Ang along wika habang nananatiling nakatayo sa kanyang harapan. "Ako nga." Ang kanyang sagot. "Kapatid ako ni Prinsesa Yuki. At naparito ako dahil sa kapangahasan mo." Tiningnan ko siya ng matalim. "Napakalakas ng iyong loob na ipag-utos na lasunin ang aking kapatid." "Paanong --?" "Nagtataka kung bakit ko natuklasan? Your face said it all, girl, the moment I mentioned poison." Marahan akong lumapit patungo sa kanya habang siya ay umaatras. Bakas ng takot at pagkalito sa kanyang mukha. Natatakot siya sa mabalasik kung tingin sa kanya. "Nararapat lamang sa kanya ang aking ginawa sapagkat hindi siya nararapat dito sa Palasyo." May bahagyang panginginig sa boses na kanyang wika. Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Mahigpit na hinawakan ko ang kanyang panga at hinarap sa akin ang kanyang mukha. "Binabalaan kita, Mizane, sa oras na may masamang mangyari sa aking kapatid, kahit magkaroon lamang siya ng maliit na sugat at may kinalaman ka babalikan kita. You don't know me and you don't know what I can do. I can kill you right this instant if I wanted to. Now, do we understand each other?" Mabilis at sunud-sunod siyang tumango. Pasalya ko siyang binitawan sa sahig. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya pagkatapos, tumawag siya ng kawal at pinadakip kami. Subalit bago pa man makalapit sa akin ang kanyang mga bantay ay pinatulog na ni Aike ang mga ito. Namangha siya sa nangyari at gulat na napatingin sa akin. "Do you really wish to be killed? Your lucky I don't have a plan to do that. Because I will let my sister play her revenge with you." Tumalikod na ako at walang anuman na tinungo ang pinto. Pinagbuksan ako ni Aike ni pintuan subalit bago pa ako tuluyang nakalabas ay may pahabol si Mizane na ikinataas ng aking mga kilay. "Napag-uutosan lamang ako. Si Reina Wakamoto, siya ang nagplano ng lahat. Sa kanya galing ang utos na lasunin ang si Prinsesa Yuki. Nakipagtulungan lamang ako sa kanya." Reina Wakamoto, huh? Hindi na ako sumagot at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon. Walang akong pakialam kung magsusumbong siya sa aking ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD