This is a Sneak Peek Chapter and a Filler. Although we can say that it's still part of the story, we also can omit this one. This will only affect the story a little. I just want to give you a glimpse of Princess Yuuna or Jhane Arianne, AJ of BJG. This part will be all about her, straight from her Point of View. As she will have a great impact on this story.
Don't be confused. Shandra's sister and brother are calling her Ayane while she's in the Palace since her Princess name is Yuki Ayane Rei.
AFLW 17: Prinsesa Yuuna
***
Prinsesa Yuuna/AJ POV
I continuously press the horn of my car, waiting impatiently for someone to open the gate. I can imagine Kaira shaking her head in disapproval of my action. And the amusement of the three, Aike, Takashi, and Akiro. They are my loyal subordinate, except, of course, Zander my second-in-command, and the Archon.
My men are trailing behind me, we just came from Thailand for a business deal that went well. I prefer to drive than have someone to drive for me. And I don't want any men assigned with me when I go around places, except if I have to go to a business deal. It's best to be secure in dealings in the black market.
I recklessly park my car in front of the house on our base. No one attempt to open my car door, they are aware that I don't like it. I put my sunglasses in my head and toss the key to my men that waiting in the side. They will take care of my car.
Kasunod ko na ang tatlo ng pumasok sa loob ng base. Naiwan si Kaira dito sa base dahil ang tatlo naman ang nakipag-deal. Si Kaira ang nagsisilbing spokesperson ng grupo. At siya ang representative kapag my underground event na kailangang daluhan. Pero kapag deals na ang usapan, si Takashi, Akiro at Aike ang humaharap. Nasa likod lang ako, nakikinig at nag-a-approve kung kailangan.
"Welcome back, AJ." Bati ng mga tauhan na nakakasalubong ko.
I preferred to be called AJ than a master, boss, or anything called for a superior. I want to establish fairness within the group.
Sinalubong kami ng nakangiting Kaira. May hawak-hawak pa siyang telepono sa kamay. At mukhang maraming ginagawa.
"Welcome back AJ." Bati niya sa akin bago binalingan ang tatlo. "You three, too."
"Tch! Nawawala talaga ang mga pangalan natin kapag magkasama tayo." Naiiling na reklamo ni Aike.
"Kaya nga mas gusto ko na lang mapag-isa." Ani Akiro.
Hindi ko sila pinansin at nagsimula ng lumakad patungo sa ginagawa kung opisina. Habang nakasunod naman si Kaira sa akin.
"Is there something happen while we are out, Kai?" I ask.
"Nothing much, AJ. Just confirmation of some dealings. Let me get the full report first."
"I see. I'll be in my place." I hate to call it office. Besides office is only fit for a business operating legally. And I hate the office because it's boring.
Pasalampak akong umupo at patamad na sumandal saka pumikit. Isang buwan din kaming nanatili sa Thailand. Pero bago yun nagliwaliw muna ako ng Japan. Kumusta na kaya si Ayane ngayon? At ang note na binigay ko sa Crown Prince, malamang nag-iisip iyon ng tungkol doon. Hangga't nasa pangangalaga nila si Ayane o mananatili silang kaalyado ng Kaharian ng Daichi. Nasa likod nila lagi ang Dark Circle at BJG, handang tumulong ano mang oras.
I sigh and slowly massage my temple. I've been out for more than three months that I feel the need to rest. In a few days, I need to travel again. I'm going back to the Philippines to check the situation in CAU. This is what you get being the firstborn of a Davies. Firstborn means everything will fall on your shoulder. Trying to divide your time supervising the business that you handle. It's a good thing that they only give me the CAU to handle. And my father didn't force me to do my duty as an Heiress of Dark Circle. I'm still enjoying doing my part with the gang I created, although it's officially under DC Org.
I am also thankful that Zander decided to stay in the Philippines. I can rest assure that someone I can really trust supervising GSU. He's also a big help with Davies's businesses, being the legally adopted son of my parents. Since Shirou is the rightful heir of the throne of Daichi Kingdom, he can't focus on our business. Without Shandra to aid us, Zander is a big help and a brother we all wish for.
Humarap na ako sa computer at nagsimula ng magbasa ng mga personal message na naipon ng mawala ako. Ang iba ay galing lang sa mga kaibigan na nangungumusta. Mga imbetasyon ng kung ano-anong party. Nothing interesting at all.
One message caught my attention. It was sent to my personal account as AJ. This account was only known by DC Org Keys. And the message was sent by February. I frown. Is there something they need from me? Is something happen in Mexico?
I open the message only to be shocked at what I read. What the hell?
Napatayo ako sa aking kinauupuan at malakas na ibinagsak ang nakuyom kung kamao sa mesa. Nagngingitngit sa galit ang mga bagang. Paano nangyari ang bagay na ito? Sino ang naglakas loob na gawin ang ganito kay Ayane? Humanda siya kapag nalaman ko kung sino siya.
Nagulat si Kaira ng pabalya kung binuksan ang pinto at nilagpasan siya. Mabilis ang mga hakbang na tinunton ko ang labas ng base.
"Hey, AJ, what's the matter?" Habol ni Kaira sa akin.
Hinarap ko ang isang tauhan na nakasalubong ko. "Prepare my care, asap."
"Yes, AJ." He said and hurriedly turn around to follow my order.
"Where do you think you're going? You just came, AJ." Kaira blocked my way.
"I'm going to the Imperial Palace. Now, out of the way Kai."
"No. You can't go, AJ." She shook her head. "You have a deal tonight."
"Let either Takashi, Akiro, and Aike handle that deal."
"They can't. The other party wants to deal with you personally and you approved this months ago."
"I don't care, Kai. I really have to go. You can call Zander if you want. And let him handle the deal you're talking about. Or better cancel it."
"We will lose billions if we cancel this, AJ."
"I don't f*****g care." I can't help but shout at her. I sigh. "Look, I'm sorry okay? I didn't mean to shout at you. But I really need to go to the Imperial Palace right now. Something happened to Shandra. And she's worth more than those billions I can get from that deal." I leave her there speechless.
"I'll inform them to ready the Lear Jet." Sabi ni Kaira bago pa man ako tuluyang makalayo. Tumango nalang ako bilang sagot.
Nasa tabi ng nakahandang sasakyan ang tatlo at mukhang ako talaga ang inaabangan.
"Help Kaira here." Inunahan ko na sila bago pa man sila makapagsalita.
"Whether you like it or not, I'm going with you." Aike firmly said.
Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Napabuga ako ng hangin ng hindi siya matinag. At kahit bugbugin ko pa siya ipagpipilitan niya pa ring sumama. Wala akong panahon makipag-argumento kaya tumango na lang ako.
Takashi tap his shoulder and nodded. "I know you're going to say that. I want to, but looking at her right now I know I have to stay here."
"I'm also staying here. Take care of her Aike. Don't let her do stupid things." I heard Akiro said. I let him pass just this once.
Hindi ko pinansin ang galit na tingin ng mga tao ng lumabas ako ng kotse pagdating ng airport. Kahit hindi ko narinig alam ko na nakakabingi ang sagitsit gulong ng bigla kung pagpreno sa harap nila. Nakasunod ang sasakyan ng tauhan ko na magdadala sa kotse ko pabalik ng base.
Mabilis kaming nakarating ni Aike ng Japan. Galing airport ay dumiretso kami ng Tokyo Mansion. Sinalubong kami ng tagapamahala ng buong kabahayan.
"I need to go to the Imperial Palace. Make sure that everything's ready." Utos ko sa aking taga-lingkod. Dito siya mananatili sa Tokyo Mansion para mas convenient.
"Prinsesa Yuuna, nais ko lang po ipaalala sa inyo na nasa lugar po kayo kung saan may batas na bawal magsalita ng lengwaheng banyaga." Paalala ng aking taga-lingkod.
"I don't have time with that, Ami. I don't want to waste time so, please do what I said."
"Masusunod po, Mahal na Prinsesa." Ami bowed her head and leave to prepare my things.
Ilang minuto lang nakabihis na ako ng tradisyunal na damit na nararapat sa isang Prinsesa. Kasusuutan na ni minsan ay hindi ko pinapangarap na laging isuot liban sa mga pagkakataon na kailangan tulad nito. Nakaharap ako ngayon sa salamin at naglalagay ng palamuti sa mukha.
"Ano ang nagtulak sa inyo upang pumasok ng Palasyo ng Imperyo, Kamahalan?" Tanong ni Ami habang ng nag-aayos ng aking buhok. "Napakahalaga ba ng iyong pakay upang magawa mong isuot ang mga kausutang ito ng walang kahit anong salita ng pagtutol?"
"I received the news that someone tried to kill Ayane inside the Imperial Palace. That's enough reason for me to enter there and wear these damn clothes without saying anything."
"Subalit handa ka na bang harapin siya, Mahal na Prinsesa?" Tumingin siya sa akin sa salamin.
Sinalubong ko ang kanyang paningin. "Who do you mean?"
"Alam mo kung sino ang aking tinutukoy, Kamahalan." Binawi na niya ang kanyang tingin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking buhok.
"What do you think the reason why I am putting this thing?" Itinuro ko sa kanya ang make-up sa aking harapan.
"Hindi ko inaakala na may kinatatakutan din pala ang isang Prinsesa Yuuna." Binitawan na niya ang aking buhok bago pa man ako makasagot sa kanyang sinabi. "Titingnan ko lang kung ayos na ba ang lahat upang tayo ay maka-alis na Kamahalan. Isang bagay pa pala. Pakiusap, Prinsesa Yuuna, sumunod po kayo sa batas pagdating natin sa Palasyo ng Imperyo."
"I can't promise you that, Ami." Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya. Bumuntung-hininga na lang siya bago tuluyang tumalikod.
***
"Napakapalad ng aking Palasyo sapagkat kami ay binibisita ng mga natatanging panauhin mula sa Kaharian ng Daichi. Nandito sa Palasyo at isa sa mga babaeng pagpipilian ang nababalutan ng misteryo na si Prinsesa Yuki. At nitong nakaraang linggo, bumisita naman ang magiting na si Heneral Rin. At ngayon, nandito sa aking harapan ang mailap na si Prinsesa Yuuna." Wika ng Emperador.
Kasalukuyan kaming nasa harap ng Emperador sa Punong Tanggapan. Nag-aalala si Ami na baka magsalita ako ng hindi naaayon sa batas kaya mas pinili niyang maunang magsalita.
"Ipagpaumanhin ninyo, Kamahalan, ang biglaang pagparito ng Mahal na Prinsesa Yuuna. Nais lamang pong dalawin ng Prinsesa ang kanyang kapatid na si Prinsesa Yuki."
"Tungkol ba ito sa nangyari kay Prinsesa Yuki?" Marahan akong tumango. "Paumanhin sa aming kakulangan. Hindi namin nagawang pangalagaan ng maayos ang Prinsesa."
"Nangyari na ang mga bagay kaya wala na tayong magagawa pa roon, Kamahalan." Ang aking sagot bago pa maisipan ni Ami na unahan akong magsalita. "Ang nais kung malaman ay kung nahuli na ba ang may sala."
"Patuloy ang pag-iimbestiga upang maparusahan ang may kagagawan ng lahat ng ito."
"Umaasa ako na may maparusahan, Kamahalan. Kung hindi ninyo mamasamain ay nais ko na sanang makita ang aking kapatid."
Tinawag ng Emperador ang isa niyang taga-lingkod. "Ihatid si Prinsesa Yuuna sa tahanan ni Prinsesa Yuki."
"Masusunod po, Kamahalan."
Sumunod na kami sa taga-lingkod na maghahatid sa amin patungo sa tirahan ni Ayane. Nasa kaliwa ko si Ami habang nasa kanan naman si Aike. Sa aming likuran ay iilang kawal na nagsisilbing aking bantay.
"Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng sumunod ka sa batas, Prinsesa Yuuna." Bulong ni Ami.
"That's what you think, Ami. I just know my place in front of an Emperor." Pabulong ko ding sagot na nakataas ang kilay.
"Huwag mo naman akong pakabahin, Mahal na Prinsesa. Hindi ko hangad ang maparusahan."
"Don't worry Ami, no one will punish you." Pampalubag loob ko.
Bago pa man kami makarating sa tahanan ni Ayane ay may humarang na sa aming daanan.
"Maligayang pagdating sa Palasyo, Prinsesa Yuuna."
"Eiji.."
Hindi na ako nagulat na makita siya dito. Matagal ko ng alam na isa siyang Prinsipe. At hindi isang simpleng Prinsipe lang dahil siya ang Tagapagmana ng buong Imperyo.
"Sinong mag-aakala na aking matagal na palang kilala ay ang mailap na si Prinsesa Yuuna." Ang kanyang sabi.
I smirk. "So? Are you expecting me to be shocked by your realization?"
Naranig ko ang pagsinghap ng lahat. Ang pagpipigil ng tawa ni Aike. At ang hindi mapalagay na si Ami.
"Maaari kang maparusahan sa iyong paglabag sa batas ng Palasyo, Mahal na Prinsesa." Nabasa ko ang pag-alala sa kanyang mga mata.
Umismid ako. "Should I be afraid? Do you think I care those damn rules?"
"Napakatapang mo pa rin." Umiiling niyang sabi. "Kayong lahat, iwan ninyo muna kami ng Prinsesa."
Agad namang sumunod ang lahat maliban kay Aike. Tumingin pa sa akin ng nagmamakaawa si Ami. Naintindihan ko na nag-aalala siya. Subalit kahit kailan ay hindi magagamit ni Eiji ang pagiging Prinsipeng Tagapagmana niya sa akin.
"Hindi ko akalain na hanggang dito ay kasama mo pa rin siya." Tuloy niya kay Aike. "Nasaan na ang dalawa?"
"What do want from me, Eiji?"
"Matagal mo na bang alam na isa akong Prinsipe? Hindi ka man lang nagulat ng ako ay iyong makita."
"What if I said yes?"
"Kung ganun, bakit hindi mo man lang ako ginagalang?"
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. I cross my arms. "I'm not one of your subjects and I'm not bound to pay you my respect."
"Hindi ka lang mailap Prinsesa Yuuna, wala ka ding takot lumabag sa mga alituntunin. Alam mo bang dahil doon lumalim ang interes ko tungkol sa'yo?"
Tiningnan ko siya ng masama bago tinalikuran. Bago tuluyang lumayo ay may iniwan akong pangungusap.
"Yes, I am a rule breaker. I follow no rules. And I even break my own rules. But I hate people who have guts to break the rules I set."
Nilapitan ko na ang taga-lingkod ng Emperador upang tuluyang magpahatid sa kanya sa tahanan ni Ayane.
Prinsipe Daiki
Sinundan ko ng tingin ang papalayong Prinsesa. Sino ang mag-akala na ang walang awang babaeng iyon ay si Prinsesa Yuuna pala? Kaya pala magkahawig sila ni Prinsesa Yuki. Nagduda pa ako noong una, subalit ang makita siya ng harapan dito ay sapat ng patunay.
Naalala ko pa ang una naming pagkikita. Tinagurian akong lagalag na Prinsipe dahil kung saan-saan ako nakakarating. Naglalakbay ako noon sa Nepal ng may makita akong babaeng mag-isang nakikipaglaban. Malapit sa bangin ang lugar na iyon at nais ko sanang tulungan ang babae. Subalit sa aking paglapit ako naman ang kinalaban niya. Bago ko pa madepensahan ang aking sarili ay nahulog ako sa gilid ng bangin. Mabuti na lang at nakakapit ako sa isang naka-usling ugat.
Tiningnan niya lang ako, tinaasan ng kilay at tinalikuran. Hindi man lang niya ako tinulungan na maka-akyat. Dalawang lalaki na may takip ang mukha ang tumulong sa akin pagka-alis niya. Hindi ko na nalaman pa kung sino ang dalawang iyon. Ang duda ko ay kasamahan iyon ng mga nakalaban niya.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay maraming beses pa kaming nagpang-abot sa kung saang lugar. Doon ko nakita kung paano niya balewalain at suwayin ang mga alituntunin makuha lamang niya ang kanyang nais. Kung paano niya pinaikot ang mga taong walang laban sa kanya. Hindi siya mapapasusunod ng kahit sino. Wala siyang sinusunod kundi ang kanyang sarili.
Hindi ko siya tinuturing na kaibigan at hindi rin kaaway kahit pa hindi siya nag-abalang tulungan ako. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay pinipigilan ko ang kanyang ginagawa. Ipinapaintindi ko sa kanya ang kahalagahan ng isang alituntunin. Na may mga alituntunin na karapatdapat sundin. Dahil minsan ang pagsuway sa isang alituntunin ay kapalit ng isang buhay. Subalit ni minsan hindi niya ako pinakinggan. Sa mga pagkakataong iyon, sa aking palagay ay itinuring niya akong peste. Kaya siya naiinis sa akin.
"She's definitely a rule breaker. She even speaks in English in front of the Palace maid and guards without fear. She's aware that what she did will reach the Emperor and Palace officials" Napailing na lang ako. "Let's see what will you do to avoid being punished, Miss Rule Breaker."