AFLW 16: Pagharap sa Panganib
***
Chase POV
"Why are you here?" Mahina subalit mariin na tanong ni Shan. "Are you of your mind?"
"I maybe am and that's because of you." Pabulong na aking sagot.
"Your insane!" Ani Shan.
"You're right. No man in his right mind will check if the girl who hurt him repeatedly is fine. I should be angry with you for hurting me so much, even now with the situation you are in."
"But you can't because you love me that much." Nakangiti niyang wika.
Isang asar na ngiti ang umalpas sa aking mga labi. "I can't believe you can still smile at me like that."
"I'm grateful that you are here even though you don't need to."
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko matitiyak na maayos na ang iyong kalagayan. Labis akong nag-alala ng malaman ko ang nangyari." Buong tapat na aking pahayag.
"Patawad kung pinag-alala kita, kayong lahat."
"That's enough," Pamamagitan ni Zander. "Bring her back to her room." Tumango sa akin siya akin.
Ng alma ko ng bubuhatin si Shandra upang dalhin sa kanyang silid ay may pumasok na isang nagmamadaling kawal.
"Paumanhin sa aking paggambala," humarap siya kay Pinunong Shuji. "Pinuno, papunta na po dito ang Mahal na Prinsipe."
"Maraming salamat, makakabalik ka na sa iyong hanay." Tinapunan ng tingin ni Shuji si Zander ng tumalikod na ang kawal.
Ng mawala sa aming paningin ang kawal saka naman pumasok ang isang lalaking may magarang kasuotan. Sa unang tingin ay agad mong masasabi na isa siyang may mataas na katungkulan sa Palasyo. Agad yumukod ang lahat maliban sa akin at kay Zander.
Napatingin sa akin ang lalaki at agad kumunot ang kanyang boo ng makita niyang hawak-hawak ko si Shandra.
"Anong kalapastanganan ito? Bakit hinayaan ninyong mahakawan ng isang hamak na kawal ang Prinsesa?" Hinarap niya sina Shuji at Yoshie.
"Patawad Mahal na Prinsipe, subalit --" tangkang paliwanag ni Shuji subalit pinigil siya ni Zander.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag, Shuji. Isang marangal na kawal ng ating Kaharian ang may hawak sa Prinsesa at hindi karapatdapat na maliitin ng Mahal na Prinsipe." Pagtatanggol ni Zander. "Dalhin mo na ang Prinsesa sa kanyang silid upang makapagpahinga."
Tumango ako bilang tugon. Iginiya ko na si Shandra patungo sa kanyang silid.
"How dare him." Nanggigil na usal ko. "I'm going to punch that Prince's face if he will say something that's not good to hear again." Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Shan sa tiyan ko.
"Nandito ka sa Palasyo kaya wag kang magsalita ng ganyan." Saway ni Shan.
"Tch! I need to go back there. I can't stay here longer even if I want to." Paalam ko sa kanya ng maiayos ko na siya sa paghiga. "Are you sure you're alright now?"
Tumango siya. "I can manage, Chase. I'll be alright."
Maingat na isinara ko ang pinto ng kanyang silid. Tinawag ko ang isang taga-lingkod upang may magbantay kay Shandra. Nais kung matiyak na maayos lang siya at may makapagsabi agad sa amin kung sakaling susuka uli siya ng dugo.
Tahimik na tumayo ako sa tabi ng ibang kawal na kasama namin. Mataman na tinitigan ko ang Prinsipe. Ito ang lalaking maaaring maging kabiyak ni Shan. Hindi ko mapigilan na huminga ng malalim.
"Ano ang maipanglilingkod namin sa iyo, Kamahalan?" Magalang na tanong ni Zander.
"Aking nabalitaan na dumating dito sa Palasyo ang magiting na Heneral ng Kaharian ng Daichi. Nais ko siyang makilala." Wika ng Prinsipe.
"Salamat sa papuri, Mahal na Prinsipe. Isang karangalan ang makilala kayo. Ako po si Heneral Rin." Humarap si Zander dito.
"Ikinagagalak kitang makilala, Heneral. Higit pa sa aking inaasahan ang aking nakikita. Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman ang dahilan ng iyong pagparito?"
"Nandito kami sapagkat nabigo ang Imperyo na pangalagaan ang aming pinakamamahal na Prinsesa." Wika ni Zander na nagpatahimik saglit sa Prinsipe.
Napailing ako sa tinuran ni Zander. Sa ilalim ng kanyang pananalita ay puno ng pang-uuyam. Mukhang magkakaroon pa ng hidwaan ito at ang Prinsipe.
"Huwag kang mag-alala, Kamahalan hindi kami magtatagal dito. Naparito lamang ako upang ihatid ang gamot ng Prinsesa. Umabot sa amin na ayaw lisanin ng Prinsesa ang Palasyo upang magpagamot kaya kami na ang ipinadala ng Mahal na Hari." Bawi ni Zander sa kanyang unang sinabi.
"Maraming salamat kung ganoon, Heneral. Kahit anong pilit ko sa Mahal na Prinsesa ay ayaw ng magpagamot sa labas ng Palasyo."
"Ipagpaumanhin mo ang katigasan ng ulo ng Prinsesa, Kamahalan. Kapag nagdesisyon siya sa isang bagay ay mahirap na itong mabago pa."
"Napagtanto ko nga ang bagay na iyan, Heneral. Kailangan niyo pa ba ng manggagamot upang tumulong?"
"Hindi na kailangan, Kamahalan. Ako na ang bahalang magbigay ng gamot sa Prinsesa. Tinitiyak ko na susundin ko ang lahat ng bilin ng manggagamot na gumawa ng gamot."
"Aalis na ako upang magawa mo na ang iyong pakay. Subalit isang pakiusap lang, Heneral. Iba ang batas dito sa Palasyo ng Imperyo. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kawal ang hawakan ang mga may dugong bughaw. Upang makaiwas sa anumang parusa ay iminumungkahi ko na sana sundin niyo ang batas dito habang kayo ay naririto. Hanggang sa muli, Heneral." Mahabang paalala ng Prinsipe.
"Hanggang sa muli, Kamahalan." Paalam ni Zander. Tumalikod na ang Prinsipe at tuluyang umalis sabulit nag-iwan pa siya ng mga tagubilin kina Yoshie at Shuji na hindi na namin narinig.
"I'm sorry Chase, but I can't let you near Shandra again. Not under the eyes of people surrounding her house. We're aware that their loyalty will always be with the Prince." Mahinang pahayag ni Zander ng lumapit ako sa kanyang kinatatayuan.
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamay. "Damn their rules." Hindi ko mapigilang manggigil sa pagkaasar. Bakit kailangang may diskriminasyon sa mga ganitong lugar? Bakit hindi maaaring maging pantay-pantay ang lahat?
Tinapik ni Zander ang balikat ko bago siya pumasok sa silid ni Shan upang ibigay na marahil ang gamot. Nagpasya akong lumabas ng tahanan. Nilibot at pinag-aralan ko ang buong paligid. Hindi nagtagal ay tinawag na ako ng isa pang kawal na aming kasama. Nakahanda na daw ang tahanan na aming tutuluyan kaya maaari na kaming magpahinga. Ininkot ko muli ng tingin ang paligid bago sumunod sa kawal.
Wala pa si Zander ng dumating kami sa aming tutuluyan. Maaaring nasa silid pa rin siya ni Shandra hanggang ngayon. Pumasok ako sa isang silid at ibinagsak ang aking sarili sa higaan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang magpahinga kahit sandali.
Prinsipe Daisuke POV
"Nabalitaan ko narito ang magiting na Heneral ng Kaharian ng Daichi Kamahalan. Ano ang kanyang pakay." Agad na aking tanong ng makaupo ang Mahal na Prinsipe sa kanyang upuan.
"Naparito siya upang tingnan ang kalagayan ng Prinsesa." Ang kanyang sagot. Nagsimula na siyang magbuklat ng mga ulat.
"Kumusta na ang kalagayan ng Prinsesa? Nakumbinsi mo na ba siyang magpagamot sa labas ng Palasyo?"
Binitiwan niya ang kanyang binabasa at tumingin sa akin.
"Hindi na kailangang lisanin ng Prinsesa ang Palasyo sapagkat ayon kay Heneral Rin ay dala siyang gamot para sa Prinsesa. Kapag bubuti ang kalagayan ni Prinsesa Yuki ay hindi na tayo mangangamba."
"Isang magandang balita yan. Ayon sa isang tagapagbalita malapit ng umuwi si Ina. Tayo ang mananagot kapag naabutan niya sa ganitong kalagayan si Prinsesa Yuki."
"Yan din ang inaalala ko." Ibinalik na niya ang kanyang atensyon sa binabasa.
"Marami bang kasama ang Heneral? Hamunin ko kaya siya sa isang duwelo? Ano sa palagay mo?" Nakangisi akong tumingin sa kanya.
"Sa aking palagay ay mas mainam kung manahimik ka na lang, Daisuke." Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Iilang kawal lamang ang kanyang kasama subalit may isang kawal ang kumuha ng aking atensyon."
"Ano ang iyong ibig sabihin?" Interesado kung tanong.
Sumandal muna siya sa upuan bago sumagot. "May kakaiba sa kawal na iyon. At nais ko itong malaman bago pa man sila lumisan. Aalamin ko ang ugnayan niya sa Prinsesa sapagkat may pakiramdam ako na malapit sila sa isa't isa."
"Sabihin mo kung nagkamali lamang ako ng sapantaha, Kamahalan. Naninibugho ka ba sa taong tinutukoy mo na malapit sa Prinsesa? Sinasabi mo bang unti-unti mo na 'siyang' nakalimutan?" Nang-aasar na wika ko habang mataman siyang tinitigan upang malaman ko ang kanyang reaksyon.
Tumayo siya at naglakad palapit sa nakabukas na bintana. "Hindi ko pa 'siya' nakakalimutan at mas lalong hindi ako naninibugho. Masyado lang maraming lihim ang Prinsesa na nais kung matuklasan upang makilala siya ng mas mabuti. Upang malaman ko kung karapat-dapat ba siyang pagkatiwalaan at pag-alayan ko ng aking pangalan. Kung magiging isa ba siyang mabuting Emperatris pagdating ng araw."
"Malayo pa man subalit sa aking palagay ay nakapili ka na, Kamahalan. Hangad ko na sana ay tama ang iyong maging pasya." Tumayo na rin ako at tinungo ang pinto. "Paalam kapatid, hahanapin ko pa ang aking kaligayahan." Biro ko bago tuluyang umalis.
Marahan akong naglalakad pabalik ng aking tahanan habang nag-iisip ng susunod na hakbang na maaari kung gawin upang matagpuan na ang babaeng matagal-tagal ko na ring hinahanap. Napatigil ako saglit sa tahanan na tutuluyan ng mga panauhin ng tumapat ako dito.
Napasinghap ako ng isang pamilyar na mukha ang nakitang nakaupo sa balkonahe. Nagmamadali ko itong nilapitan. Hindi inaasahan na makikita siya dito sa Palasyo.
"Hindi ko alam na isa ka palang kawal ng Kaharian ng Daichi." Bumalatay sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat ng malingunan ako.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Ang kanyang tanong
"Hindi ko nabanggit subalit isa akong Prinsipe. Ako ang pangalawang anak ng Emperador at Emperatris, si Prinsipe Daisuke."
"Ipagpaumanhin mo kung hindi agad napag-alaman ang iyong tunay na katauhan, Prinsipe Daisuke." Salat sa emosyon na kanyang wika. Batid ko na napipilitan lamang siya. Una pa lang alam ko ng mabigat ang loob niya sa akin.
"Ayon sa ulat mula sa aking inupahan ay isang ka lamang simpleng mag-aaral ng paaralan na nasa ilalim ng pangngalaga ng inyong Kaharian."
"Hindi ko inaasahan na magsasaliksik ka ng tungkol sa akin, Mahal na Prinsipe. Ano ang iyong nais?" Nakataas ang sulok ng bibig na kanyang tanong.
"Nais kung malaman kung saan ko maaaring makita si Shandra."
Pansamantala siyang natigilan bago sumagot. "Kung inyong mamarapatin, maaari mo bang ipaalam sa akin ang dahilan at nais mong makita siya si Shandra?"
"Ang dahilan ay sa akin na lamang. Isa ka lang kawal kaya marapat lamang na ibigay mo sa akin ang aking nais."
"Maaaring isang hamak na kawal lamang ako, Mahal na Prinsipe. Subalit wala ako sa ilalim ng iyong pamumuno kaya magagawa ko na hindi ibigay ang iyong nais." Bumaba siya sa kanyang kinauupuan at bahagya yumukod. "Ipinatawag na ako ng aking Heneral kaya maiiwan na kita."
Mukhang mali ang paraan ng aking pagtatanong. Hindi ako dapat nagmataas dahil ako ang may kailangan sa kanya. Nakakapagtaka lang na hindi ipinaalam sa akin na isa pala siyang kawal. Mahalagang bagay ito kaya hindi maaaring nakalimutan lamang. Kailangan kung makausap muli ang taong inupahan ko upang alamin ang mga bagay tungkol kay Chase Scamper.
Chase POV
Tatlong araw at dalawang gabi na kaming nandito sa Palasyo. Subalit hindi ko na nakita at nakausap muli si Shan maliban noong unang araw ng aming pagdating. At hindi na siya lumabas pa o pinayagang lumabas ng manggagamot sa kanyang silid. Walang ibang pinahihintulutan na pumasok sa kanyang silid kundi si Zander.
Bukas kailangan na naming umalis. Ayon kay Zander ay ligtas na siya sa kapahamakan at bumubuti na ang kanyang kalagayan. Subalit nanatili pa rin ang mahigpit na pagbabantay sa kanyang tahanan sapagkat hindi pa malinaw kung sino ang nagtangka sa kanyang buhay.
Malalim na ang gabi subalit nananatili pa rin akong gising. Napakailap sa akin ng antok nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin maiwasang isipin ang pag-uusap namin ni Hideki na nalaman ko lang na isa palang Prinsipe. Nakakapagtakang hindi niya batid na si Prinsesa Yuki at Shandra ay iisa. Nais kung makausap si Shandra upang magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa aking isipan. Nais ko rin siyang makita at makasama kahit sandali bago kami lumisan.
Sa maingat na galaw at hakbang ay lumabas ako ng aming tinutuluyan. Palihim akong pumasok sa tahanan ni Shandra. Tiniyak ko na hindi ako mahuhuli ng mga nagbabantay na kawal. Naabutan ko na natutulog ang mga taga-lingkod na nagbabantay sa labas ng silid.
Walang yabag na sila ay aking nilagpasan at tahimik na binuksan ang pinto ng silid ni Shandra.
"Sino ang nandiyan? Yoshie ikaw ba ang nariyan?" Tanong ni Shandra. Bumangon siya at umupo.
Agad akong nagbabala na huwag siyang maingay kung hindi niya nais na may makahuli sa aking pagpuslit sa kanyang silid.
"Bakit ka narito? Malalim na ang gabi, paano kung may nakakita sa'yo?"
"I made sure no one sees me." Bumuntung-hininga ako saka umupo sa kanyang harapan. "I just wanted a see you before we leave. I know that I won't have a chance if I won't sneak in."
"Ayokong mapahamak ka kaya mas mabuting sumunod na lang tayo sa batas ng Palasyo."
"How are you now, Shan? How do you feel?"
"I'm fine, Chase. Thanks for the antidote from Germany Lab." Hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos. "Is it okay with you to be part of DC Org?"
"I was just shocked at first when I learned everything. I just can't believe how connected our lives are. That I have to be beside the DC Org Heir, whatever it takes in the future. But I haven't met the Heir yet."
"It's because they haven't announced who is the successor yet. Although we all know that it's Ate Yen. I'm sorry if fix tells you the truth about the DC Org."
"No need to be sorry. We already talked about this three months ago. I only wanted to make sure you will be fine, that's why I decided to come here with Zander."
Tumango lamang siya bilang tugon. Pagkatapos ay nagkwentuhan na lang kami sa mahinang boses. Ng sumapit ang madaling araw ay nagpasya akong bumalik na sa aming tinutuluyan. Bago pa matuklasan ni Zander na nilabag ko ang mahigpit niyang utos.
Mahigpit kung niyakap at mariin na hinalikan si Shandra sa noo bago ako lumabas. Gaya ng ginawa ko ng pumuslit ako papasok maingat din akong pumislit sa labas. Akmang tatalon na ako sa maliit na pader ng tumama sa akin ang ilaw na dala ng isang kawal habang nag-iikot sa paligid.
"May taong pumasok sa tahanan ng Mahal na Prinsesa." Sigaw niya sa mga kasamahan.
"s**t!" Mabilis akong tumalon at naghahanap ng mapagtataguan. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis naipaalam sa mga kawal ang pangyayar. Naging alerto na ang lahat ng kawal at tinitingnana lahat ng sulok. Saan man ako bumaling ay may mga kawal na tumakbo.
Dahan-dahan akong lumabas sa akin pinagtataguan. Nakayuko at walang ingay kung tinakbo ang kabilang gusali. Agad akong sumandal sa pader at nagtago sa dilim upang hindi makita ng mga dumaang kawal. Malayo pa ako sa aming tinutuluyan kaya kailangan kung mas lalong maging maingat.
Aalis na sana sa akin kinatatayuan ng biglang may humawak sa aking balikat. Hindi ko naituloy ang aking balak dahil bigla akong natigilan at parang yelong naitulos sa along kinatatayuan.