AFLW 15: Zander, Heneral Rin
***
Prinsesa Yuki POV
"Ano ang iyong balak, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Yoshie habang tinutulungan akong mag-ayos ng sarili. Salamat sa paunang lunas na binigay ng manggagamot ng Prinsipe, nagagawa ko ng iangat ang aking katawan ng mag-isa. Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito sa akin. Na may maglakas-loob na lasunin ako.
"Ano ang iyong ibig sabihin, Yoshie?"
"Ipinaalam sa amin ng Mahal na Prinsipe na kailangan kayong dalhin sa labas upang gamutin. Malubha ang iyong kalagayan at hindi matiyak ng manggagamot ang iyong kaligtasan."
"Hindi ako maaaring umalis dito. Dahil sa oras na umalis ako hinayaan ko na rin na matakas ang may gawa nito sa akin. Magkakaroon sila ng pagkakataon na linisin lahat nang naiwang patunay sa ginawa nilang krimen."
"Subalit -"
Hinawakan ang kamay ni Yoshie. "Huwag kang mag-alala Yoshie. Walang mangyayaring masama sa akin kaya ipanatag mo ang iyong sarili. Hindi hahayaang sa ganitong paraan tayo babagsak. At kapag malaman ko kung sino ang may pakana sa lahat ng ito, mararanasan niya ang uri ng ganti ko na hindi niya nanaiisin."
"Higit sa ano pa man, ang iyong kaligtasan ang higit na mas mahalaga, Prinsesa Yuki, kaya hindi mo maiaalis sa amin ang labis na mag-alala. Si Shuji at halos hindi na nagpapahinga matiyak lamang na walang panganib."
"Ganun ba?" Napabuntung-hininga ako. "Ipatawag mo si Shuji, nais ko siyang makausap."
Yumukod si Yoshie at umalis na upang tawagin si Shuji. Ilang sandali lang at pumasok na ang Pinuno na hindi magawang itago ang pagod na nakabalatay sa kanyang mukha. Nanlalalim ang mga mata tanda ng walang matinong tulog at pahinga.
"Maayos na po ba ang iyong kalagayan, Prinsesa Yuki?" Nag-aalalang tanong ni Shuji.
"Hindi na ganun kahina ang aking pakiramdam. Nagagawa ko ng gumalaw ng marahan. Patawad kung pinag-alala ko kayo ng labis." Aking paghingi ng paumanhin sa kanila. Sa kabila ng aking katayuan marunong pa rin akong magpakumbaba at tumanaw ng utang na loob. Matagal ng naglilingkod sa akin ang dalawa kaya alam ko na labis ang kanilang pag-alala.
"Wala kayong dapat ihingi ng tawad, Mahal na Prinsesa. Batid namin na hindi ninyo sinasadya na kami ay pag-aalalahanin. At hindi ninyo maiaalis sa amin ang mag-alala sa bawat masamang mangyayari sa iyo."
"Kung ganun, " Ngumiti ako sa kanya. "Nais ko na ipahinga mo ang iyong sarili. Ibibigay ko sa'yo ang buong araw at gabi na upang makapagpahinga ka ng mabuti. Ito ay isang utos kaya kailangan mong sumunod."
Napailing na napangiti siya sa aking mga sinabi. Batid niya na hindi niya mababago ang aking pasya kapag sinabi ko ng isa itong utos.
Binalingan ko si Yoshie. "Maging ikaw Yoshie ay nais ko na magpahinga. Ako na ang bahala sa aking sarili. Ang Punong Lingkod na lang ang aking tatawagin kapag ako may kailangan."
"Maraming salamat, Mahal na Prinsesa." Sabay na salita ng dalawa. Tumango lang ako bilang sagot.
Nang makaalis na ang dalawa ay nagmamadali kung inabot ang mangkok at sumuka. Dugo pa rin ang lumabas.
How pathetic, Shan. Why did you allow yourself to be in this mess? Why didn't you notice something was odd? I can't believe you. I bet you get a scolding from Zander once he knows. This is so unlikely you.
Kahit ilang beses ko pang pagalitan ang aking sarili ay wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat ng bagay na hindi ko inaasahan. Naging masyado akong kampante at nawaglit sa isip ko na may mga taong sakim at gagawin ang lahat upang mawala ang mga taong sagabal para sa kanila. At isa ako sa mga tinuturing nilang sagabal kaya ito ang kinalalabasan. Napangiti ako ng mapakla. Hindi sila maaaring magtagumpay.
"Prinsesa Yuki!"
Narinig ko pa ang nag-aalalang sigaw ng aking punong lingkod bago ako tuluyang bumagsak sa aking higaan at biglang nagdilim ang lahat.
Chase POV
Naabutan ko na may meeting ang students council ng pumasok ako sa office ni Laxus. Tinanguan ko lang siya at dumiretso ako sa upuan sa likod ng kanyang mesa atam patamad na umupo. Hindi ko pinansin ang nakasunod na tingin ng kanyang mga member. Bumuntung hininga ako saka sumandal at pumikit, itinaas ko ang paa at pinatong sa mesa.
It's been three months since that day. I know that she's doing fine but I've been restless recently. I can't take her off my mind. I've been worrying too much without basis.
Nang matapos ang meeting ni Laxus at nagtayuan na ang lahat ay umayos na ako. Subalit ng ibaba ko na ang aking mga paa ay nasagi ko ang isang frame sa gilid ng mesa. Agad na napunta sa akin ang paningin ng lahat. Dinampot ko ang frame at tiningnan.
It was a picture of Black Angels together with the girls. The glass of the frame shattered to pieces but what caught my eyes is the scratch of Shandra's photo. I felt a sudden kick of my chest.
"What's the matter, Chase?" Haven asks.
"I need to talk to Zander." I firmly said.
"Talk about what?" Laxus said and get the frame from my hand. "About her?" He added.
"I need to know if she's alright. I've been restless these few days. And every time I think about her I feel something odd. There's something, Lax, and I need to find out."
"Maybe you just miss her, Chase," Haven said.
"No Ve, I know what I feel and I need to make sure. I have to go."
Nagmamadali na nilagpasan ko ang members ng student council na napatigil sa pinto. Wala akong pakialam sa kung anuman ang iisipin nila. Sa ngayon kailangan na makausap ko agad si Zander. Alam ko na wala siyang pasok ngayon kaya sigurado ako na nasa GSU siya.
Nakarating ako ng GSU sa loob lang ng 10 minutes. Halos paliparin ko na ang motorbike ko makarating lang agad. Halos takbuhin ko ang loob ng hall.
"I want to talk with the Archon." Bungad ko sa receptionist.
"Do you have an appointment with him, Knight Chase?" She politely asks.
"Damn it! Just tell him that I need to talk to him. I'm in a hurry so do it." Napangiwi ang receptionist ng ibagsak ko ang mga kamay ko sa harap niya.
"But - "
"Let him through." Napatingin ako sa nagsalita. Jack is walking towards us. "Starting from now Knight Chase is authorized to enter the Archon's office anytime. That's an order from the Archon itself. And of course, as long as the Archon is there."
"Thanks," tinapik ko ang balikat ni Jack at dumiretso na sa opisina ni Zander. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at diretso ng pumasok.
"Looks like you are in a hurry, Chase," Zander said without looking at me. "What do you want?"
"Kaya mo bang makakuha agad ng impormasyon tungkol kay Shandra, Zan?"
He sigh. He turns his chair around to look at me. "Why?"
"Just answer me, Zan."
"I can get it in an hour. Now, answer me. Why? You should stop this, Chase, you know."
"I have a feeling that something happened to her, Zan. I've been restless recently and when I think of her my chest started to pound faster."
"How can you move on if you keep doing this, Chase?"
"I don't have any plans on moving on, Zan. I am and will always be in love with her."
"You know it's impossible that you two will be together again."
"I clearly know and understand that Zan. I will be loving her the way I can. Enough of this please and just do it for my peace of mind."
"But Chase -- "
"Please, Zan?"
He looks at me intently. And when he realized how serious I am he nodded. He turns back to his computer. "Alright, just give me up to an hour for the info to arrive. I will contact someone immediately and if we are lucky we can have the info right away."
I took a chair and sit near Zander looking at him while navigating the DC Org communication systems to connect to someone in Japan. Almost 15 minutes before Zander get through.
"This is the Archon," Zander started. "Connect me to someone who can give information regarding Princess Yuki's situation in the Imperial Palace."
We waited for another 15 minutes before we get someone to talk again. Someone who can give us exact and updated info about Shandra.
Hindi marinig ang sinabi ng kausap ni Zander. Sa nakikita ko na reaksyon ng kanyang mukha hindi maganda ang balita na natatanggap niya. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nagtatanong sa kausap.
"What is it, Zan?" I asked the moment he cut off the communication.
He closes his eyes to calm down. He heaves a deep breath before talking. "You're right Chase, something happened to Shandra."
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nagsimula na namang sumikdo sa matinding kaba ang aking dibdib. "What do mean, Zan?"
"Shandra's life is in grave danger. Someone from the Palace poisoned her. She's already vomiting blood and the Prince's doctor cannot guarantee her fast healing. Unless she will be confined in a hospital."
"Kelan pa daw ito nangyari?" I asked in a shaky voice. I can't believe this. No, this is not happening.
"It was discovered a few days ago by the Crown Prince. And early this morning she collapsed. But she declined to be brought to the hospital outside the Palace."
"Can we do something?"
"You can't but I can."
He turns to his computer again and opens a line to the Germany Laboratory, as I can see.
"Prepare an antidote for poison. The patient is in grave stage, vomiting blood. Deliver it to me in Japan as soon as possible. I'll be there, personally. I'm going to invade the Imperial Palace." He becomes silent for a moment. "The patient is Lady Bethany or let say, Princess Yuki. That's why I need to be there."
Agad na nagligpit ng gamit si Zander pagkatapos kausapin ang Germany Lab. Sa palagay ko manghahanda siya agad para lumipad patungong Japan.
"I'll go with you." He looks at me with a frown and an eye asking silently. "You're going there, right? Then, I won't sit here and wait. Let's check her together, can we?"
"There is no stopping you, ain't it?" I shook my head firmly. "Alright, meet me at The Mansion, at exactly seven in the evening."
"Why there?"
"We will be using the private Lear jet of the Org." I just nod in approval. I am at the door when he stopped me. "And Chase, let's make this clear. When we're there, you have to follow me without question. Also, be sure to talk and address me properly if you don't want to blow our cover. We have to strictly abide by the Palace rules."
"Understood."
****
Never in my whole life that I imagine myself wearing a traditional military uniform of the Daichi Kingdom. It's kinda felt weird but I don't have a choice. If I really wanted to check Shandra I need to wear this and follow Zander or let's say Heneral Rin. Which means dignified, severe, and cold. And we all know that's exactly Zander. His Japanese name describes him fittingly.
I look around the Imperial Palace the moment we step in, still following in Zander's lead. Its grandeur never fades. So magnificent that a photo I saw can't compare. Who wouldn't dream to live in a place like this? Maybe, people who aren't in their right mind.
Seeing the place makes my confidence going down the drain slowly. Is this the reason why Shandra chooses to accept help responsibilities and be their Kingdom Princess in a real sense? I sigh and scolded myself. What the heck I am thinking? I know Shandra better than that.
Tumigil kami sa isang matayog at magarang gusali. Ayon sa pananda, tinatawag na Punong Tanggapan ang nasa aming harapan. Bumukas ang malaking pintuan at iginiya kami ng isang bantay sa Tanggapan ng Emperador.
"Pagbati sa Mahal na Emperador." Yumukod ang lahat sa harap ng lalaking naka-upo sa isang magarang upuan na laan lamang sa pinakamataas at pinakamakapangyarihang tao sa buong Imperyo. Maging si Zander na kilalang hindi yumuyuko ng basta sa kahit sino ay yumukod ng buong paggalang sa Emperador.
"Maligayang pagdating, Heneral Rin. Ano ang aming maipaglilingkod sa magiting na Heneral ng Kaharian ng Daichi?" Tanong ng Emperador na may kasamang pagsusuri sa aming pangkat.
"Paumanhin kung naparito ako ng biglaan, Kamahalan. Umabot sa aming kaalaman ang balita tungkol sa kalagayan ng Mahal na Prinsesa. Nais ng Mahal na Hari na alamin ko ang nangyari at ang tunay niyang kalagayan." Paliwanag ni Zander.
"Humihingi rin kami ng paumanhin kung nabigo kaming pangalagaan ng mabuti si Prinsesa Yuki, Heneral."
"Wala kayong dapat ihingi ng paumanhin Kamahalan, sapagkat batid namin na may panangib na nakaamba sa pagiging isang babaeng pagpipilian ng Mahal na Prinsesa."
"Maraming salamat, Heneral." May tinawag na isang taga-lingkod ang Emperador. "Ihatid mo ang Heneral at kanyang mga kasamang kawal sa tahanan ni Prinsesa Yuki. At ipahanda mo na rin ang tahanan na pansamantala nilang tutuluyan habang sila ay nandito."
"Masusunod po, Kamahalan." Yumukod ang taga-lingkod saka bumaling sa amin. "Sumunod po kayo sa akin."
Sumunod kami sa taga-lingkod hanggang sa igiya niya kami sa isang tahanan na napapalibutan ng naggagandahang bulaklak. Tahimik ang paligid subalit nagkalat ang mga kawal na nagbabantay. Walang duda na ito na nga ang tinutuluyan ni Shandra.
Sinalubong kami ng isang lalaki na marahil ay ang bantay ni Shan galing sa kanilang kaharian sapagkat ang kausutan niya ay katulad ng kay Zander. At isang babaeng may hawig din ang kasuotan. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang nakaharap ko noong nakaraang tatlong buwan. Tinawag sila ni Zander na Pinunong Shuji at Yoshie.
Lumuhod ang dalawa gamit ang isang tuhod lamang sa harap ni Zander. Sa labis na pagtataka ay nais kung magtanong kung bakit. Subalit bago ko pa man maisatinig ang katanungan ay nagsalita na si Pinunong Shuji.
"Patawad, Heneral, nabigo akong pangalagaan ang Mahal na Prinsesa. Binigo ko po kayo. Nakahanda akong tanggapin ang parusang nararapat sa akin." Ang wika ng Pinuno.
"Maging ako man ay nabigo sa aking tungkulin, Heneral. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Prinsesa Yuki dahil sa aking kapabayaan. Nakahanda rin akong tanggapin ang karampatang parusa." Wika naman ni Yoshie.
"Tama ang lahat ng inyong tinuran, binigo ninyo ako. Shuji, ipinigkatiwala ko sa'yo ang kaligtasan ng Prinsesa. Yoshie naniniwala din ako na alagaan mo ng mabuti si Prinsesa Yuki. Subalit hinayaan ninyo na mangyari ang ganitong bagay at malagay sa peligro ang buhay ng Mahal na Prinsesa. Kaya nararapat lamang sa inyo ang maparusahan." Tumiim ang mukha ni Zander. "Ipapataw ang kaparusahan kapag kayo ay --"
"Kung ganoon, dapat din pala akong maparusahan sa aking kapabayaan, Heneral Rin?"
Napabaling ako sa pumutol ng dapat ay sasabihin ni Zander. Bumungad sa aming harapan ang nanghihina subalit nakangiti ng malawak kay Zander. Unang tingin pa lang alam ko ng hindi maganda ang kanyang kalagayan.
"Prinsesa Yuki." Wika ni Zander.
"I miss you, Zan." Bulong ng nakangiting Shandra na umabot din sa aking pandinig.
Bago pa man makalapit si Zander ay inubo na si Shandra. At kitang-kita ng ko ang pagbulwak ng dugo sa kanyang bibig. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Bago pa man ako mapigilan ni Zander ay nasa tabi na ako ni Shandra at naka-alalay. Bahagya ko siyang isinandal sa aking katawan ng muntikan na siyang mawalan ng balanse. Napatingin siya sa natatakpan kung mukha. Bakas ang pagkamangha sa maganda niyang mukha ng mapatitig sa aking mga mata.
"Chase?" Banggit niya sa mahina at gulat na boses.
Bahagya akong tumango.
"Yes, it's me. You're in a big mess, Shan. And it's hurt knowing I can't protect you while you're here." Mahinang wika ko habang nakatitig sa kanya ng mataman.