AFLW 5: Palasyo ng Imperyo

2545 Words
AFLW 5: Palasyo ng Imperyo **** Prinsesa Yuki POV (Ang pangyayaring ito ay pagkatapos ng pangyayari sa Prologue: Paninindigan) Kasabay ng pagtapak ng aking paa sa malaki at magarang tarangkahan ng Palasyo ng Imperyo ay ang mariing pagpikit ng aking mata. Naka-alalay sa akin si Yoshie upang tuluyan kaming makapasok. Pagbukas ko ang mata ay sumalubong sa aking paningin ang mga taong maayos na nakahanay di kalayuan sa aming kinatatayuan. Kung pagbabasehan ang suot ng mga nasa unang hanay walang na opisyal sila ng Imperyo. "Maligayang pagdating sa Palasyo ng Imperyo, Prinsesa Yuki." Nakangiting bati ng may katandaang lalaki sa gitna saka yumukod ng bahagya. Sumunod namang bumati ang iba pa at sabay-sabay. "Maraming salamat sa pagsalubong." Bahagya din akong yumukod pati sina Shuji at Yoshie bilang tanda ng paggalang at pagbati. "Ako Punong Kalihim ng Imperyo at ako ang inatasan ng Mahal na Emperador na sumalubong sa iyong pagdating Mahal na Prinsesa." "Ipagpaumanhin po ninyo kung nakaka-abala kami--" agad niyang pinutol ang aking sinabi. "Karangalan ko ang sumalubong sa'yo at ihatid sa Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris, Mahal na Prinsesa. Ang iyong lolo, ang Mahal na Hari ay isang malapit na kaibigan." "Ikinagagalak ko kayong makilala, Punong Kalihim. Hindi nabanggit sa akin ng Mahal na Hari na may malapit siyang kaibigan dito." Bahagyang natawa ang Punong Kalihim. "Hindi ugali ng Mahal na Hari na ipangalandakan ang mga kaibigan niya na opisyal ng Imperyo. Siguradong alam mo iyan, Mahal na Prinsesa." "Tama po kayo, Punong Kalihim." Nakangiting na aking sagot. Hindi man makita ng Punong Kalihim ang aking sapagkat natatakpan ang aking mukha alam ko naman na nararamdaman niya ito. "Tayo na, Mahal na Prinsesa, ihahatid na kita sa Punong Tanggapan ng Imperyo." "Maraming salamat po, Punong Kalihim." Bahagya akong yumukod ulit sa kanya bago siya sinundan patungo sa sinabi niyang Punong Tanggapan. Pagdating sa bungad ng Punong Tanggapan ay ipinagbigay alam ng Punong Kalihim ang aming pagdating. Agad naman itong inanunsyo ng isang sundalo. Pagbukas ng pinto ay hindi ko maiwasang mamangha sa gara ng loob. Mas higit na magara sa Tanggapan ng aming Palasyo. Sa magkabilang gilid ay nakatayo ang mga opisyal ng Imperyo. At sa gitna, sa dulo ng aking kinatatayuan naka-upo sa upuan na kumikinang at napapalamutian ng ginto, ang walang duda, ay ang Emperador. Sa kanyang kaliwa, mababa ng isang baitang mula sa kinauupuan ng Emperador ay isang napakagandang babae, ang Emperatris. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Yoshie sa aking likuran kaya nagising ako sa saglit na pagkamangha sa aking nasilayan. Bahagya kong inilibot ang aking paningin upang makita kung may iba pa bang katulad ko ang nandito sa Punong Tanggapan. Subalit wala akong nakita kahit isa. Baka nauna na ang iba o hindi pa dumating. Natuon ang aking paningin sa bakanteng upuan sa kanan ng Emperador. Napaismid ako, hindi man lang nag-abala ang Prinsipeng Tagapagmana na salubungin ang maaari niyang maging kabiyak. Naglakad na ako sa gitna ng mga opisyal patungo sa harap ng Emperador at Emperatris. Agad lumuhod sina Shuji at Yoshie yumukod bilang paggalang at pagbati sa taong may pinakamataas na kapangyarihan sa buong banda. (One bended knee, yung isang tuhod lang ang nakaluhod ha,) Yumukod naman ako ng bahagya bilang paggalang at pagbati. Hindi ko kailangan lumuhod dahil kanilang ako sa angkan ng Maharlika at Prinsesa ng malayong Kaharian ng Daichi. "Maligayang pagdating, Prinsesa Yuki ng Kaharian ng Daichi. Nawa'y naging maayos ang iyong paglalakbay." Nakangiting pagbati ng Emperador. "Maraming salamat sa pagbati, Kamahalan. Huwag niyo akong alalahanin at naging maayos at madali po ang aming paglalakbay." Binalingan ko si Shuji at kinuha sa kanya ang isang bagay na nakabalot sa mamahaling tela. 'Tanggapin niyo po ang aming handog, Kamahalan." Agad naman itong kinuha ng Punong Taga-lingkod ng Emperador. "Alam ko na napagod ka sa iyong paglalakbay, Prinsesa, kaya ipapahatid na kita sa iyong maging tahanan. Bukas mo pa makikilala ang mga kapwa mo babaeng galing sa Maharlikang angkan." Nakangiting pahayag ng Emperatris. "Maraming salamat, Kamahalan." Tinanguan ng Emperatris ang kanyang Punong taga-lingkod upang ihatid kami sa aming maging tahanan sa loob ng Palasyo ng Imperyo. Yumukod bilang pamamaalam bago sinundan ang Punong taga-lingkod. Nakahinga ako ng maluwag at hindi nila hiniling na tanggalin ang nakatakip sa aking mukha. Isang magarang bahay ang pinagdalhan sa amin ng Punong Lingkod ng Emperatris. Malaki lang ng bahagya sa aking tahanan sa aming Palasyo. Naroon na din sa maging tahanan ko ang maging tagasilbi, taga-lingkod at bantay ko habang nananatili ako sa Imperyo. Isa-isang nagpakilala ang mga nakakataas sa mga tagasilbi, taga-lingkod at bantay. Nagpasalamat ako sa Punong Lingkod bago siya umalis. Hinarap ko ang maging kasama ko sa tahanang iyon. Nais ko na maging malinaw ang lahat. Ipinakilala ko si Shuji at Yoshie sa kanila at kung anu ang maging papel ng mga ito sa tahanang iyon. "Susundin niyo anu man ang sasabihin nina Shuji at Yoshie, maliwanag? Lahat ng mga bantay ay sasanayin ni Shuji at ang mga taga-lingkod at tagasilbi naman susunod kay Yoshie. Inaasahan ko ang inyong kooperasyon at tiwala." "Makakaasa po kayo, Mahal na Prinsesa." Sabay na sagot ng lahat. "Sana nga." Mahinang bulong ko. "Bumalik na kayo sa inyong gawain at ako'y magpapahinga na." Sumunod naman ang lahat sa aking sinabi hanggang sa kaming tatlo nalang ang naiwan. "Sumunod kayo sa aking silid." Agad kong hinubad ang takip sa aking mukha at pasalampak na umupo sa lapag. Isang malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Pakiramdam ko hindi ako makahinga, para nakakulong ako sa lugar na may maliit na espasyo lamang. Hindi ako malaya na gawin ang lahat ng nais ko. "Mag-obserba kayo sa buong paligid, tiyakin niyo na walang panganib." Tiningnan ko si Shuji. "Ipagkakatiwala ko sa iyo ang mga bantay na nakatalaga sa akin, Shuji, gaya ng sabi ko kanina. Alamin mo kung may makukuha na tayo na maaaring pumanig sa atin. Mas mainam kung makuha mo ang tiwala nilang lahat." "Naintindihan ko ang nais mong mangyari, Prinsesa Yuki. Wag kang mag-aalala maingat kung aalamin at kukunin ko ang kanilang loob at tiwala." Tumingin naman ako Kay Yoshie. "Gaya ng sabi ko kanina ipagkakatiwala ko sa'yo ang mga tagasilbi at taga-lingkod, Yoshie. Pumili ka ng higit na mapagkakatiwalaan sa kanila na maaaring kung makarahap kahit pa walang takip ang aking mukha. Ma's mainam na makuha mo ang kanilang katapatan, kalooban at tiwala." "Masusunod, Prinsesa Yuki. Huwag kang mabahala at maging maingat ako sa pagpili. Hindi ko ipagsawalang bahala ang iyong kaligtasan." "Maraming salamat, aasahan ko kayong dalawa. Alam ko na mahihirapan at mangangapa tayo sa umpisa subalit malalampasan din natin ito." Tumayo na Shuji. "Magpahinga ka na, Prinsesa Yuki. Mag-iikot lang ako saglit sa paligid nitong tahanan upang matiyak na walang naka-ambang panganib." Tumingin siya kay Yoshie. "Ikaw na muna ang bahala sa Mahal na Prinsesa, Yoshie. Tiyakin mo na walang kahit sino ang makakapasok sa silid na ito." Tumango si Yoshie sa tinuran ni Shuji. "Naintindihin ko, Shuji." Binalingan niya ako ng makalabas na ng silid si Shuji. "Magpahinga ka na, Mahal na Prinsesa. Nasa labas lang ako ng silid kung kailangan mo ako." Tumango lang ako at nahiga sa higaan na inayos niya. Napagod din ako sa may kahabaan naming paglalakbay. Lumabas na si Yoshie ng aking silid ng makita niyang humiga na ako. Ilang saglit pa at tuluyan na akong iginupo ng antok, mahimbing akong nakatulog. Hapon na ng magising ako. Pagkatapos kumain ay naisipan ko na mamasyal at ikutin ang aking tahanan. Natuwa ako ng matuklasan na may hardin sa likurang bahagi at puno ito ng iba't ibang uri ng halaman, namumulaklak man o hindi. Ng maikot ko na ang paligid ng aking tahanan napagpasyahan ko bumalik na lang sa loob at makipagkwentuhan sa mga taga-lingkod o tagasilbi. Ma's mainam na kilalanin ko silang mabuti at mapalapit din ako sa kanila. Nag-aalangan pa silang makipagkwentuhan sa umpisa. Sapagkat sinasabi nila na hindi daw dapat nakikipagkwentuhan ang isang Prinsesang tulad sa mga alipin. At napag-alaman ko din na karamihan sa mga naging bisita ng na galing sa Maharlikang Angkan ay hindi mabuti ang pakikitungo sa mga tulad nilang nasa mababang antas. Subalit nagawa ko ring makuha ang kanilang loob at nagawa na nilang sumagot sa aking mga katanungan. Maaga akong nagising kinabukasan kaya napagpasyahan ko na ikutin ang buong Palasyo. Sa sobrang lawak nito ay maaaring kukulangin ang isang buong araw upang maikot ko ito. Natuwa ako ng agad magprisinta ang ilang taga-lingkod at bantay na samahan ako sa aking paglilibot. Agad namang naghanda ng makakain ang mga tagasilbi. Nagbalot pa sila ng pagkain upang may makain kami kung saang bahagi man kami ng Palasyo maabutan ng pagkagutom. Isa-isa nilang itinuro sa akin ang mga tahanan ng kapwa ko babaeng kasama sa pagpipilian. Hindi kalayuan sa aking tirahan ang kanilang tinutuluyan. Sunod naming pinuntahan ay ang Tanggapan ng mga Taga-lingkod. Ang Tanggapan ng mga Opisyal ng Imperyo, at iba pang Tanggapan. Ang huling destinasyon namin bago kumain ng tanghalian ay ang napakalawak na silid-aklatan. Napakaraming aklat tungkol sa kasaysayan ang naroon na agad kung binuklat at binasa ang ilang pahina. Kung hindi pa nagreklamo si Yoshie na nagugutom ay baka hindi ko pa maisipang umalis ng silid-aklatan. May kalayuan na din kami sa aking tirahin, buti na lang at may baon kaming pagkain. Iginiya kami ng taga-lingkod sa isang pahingahan o parang kubol sa mataas na bahagi malapit sa lugar kung saan nag-eensayo ang mga sundalo. Mula sa aming kinaroroonan ay makikita ang malaking bahagi ng buong Palasyo. Nagpahinga lang kami sandali bago nag-umpisa na naman sa pag-ikot. Una naming pinuntahan ang mga nagsasanay na sundalo. Agad naman bumati ang nagsasanay sa kanila at tinanong kung anu ang aming kailangan. Si Yoshie ang sumagot na nais lang naming manood. Ng malaman nila na galing kami sa Kaharian ng Daichi ay inayaya nila si Shuji sa isang duwelo. Nakarating pala sa kanila na maraming magaling sa pakikipaglaban sa aming Kaharian. Agad kung pinaunlakan ang kanilang hamon. May tiwala ako Kay Shuji at alam ko na siya ang mananalo sa duwelong ito. Pumwesto na ang magkabilang panig at nag-umpisa na ang laban. Magaling ang kalaban ni Shuji subalit alam kung kakayanin niya ito. Unti-unti ng dumami ang nanood, mukhang nakarating na sa ibang tao sa Palasyo ang nangyayaring duwelo. Sa huli, pinatunayan ni Shuji na siya ang pinakamagaling sa lahat ng sundalo ng Hari. Natalo niya ang kalaban. Binati naman siya ng kanyang nakalaban at ng mga kasamahan nito. Inanyayahan pa siyang sumabay sa kanilang ensayo na hindi niya tinanggap sapagkat hindi niya ako maaaring iwan. Nakuha niya ang paghanga ng mga sundalo lalo na ang mga bantay na nakatalaga sa akin. Nagpaalam na kami at ipinagpatuloy ang pamamasyal. Dumako naman kami sa tahanan ng Emperador. Napapalibutan ito ng mga bantay at hindi ito basta napapasok. Ito rin ang pinakamalaking tahanan na nakikita sa buong Palasyo. Sumunod naman naming pinuntahan ang tahanan ng Emperatris. Ang kanyang tahanan marahil ang sunod na pinakamalaki. Marami ring bantay ang nasa paligid nito. Hindi naiwasan na itanong kung may ibang asawa pa ba ang Emperador. "May ibang asawa pa ba ang Emperador?" "Simula pagkabata ay wala ng ibang minahal ang Emperador kundi ang Emperatris. Kaya ng ikasal sila ay hindi na naghanap ng iba pa ang Kamahalan. At nagawa naman ng Emperatris ang kanyang tungkulin. Nabigyan niya ng dalawang Prinsipe at isang Prinsesa ang Kaharian." Sagot ng aking Punong-lingkod. "Ang katapatan at pagmamahal ng Emperador at Emperatris sa isa't isa ang siyang dahilan kung bakit mapayapa ang angkan ng Emperador pati na ng buong Palasyo." Dagdag ng aking punong tagasilbi. "Tama ka," nakangiting baling ko sa kanila kahit hindi nila ito nakikita. "Yan din ang dahilan kung bakit mapayapa ang aming angkan. Isang babae lang ang inalayan ng Mahal na Hari ng kanyang pagmamahal. At sa isang lalaki lang din pinagkatiwala ng aking Ina ang kanyang puso." "Nararadaman namin ang iyong kabutihan, Prinsesa Yuki. At umaasa kami na sana ikaw ang mapili dahil nakikita namin na maging matapat ka sa Prinsipeng Tagapagmana." Wika ng punong Lingkod. "At makakaasa ka na maging tapat kami sa'yo, Mahal na Prinsesa." Wika naman ng Pinuno ng aking mga bantay. "Hindi ko alam kung anu ang aking dapat na itugon sa inyong tinuran. Hindi niyo pa ako lubusang kilala kaya huwag muna kayong umasa. Subalit ikinatutuwa ko ang inyong pahayag. Maraming Salamat." "Walang anuman, Mahal na Prinsesa. Simula sa araw na ito sumusumpa kami ng katapatan sa inyo." Wika naman ng punong tagasilbi. "Ipagpatuloy na natin ang pamamasyal. Ang tahanan ng Prinsesa at ng mga Prinsipe saka ang Hardin ng Palasyo na lang ang natitira, di ba." Nagpatuloy na kami sa paglibot. Una naming pinuntahan ang tahanan ng Prinsesa. Isang tipikal na tahanan ng isang Prinsesa ang aming nabungaran subalit tahimik ito dahil walang nakatira. Kasalukuyang naninirahan ang Prinsesa sa ibang bansa. Sunod naman ay ang tahanan ng pangalawang Prinsipe. Nagkataon na nagkagulo ng mapadaan kami. Nabanggit nila sa mahilig sa gulo at pasaway ang pangalawang Prinsipe. Tinungo na namin ang tahanan ng Prinsipeng Tagapagmana. Tahimik at oraganisado ang paligid ng tahanan. Taliwas sa sinasabi nila na imahe ng Prinsipe. Ayon sa naikwento ng aking mga taga-lingkod at tagasilbi ay lagalag daw ang Prinsipeng Tagapagmana. Nitong huli lang daw ito tumigil sa Palasyo sa hiling ng Emperador at Emperatris. Hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang akin man sa dalawang Prinsipe kaya wala pa akong masasabi tungkol sa kanila. At huling destinasyon namin ay ang Hardin ng Palasyo na nasa gitna ng buong Palasyo. Napakalawak ng Hardin at puno ng iba't ibang uri ng halaman. Ang ganda ng mga bulaklak na sa wari ko ay dito ko lang matatagpuan. Sa isang bahagi ay maraming nagliliparang paru-paro. Agad nabalutan ng lungkot ang tuwa na aking naramdaman. Naalala ko na naman siya at ang santuwaryo kung saan marami kaming alaala. Wala sa loob na inabot ko ang isang paruparo kaya sabay silang nagpulasan palayo. Napabuntung-hininga ako saka hinamig ang aking sarili. Ayoko na mag-alala pa sina Shuji at Yoshie sa akin. Sinundan ko ng tingin ang mga paruparong nagliparan hanggang sa makuha ng isang asul na paruparo ang along pansin. Katulad ito ng paruparo na nakita ko sa Santuwayo ni Chase. Hinabol ko ito at pinadapo sa aking palad. "Chase, I miss you so much." Mahinang bulong ko habang nakatitig sa paruparo. "Tabi," malakas na sigaw mula sa aking kanan. "Umilag ka, Mahal na Prinsesa." Malakas din na sigaw ni Shuji. Nagtatakang napatingin ako kay Shuji at sa may-ari ng boxes na hindi ko kilala. Subalit di ko pa man nakita kung sino yung sumigaw ng tabi ay nabangga na ako ng kung sino man. Bumagsak ako sa lupa dahilan din upang tumilapon ang aking sumbrero na may mahabang tela na tumatakip sa aking mukha. "Oh! What the hell!" Hindi ko napigilan ang mapamura sa wikang English. Tumingala ako habang nakatakip sa mukha ang dalawa kung kamay. Subalit nakasilip naman sa siwang ng aking daliri ang aking mata. "Mahigpit na ipinagbabawal dito sa loob ng Palasyo ang lenggwahe na iyong ginamit, Binibini." Napasinghap ako ng makita ko ang nakangiting mukha ng taong bumangga sa akin. Lihim akong napamura habang nakatitig sa mukha niya. s**t! Bakit ang gwapo ng nilalang na ito? Lumabas ba sa anime world ang isa sa mga anime character at nag-anyong tao sa harap ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD