AFLW 6: Ang Prinsipe Imperyo
****
Prinsesa Yuki POV
Sa isang mabilis na kilos nagawang damputin ni Yoshie ang aking pantakip sa mukha, tinanggalan ng anumang dumi na maaaring kumapit sa malambot na tela. Agad niya itong inilapat sa asking ulo at inayos ang harapan upang malaya ko ng bitawan ng aking mga kamay ang aking mukha. Lumapit si Shuji sa aking tabi at tinulungan akong tumayo ng maayos.
"Ipagpaumanhin mo, Binibini, ko inaahasan na maari akong may makasalubong dito sa Hardin sapagkat sa ganitong oras ay bihira lamang napapasyal sa bahaging ito." Bahagya yumukod ang Ginoo, nakalagay ang kanang kamay sa tiyan at ang kaliwa ay sa likuran, tanda ng paghingi ng tawad.
"Tumatakbo ka Ginoo, ikaw ba ay nasa kapahamakan? May nagawa ka ba labag sa panuntunan ng Palasyo kaya ikaw ay hinahabol ng mga kawal?" Puno ng kuryusidad na aking tanong. Matutuwa akong malaman na tulad ko ay kadalasan din siyang sumusuway sa mga panuntunan ng kanyang Palasyo.
Isang tawa na puno ng tuwa ang kanyang ginawa bago sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Sa kanyang ginawa ay lalong nadagdagan ang kakisigan niyang taglay. Animo nag-aanyaya ang kanyang matamis na ngiti at bago ko pa malaman nakangiti na akong nakakatitig sa kanya. Batay sa kanyang mukha at pangangatawan matanda lang siya sa akin ilang taon.
"Eiji. Tawagin mo akong Eiji, Binibini." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Maaari ko bang malaman ang pangalan ng Binibini?"
"Yuki. Tawagin mo nalang akong Yuki, Ginoo."
Bumakas ng bahagya gulat sa kanyang mukha bago ngumiti ulit. Bahagya pa siya yumukod tanda ng paggalang. "Nagagalak akong makikila ka Prinsesa Yuki ng Kaharian ng Daichi."
Napamaang ako sa kanya. Paano niya natukoy na ako ang Prinsesa na galing sa Kaharian ng Daichi? Kakarating ko lang kahapon at mga opisyal pa lang ang aking nakaharap maliban sa aking mga taga-lingkod, taga-silbi, at bantay. Hindi pa kasali ang aking mga nakasalamuha ngayong araw.
"Kung iyong mararapatin Ginoo nais ko sanang itanong kung paano mo natukoy na ako ang Prinsesang galing sa Kaharian ng Daichi?"
"Hindi ka maaaring ipagkamali sa iba, Mahal na Prinsesa. Misteryoso at laging may takip ang mukha kaya tinaguriang Prinsesang Itim na may kaakibat na sumpa. At isang napakahalagang bagay, Prinsesa Yuki, nakakatak sa iyong kasuutan ng Kahariang iyong pinanggalingan." Mahabang wika niya.
Shit! I feel so dumb. Stupid of me not to realize that all of my clothes have a symbol of our Kingdom. But wait, what did he say? Prinsesang Itim? How come?
"Hindi ko inaasahan na nakarating pala dito sa Palasyo ng Imperyo ang usapin tungkol sa tawag sa akin ng aming nasasakupan." Sabi ko ng makabawi na ako sa pagkagulat sa mga kanyang mga sinabi.
"Dahil naging usap-usapan din dito na kayo po, Mahal na Prinsesa ang may malaking pagkakataon na maging susunod na Emperatris. At iniisip ng karamihan na ikaw ang pinakamahigpit na kalaban ng ibang babaeng katulad mo."
Biglang naging blanko ang kanyang mukha at nararamdaman ko ang pagtatagis ng kanyang bagang. Nawala ang kanina ay nakakaakit at puno ng tuwa na mga ngiti. Sino ba talaga ang lalaking nasa aking harapan?
Naputol ang aking pag-iisip at ang aming pag-uusap ng makita na namin ang mga kawal na tumatakbo at mukhang may hinahanap. Naging alerto ang Ginoo ng papunta na sa aming kinaroroonan ang mga kawal.
"Ikinagagalak kitang makilala, Prinsesa Yuki. Natutuwa akong makausap ka subalit kailangan ko ng umalis. Hanggang sa susunod na pagkikita."
Mabilis siyang tumakbo sa direksyon na hindi niya makaksalubong ang mga kawal, bago pa man ako makapagsalita. Nang makita siya ng mga kawal na tumatakbo ay agad siyang hinahabol ng mga ito. May nagawa ba siyang masama para habulin ng mga kawal? Isang bagay lang ang maaaring sagot sa nangyaring aking nasaksikahan. Hindi ako maaaring magkamali.
"Nakita niyo na ba ang mukha ng dalawang Prinsipe?" Baling ko sa aking mga taga-lingkod.
"Ipagpaumanhin niyo po, Mahal na Prinsesa, subalit hindi pa po namin nakikita ang dalawang Prinsipe. Masyado po silang mailap at hindi nakikisalamuha sa amin. Hindi rin sila dumadalo sa mga salu-salo na nakalaan sa amin at hindi rin kami maaaring pumunta sa mga pagtitipon dito sa loob ng Palasyo kung hindi naman kami kailangan." Mahabang paliwanag ng aking punong taga-lingkod.
"Naiintindihan ko. Alam niyo ba ang buong pangalan ng mga Prinsipe?"
"Kilala lang ang Prinsipeng Tagapagmana bilang si Prinsipe Daiki at ang bunsong Prinsipe bilang si Prinsipe Daisuke." Sagot ng aking punong bantay.
Tumango lang ako habang nag-iisip pa rin. Hindi ako naniniwalang isang ordinaryong Ginoo lang si Eiji. At gagawin ko ang lahat ng paraan na aking nalalaman upang matuklasan kung sino siya.
Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng aking tirahan. Agad na naghandaa ng tsaa ang mga taga-silbi habang naka-upo ako at nagpapahinga galing ng pamamasyal. Natahimik lang ako at hindi umiimik. Si Eiji pa rin ang aking iniisip at hindi ako mapakali.
Makalipas ang ilang sandali ay tumayo ako at naglakad palabas ng tirahan. Ang silid-aklatan ang asking destinasyon. Maaaring may nakatala doon tungkol sa Ginoo. Mabilis na sumunod ang aking mga taga-lingkod at hindi na nagawang magtanong pa. Sina Shuji at Yoshie ay tahimik lang na sumusunod. Alam nila na hindi ako titigil hangga't hindi ko natutuklasan ang isang bagay na nais kong tuklasin.
Ang talaan tungkol sa angkan ng Emperador ang agad na aking hinahanap. Subalit ang ganoong aklat ay hindi ko makita. Malamang na naka-imbak iyon sa aklatan na laan lamang sa kanilang angkan at pinagkakatiwalaang pantas. Tinanong ko ang aking punong taga-lingkod ng kapangakan ng mga Prinsipe. Mabuti na lang at alam niya ang eksaktong taon, buwan at petsa. Nagsimula na kaming maghanap.
"Prinsesa Yuki," tawag sa akin ni Yoshie. "Nakita ko na po ang pangalan ng bunsong Prinsipe."
Inilapag ni Yoshie sa aking harapan ang talaan. "Daisuke Kenji Hideki." Mahinang bigkas ko ng buong pangalan ng bunsong Prinsipe. Sapagkat hindi ko maaaring kalimutan ang kanyang pangalan. "Maraming salamat, Yoshie."
Bumalik na ulit si Yoshie sa paghahanap. Ang sa Prinsipeng Tagapagmana na lang ang kailangan naming makita. Sinisiguro ko wala akong malagpasan kahit isang pangalan sa bawat paglipat ko ng pahina ng aklat na nasa aking harapan.
Hanggang sa nakita ko na ang aking hinahanap. Napangiti ako sa aking nabasa. Hindi nga ako nagkamali. "Daiki Kazuki Eiji." Eiji, huh?
Prinsipe Daiki POV
Humihingal na akong pumasok sa aking tahanan. Sinalubong ako ng nag-aalala kong punong taga-lingkod at punong bantay. Subalit isang matamis na ngiti lang ang aking isinalubong sa kanila. Naibsan na naman ng ilang oras ang isang nakakabagot na araw. Tumuloy na ako sa aking silid at hindi pinakinggan ang mga sinasabi ng sumalubong sa akin. Hindi pa ba sila nasanay? Simula ng dumating ako ganito na ang aking palaging ginagawa. Ang sila ay takasan, ang takasan pansamatala ang katotohanang malapit na akong magpaalam sa pagiging binata.
Ilang oras din akong nakibaghabulan sa mga kawal ng Palasyo. Lumabas na naman kasi ako sa Palasyo ng palihim. Dumaan ako sa likuran ng imbakan ng alak kung saan hindi gaanong mataas ang pader. Umakyat ako sa pader saka tumalon pababa. Nagliwaliw na naman ako sa pamilihan. At ng papabalik na ako ng Palasyo nahuli ako ng isang kawal habang nasa itaas ng pader kung saan din ako dumaan palabas. At dahil ayoko maparuhasan o malaman ng Mahal Kong Ama at Mahal Kong Ina na lagi akong tumatakas, tinakbuhan ko ang mga kawal. Mabuti nalang at hindi nila alam na ako ang Prinsipeng Tagapagmana.
Tama po kayo, ako nga si Prinsipe Daiki Kazuki Eiji ang Prinsipeng Tagapagmana. Prinsipe Daiki ang tawag sa akin ng karamihan. Ako ang susunod na Emperador, kaya sa ayaw at gusto kailangan kong mamili sa mga kababaehan na nandito ngayon sa Palasyo upang aking maging kabiyak.
May isang imahe ng magandang babae na may maamong mukha ang nagsusumiksik sa aking isip. Subalit agad ko rin itong pinalis. Kahit isipin ko pa siya habang buhay hindi pa rin magkakaroon ng katuparan ang lihim na inaasam ng aking puso. Ang makasama habang buhay ang babaeng pilit na iwinawaglit ko sa aking isip.
Isang buntung hininga ang aking pinakawalan bago ibinagsak ang aking sarili sa aking higaan. Naglakbay ang aking isip sa katotohanang ilang buwan na lang magkakaroon na ako ng kabiyak na hindi ko mahal. Sabihin na natin na maaaring matututunan kong mahalin ang isa sa mga babaeng nandito. Subalit agad na tumatanggi ang puso ko. Ang puso ko na nabihag ng isang dalagang walang puso.
Ang saklap naman ng kapalaran ko. Siguro kung hindi hinangad na lakbayin ang mga matataas na lugar o bundok sa buong mundo hindi ko siya makikilala. At hindi sana sumagi sa isip ko na suwayin ang aking tungkulin. Nakahanda akong iwan ang lahat makasama lang siya. Ngunit handa din siyang gawin ang lahat mawala lang ako sa paningin niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun na lang siya kainis at kaasar sa akin, na makita niya lang ay sinisipa niya na ako paalis.
Damn! Get a grip of yourself, Eiji. Stop thinking of her. Stop missing her and focus on your responsibility. There's no way you're able to see her again.
Tama, maaaring hindi ko na siya makita pa kahit kailan. Dapat ko ng pagtuunan ng pansin ang responsibilidad ko. Sa mga susunod na araw magsisimula na akong sumama sa mga pulong na dadaluhan ng Emperador. Magsisimula na ako ng makikipagsalamuha sa mga mamamayan sa aming nasasakupan bilang Prinsipeng Tagapagmana. At hindi na bilang si Eiji ang isang ordinaryong mamamayan na palaging nakakasalamuha ng mga taong bayan.
Magiging abala na ako sa pagharap sa aking tungkulin at sa pagkilala sa mga babaeng pagpipilian na aking maging kabiyak. Naalala ko si Prinsesa Yuki na nakatagpo sa Hardin kanina habang tinakasan ko ang mga kawal na humahabol sa akin.
Tama nga ang balitang nakarating sa amin na misteryoso ang Prinsesang galing sa Kaharian ng Daichi at laging nakatakip ang mukha. Iilan na tao lang hinahayaan niyang makita ang kanyang mukha maliban sa kanyang angkan, ang angkan ng Hari.
Napangiti ako. Lumalim ang aking interes na makita kung anu ang kanyang itinatago, kung anung mukha ang nasa likod ng telang nakatakip. Magaan din siyang kausap at mukhang magkakasundo kami. Totoo ang aking mga sinabi kanina na malaki ang kanyang lamang sapagkat galing sa kanilang angkan ang nais at napupusuan ng aking Mahal na Ina, na maging aking kabiyak. Magkaibigan, magkakampi at magkatulad ng layunin ang aking Mahal na Ama at ang Hari ng Daichi.
Subalit nararamdaman ko rin na hindi magiging madali ang lahat. Hindi lahat ng opisyal ng Imperyo ay sang-ayon sa Emperador. Marami ang nagnanais na ibagsak ang aming angkan at agawin ang trono. At kapag nalaman nila na ang Prinsesa ng Daichi ang napupusuan ng Emperatris maaaring malagay sa kapahamakan ang Prinsesa. Ang Emperatris man ang namamahala sa pagpili may mga panuntunan pa ring kailangan sundin. Ang mahalaga din ang opinyon ng Emperador sa usaping ito, lalo na ang pagpili ko. Ang sinumang aking pipiliin ay magkakaroon ng malaking pagkakataon na maging kabiyak. Kailangan kong pumili ng tatlong babae at mula sa tatlong napili ko siyang aking maging kabiyak.
Sa tingin ko may napili na akong isa, si Prinsesa Yuki. Kailangan ko lang siyang kilalanin at bigyan ng pagkakataon ang aking sarili. Hindi ko lang kung anong meron siya at magaan ang aking loob sa kanya kahit saglit pa lang kaming nagkakausap.
Bisitahin ko kaya siya kinabukasan? Bumuntung-hininga ako, hindi nga pala maaari. Dahil bukas na ang pagtitipon sa pagdating ng mga babaeng pagpipilian. At bukas na din pala opisyal na ipakilala kami sa isa't isa, bago nagsimula ang pagtitipon.
Ano kaya ang maging reaksyon ng Prinsesa kapag malaman niya na ako ang maaari niyang maging kabiyak? Nakakatuwa sana kung makikita ko ang reaksyon niya subalit alam ko na dadalo siya sa pagtitipon na nakatakip ang mukha. Hindi ko rin alam kung hihilingin ba ng mga opisyal na ipakita niya ang kanyang mukha.
Nagmumuni-muni pa rin ako ng pabalyang bukas ang pinto ng aking silid at tumuloy ang isang lalaking hinihingal. Napabangon ako at pasalampak na umupo saka hinintay na makabawi ng paghinga ang aking panauhin.
"Anong kalokohan naman ang ginawa mo?" Sita ko sa kanya.
"Huminahon po kayo, Kamahalan." Ngumisi siya ng malapad. "Kung hindi ko pa alam hinahabol ka din ng mga kawal dahil nahuli kang umaakyat sa pader."
Tumawa ako sa sinabi niya. "Tama ka, ganun nga ang nangyari sa akin. Anung ginawa mo?" Nakangisi kong tanong.
Ngumisi siya ulit bago sinagot. "Pinasok ko ang tanggapan ng isang opisyal at hinalungkat ang koleksyon niya ng modernong babasahin. Ipinagbabawal ang ganoong bagay dito sa Palasyo kaya inutusan niya ang mga kawal na hulihin ako."
"Nakilala ka ba niya?" Nag-aalala na aking tanong.
"Hindi sapagkat hindi niya naaninag ng mabuti ang aking mukha. Palihim akong pumasok dito sa iyong tahanan habang patuloy sa paghabol sa akin ang mga kawal."
"Bakit hindi mo na lang isinuko ang mga nakita mong bawal na babasahin?"
"Dahil alam ko na darating ang araw na maaaring hating magamit ang bagay na iyun para sa ating ikabubuti mahal kong kapatid." Tinapik na ako sa balikat.
Napailing ako sa kanyang sinabi subalit tama naman siya. Kailangan naman ang lahat ng bagay na maaari naming magamit para masiguro na hindi magtatagumpay ang !ga nagbabalak na magtataksil. Hindi namin maipagkakaila na malakas ang nasa likod ng kanilang pag-aaklas. Lang pag-aaklas na kanilang binabalak ay hindi para sa ikabubuti ng lahat. Kundi para sa sariling kapakanan, para sa kapangyarihan na nais nilang makamtam at para sa ikabubuti ng kanilang sarili kapalit ng pagdusa ang taong bayan. At iyon ang bagay na hindi namin maaaring pahihintulutang mangyari.
"Mag-ingat ka lagi sa iyong ginagawa, Prinsipe Daisuke." Bilin sa kanya dahil alam ko minsan pabaya din siya.
"Mag-iingat ako Kamahalan, huwag kayong mag-alala. Hindi ko ipapahamak ang ating angkan."
Tumayo na siya at naglakad palabas ng aking silid. Bago binuksan ang pinto lumingon muna siya at seryosong tumingin sa akin.
"Handa ka na ba bukas Kuya? Makikilala mo na ang babaeng pagpipilian at isa sa kanila ang magtatali na sa'yo ng tuluyan." Nakangisi ng nakakaloko na wika niya.
"Alam ko ang bagay na yan. Handa man ako o hindi ay wala na akong magagawa."
"Susuko ka na agad? Paano na ang dalisay at tunay mong pag-ibig kay Jha---"
Binato ko siya ng unan kaya hindi niya naituloy ang kanyang sinasabi. Hindi naman siya tinamaan sapagkat mabilis niyang naisara ang pinto at humalakhak sa labas ng aking silid.
Isusuko ko na lang ba ang pag-ibig ko dahil lamang sa aking tungkulin? Alin ba ang mas matimbang? Hindi ba maaaring tutuparin ko ang aking tungkulin at makasama ko din ang babaeng nagpapatibok sa aking puso? Bakit ba nagkataon na isa akong Prinsipe at naging Tagapagmana pa ng trono.
_____________________________________________________________
Next chapter will be in Chase side.
Who wants to hear from Chase?
Sorry guys at medyo natagalan ang update. Nag-enjoy kasi ako masyado sa pagbabasa ng Fairy Tail Fanfic dito sa w*****d. Enjoy reading, ciao!