ELLAINA Maaga akong gumising dahil iyon ang unang araw ng aking balik eskwela kahit on line study lang. Jarred granted my request. Sa wakas ay mag-aaral na ulit ako. Kung noon ay kinatatamaran ko ang study—ngayon ay hindi na. I am now a married woman at may anak na rin. Kailangan kong ayusin ang buhay ko para maging proud sa akin si Jarella. Isa pa'y pangarap ko talagang maging nurse sa M.U. clinic. At least hindi ako mapapalayo sa aking mag-ama in case na mag-work na ako roon. “Queen? Sobrang aga mo yatang gumising?” Sinilip pala ako ni Jarred sa banyo. Kasalukuyan akong nagtu-toothbrush nang lumingon sa kanya. “Ngayon ang first day of class ko, kaya kailangan kong mag-prepared nang maaga,” sagot ko matapos magmumog. Kumunot naman ang noo ni Jarred pagkuway nagkibit ito ng balikat.

