ELEVEN

2711 Words
s**t! Ano bang isusuot ko? aligaga na tanong ni Sabrina habang makailang palit na nagsukat ng mga dresses niya. Mamaya na iyong date nila ni Kerkie at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-aayos. Ni hindi nga niya alam kung ikukulot ang buhok o ilulugay lang. Nang makita niya ang bagong dress na binili nila ng mga kaibigan. Ang plano niya ay isuot iyon sa graduation niya. Kinuha niya iyon at sinukat. Pinagkatitigan niya ang sarili sa salamin habang suot ang damit. Silk navy blue iyon na hanggang tuhod niya. Backless ang likod niyon na tinatali lang ang sa bandang leeg. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa damit. Napangiti siya sa nakita. Iyon ang isusuot niya. Inayos niya ang buhok ng pa-bun kaya walang kahit na anong sagabal sa litaw na likod niya. Nag-vibrate ang phone niya. Tinignan niya kung sino ang nag-text. Napangiti siya. See u. See you too. Reply niya. Hindi siya marunong mag-make up kaya nag-lipstick lang siya. Sinuot niya ang heels na dapat din ay sa graduation niya. Nang makuntento sa nakikita sa salamin ay nagpabango na siya at inayos ang gamit na dadalhin niya. Nang may kumatok sa pinto ng silid niya. Binuksan niya iyon, ang kuya Alden niya. "Kuya, bakit?" Alam ng daddy at mga kapatid niya na may-date siya kaya sa bahay mismo siya susunduin ni Kerkie. "Nasa labas na ang sundo mo, bunso." Ngumiti ito. "Ganda natin ngayon ah." "Salamat, kuya." Sumunod na siya sa kapatid pababa. Pagkarating sa salas ay nakita niya si Kerkie. Kausap nito ang isa pa niyang kapatid at daddy nila. Hindi agad siya napansin ng mga ito. Sa tingin niya ay nakuha agad ni Kerkie ang loob ng pamilya niya. Nang lumingon sa kanya ang lalaki ay tila wala sa sariling napatayo ito. Napahalakhak naman ang kuya Alden niya sa tabi niya. "He was smitten to you, lil sis. Sa wakas, may love life ka na. Baka siya na ang sagot para hindi na kami mangunsume kapag may dysmenorrhea ka." Inirapan na lang niya ang kapatid. Nang makababa ay nilapitan niya si Kerkie. Ngumiti ito. "Shall we?" Nakalahad na ang kamay nito sa kanya. She smiled and hold his hand. If Kerkie was smitten to her. Paano pa siya? Her heart is in a happy place. *** UNANG dumaan ang araw ng graduation ni Sabrina. Sa susunod na araw pa kasi ang graduation ni Kerkie. Naka-schedule kasi ang bawat courses sa iba't-ibang araw. Dahil sa iba ang courses nila kaya hindi nagkasabay ang graduation nila. Hindi man nakapasok ito sa venue ay nasa labas naman ito at hinihintay matapos ang graduation niya. Magka-text silang dalawa ng binata habang patuloy na tumatakbo ang okasyon. Pinanonood nila ng mga kaibigan ang ilang schoolmate na naglalakad sa stage. Nang tawagin na sila ay nag-reply siya kay Kerkie na sila na ang sunod sa pila na aakyat. Pagkababa ay nag-picture taking siya kasama ang pamilya pagkatapos ay bumalik na sa upuan nila. Nang matapos ang graduation ay lumabas na din siya agad. Nagpaalamanan na sila ng mga kaibigan dahil hahanapin rin ng mga ito ang kapamilya. Nang makaramdam ng init ay tinanggal niya ang suot na toga. Tinawagan niya si Kerkie na palabas na siya. Ang sabi naman nito ay magkita na lang diumano sila kapag nahanap na niya ang ama at mga kapatid na kasama. Nang makita naman niya ito na naglalakad patungo sa ibang direksyon. "Kerk!" masayang tawag niya sa pangalan nito. Luminga-linga pa ito sa paligid. Tila huminto ang mundo niya nang pumaskil ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Naglakad ito palapit sa kanya. Hanggang sa huminto ito sa harap niya at inabot nito ang dala nitong bouquet ng mga bulaklak sa kanya. Ito ang pangalawang pagkakataon na binigyan siya ng bulaklak. Una ay ang date nila nitong nakaraan at ang ngayon. "Para sa'yo," Titig na titig na sabi nito sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at kinuha ang bouquet na bigay nito. "Salamat." "Welcome." Anito, at may inabot na paperbag. Agad na binuksan niya iyon at na-cutehan sa regalo nito. Snowglobe na may cloverleaf sa loob. "Ang cute naman, thank you!" Kinabig siya ng lalaki. Napasinghap siya nang dampian ng halik nito ang noo niya. Pinigilan niya ang kiligin at ngumiti ng sobrang lapad baka tuksuhin siya ng lalaki. Pasimple na inamoy niya ang mga bulaklak na bigay nito. Napalingon siya sa likuran niya nang makarinig ng tikhim. Nandoon na pala ang pamilya niya. Bahagyang lumayo siya kay Kerkie at humarap sa mga ito. "Hello tito." bati nito sa ama niya. "Sigurado ka bang tutuloy mo panliligaw sa bunso namin?" ani ng kuya Alden niya. Pinanlakihan niya ng mga mata ito. "Kuya Alden!" saway niya. "Bakit? Nagtatanong lang naman ako." patay-malisya na sabi ng kapatid. Inirapan lang niya ito. "Kung hihingin ko ho ba sa harap n'yo ang kamay niya ay ibibigay ninyo sa akin." Seryoso ang boses nito. Gulat na napalingon siya kay Kerkie. Ang buong atensyon nito ay sa pamilya lang niya. He is bluffing? Di ba? Her father chuckled. "I really like your guts, Hernandez." Pagkatapos ay isinama nila ito sa pagkain nila sa isang Japanese restaurant kung saan nagpa-reserve sila. Ang ama niya ang unang pumiyok nang makaupo na silang lahat sa table. Katabi niya si Kerkie. "We don't have the chance to talk with you the first time we met you. Tell us about yourself, hijo." Maraming itinanong ang ama at kuya Alden niya sa binata. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mga ito. Napansin naman niya na tahimik ang kuya Aldrin niya at ngumingiti lang sa binata. Hanggang sa matapos na sila kumain at umuwe. Habang nasa biyahe sila ay nagtanong pa ang kapatid niyang si Alden tungkol kay Kerkie. Siguro dahil marami ang pagkakatulad ng mga ito kaya ganoon na lang kung magtanong ang kapatid. Pagkarating sa bahay ay umakyat na siya agad sa kuwarto niya. Nagpalit na siya ng damit at humiga sa kama niya. Tinawagan niya si Kerkie at nag-usap lang sila tungkol sa mga nangyari. Tulad ng ama at kapatid ay naging palagay rin ang loob nito sa pamilya niya. Nang maputol ang tawag ay dinampot muli niya ang binigay nitong bulaklak na ipinatong niya sa paanan ng kama niya. Sinamyo niya ang bulaklak. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Napabangon siya nang may marinig na kumatok sa pinto. Ni-lock niya iyon kaya tumayo siya at binuksan ang pinto. Pumasok ang kuya Aldrin niya. "Usap tayo, Sab." Kaswal na sabi nito. "Bakit, kuya?" tanong niya. Hinatak nito ang upuan sa table desk niya. "Kayo ba talaga?" Mataman na tumingin siya sa kapatid. "Ayaw mo ba sa kanya, kuya? Napansin ko kanina na parang ayaw mo siya kausap. Bakit? You were okay with him at first, right? Ikaw pa nga ang nagtulak sa akin para mag-date kami." "Kung sasabihin ko bang hindi ko nga siya gusto. Lalayuan mo na siya?" seryosong tanong nito. Napasimangot siya. "Gusto naman si Kerk nila Daddy at Kuya Alden. Bakit ikaw hindi?" naguguluhang tanong niya. Nagtataka siya kung bakit ayaw ng nakatatandang kapatid sa binata. Kung tutuusin nga ay mas mahirap pang i-please ang pangalawang kapatid kaysa rito. Umiwas ito nang tingin sa kanya. "Hindi ko siya gusto para sa'yo. I have my reasons. Makinig ka na lang sa akin. Para sa ikabubuti mo ang pinagagawa ko." "Bakit?" usisa pa rin niya sa kapatid. He took a deep breath. "Ang sa akin lang, ayaw ko masaktan ka, kaya habang maaga pa ay tigilan mo na ito." "Mahal ko siya." Pagtatapat niya. Yumabong ang mga tingin nito sa kanya. "Makinig ka sa akin--" "No, kuya Aldrin hindi ko siya iiwasan dahil gusto mo lang. Alam mo 'yon, kahit saglit lang kami nagkakilala ni Kerkie pakiramdam ko ang tagal-tagal na niya sa buhay ko." Bumalik sa alaala niya ang mga bagay na hinangaan niya sa lalaki. "Despite of all his flaws and shortcomings I still want to be with him. Ewan ko ba kung bakit hindi ako ma-turn off sa kanya sa kabila ng mga hindi maganda na ginawa niya. Nagagawan niya nang paraan para maibaba ang depensa ko nang hindi ko namamalayan. Kaya hindi siya puwede mawala ng ganoon na lang kasi sa maikli na panahong 'yon nakuha na niya ang lahat sa'kin. Wala siyang balak mawala ako, kaya hindi ko siya bibigyan ng rason para iwan ako." Putol niya sa sasabihin ng kapatid. Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya iiwan ang lalaki. Mapapagod lang ito sa kakakumbinse sa kanya. Yes, he was her brother, the eldest, but she can decide to herself. Lumapit ang kapatid sa kanya at niyakap lang siya ng mahigpit. Hindi na ito nakipagtalo sa kanya. "Kuya will do everything for you, bunso. Basta kapag kailangan mo ko, nandito lang ako para sa'yo." "I know, kuya." She smiled. Pero pala-isipan pa rin sa kanya ang lahat. Anong problema? *** ARAW ng miyerkules, iyon ang araw nang graduation day ni Kerkie. Hindi tulad nito na pumunta sa graduation day nila at nakasama nila ng pamilya niya kumain. Susunduin lang siya ng binata sa kanila para sa party nito mamayang gabi. Inin-vite ni Kerkie ang pamilya niya pero hindi makakasama ang kuya Aldrin niya dahil may out of town business trip ito. May meeting ang Daddy naman niya. Mukhang ayaw rin sumama ng kuya Alden niya pero nag-leave ito at ang girlfriend nitong si Barbara. Kaya kahit alas-nuweba pa lang nang umaga ay hindi na siya magkandaugaga sa kung ano ang isusuot niya. Gusto niya na maganda siya mamayang alas-kuwatro kapag sinundo nito. Kagabi ay ilang beses nito sinabi sa kanya na ipakikilala siya ni Kerkie sa ama at stepmother nito. Ewan niya kung bakit ganoon na lang ang kaba niya. Iniisip niya kung paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito? Paano kung hindi tulad ng pagtanggap nang Daddy at kuya Alden niya ang gawin sa kanya ng mga ito? Paano kung tumutol ang mga ito sa kanya tulad nang pagtutol ng kuya Aldrin niya para sa kanya? Hindi namalayan ni Sabrina ang mabilis na paglipas ng oras. Alas-dos na nang muli siyang napatingin sa orasan. Nagpasya na siyang gumayak para handa na kapag sinundo ng binata. Simpleng kulay yellow lacy dress ang isinuot niya na lalong inilabas ang puti at kinis ng mga balat niya. Kulay puti ang wedges shoes at clutch bag niya. Nagpatulong na siya sa pag-aayos sa girlfriend ng kapatid niyang si Alden na si Barbara. Magka-schoolmate din ang mga ito at almost five years na ang relasyon. Kung engineer ang kapatid niya ito naman ay isang editor in chief ng isang sikat na teenage magazine sa bansa. Dito nga sila ni Ricky natututo ng mga kikay tips and stuffs. Sa ngayon ito at ang kapatid ang kasama niya sa bahay nila. Naka-leave ang ate Barbara niya para ayusan lang siya. "Blooming ka, ah? Inlove ka nga." Nangingiting tukso nito. "Pati ba naman ikaw, ate?" Tumayo ito at lumapit sa likod niya. Nakaupo siya sa harap ng salamin. Wala nang mga araw na iyon ang Daddy niya dahil na rin sa trabaho nito sa isang oil company sa bansa bilang COO. Ngayong taon na ang retirement nito. Samantalang nagta-trabaho naman ang kuya Aldrin niya bilang Head of commerce and advertising sa isang matayog na food corporation sa bansa. Ang balak nga niya ay doon na rin magtrabaho sa susunod na buwan. Ang kuya Alden naman niya ang civil engineering sa isang firm sa Ortigas. "Ano'ng gusto mo? Ballerina bun na lang?" tanong nito habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Tumango na lang siya at tinignan ito sa salamin habang inaayos ang buhok niya. Pa-Ballerina bun ang ginawang style nito sa mahaba niyang buhok. Una muna niyang pinahiran ang mukha hanggang leeg ng concealer saka sinunod ang paglalagay ng ka-skin tone na foundation. Ito ang naglagay sa kanya ng maskara at kaunting eyeliner, pagkatapos ay kinurte nito ng brown eye brows ang mga kilay niya. Pinahid niya sa mga labi ang kulay peach lipstick at mala-orange na blush on at eye shadow ang nilagay naman nito sa pisngi at mga mata niya. She like the citrus warm up of her looks. "Mas mai-inlove ang ka-date mo sa'yo, bunso." Nangingiting sabi ni Barbara sa kanya. Nagpasalamat naman siya sa pag-aayos na ginawa nito sa kanya. Nang tumungtong ang alas-kuwatro ng hapon ay nag-text na si Kerkie na nasa labas na ito. Bumaba na siya at dumeretso sa pagbukas ng gate nila. Bago pa siya makalabas ng salas ay nginisihan lang siya ng kapatid. Kasunod lang niya ang girlfriend nito sa pagbaba. Nagpaalam na siya kina Barbara at Alden na aalis na sila. Nang makalabas ay nakita niya agad si Kerkie na nag-aabang na sa kanya. Nakasuot ito ng tuxedo. Nang tumingin ito sa kanya ay muling hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. Nagkaroon na naman tuloy ng komusyon sa loob ng sistema niya. Pagkalapit niya sa puwesto nito ay mabilis na dumukwang ito para halikan siya sa noo. Bumaba pa ang mukha nito at bumulong sa tainga niya. "You look dazzling, sweetie." He huskily whispered. Gumapang ang kilabot hanggang batok niya. Kay tindi nang naging sipa sa loob ng dibdib niya sa naging papuri nito. "Bolero ka talaga, ano?" Ngumisi ito. "Kinilig ka naman." Inirapan niya ito. "Let's go?" Tumango siya. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse nito at pumasok na siya. Nang umibis ito at sumakay ay pinatakbo agad nito ang sasakyan. Wala silang imik na dalawa habang nasa biyahe. Wala naman kasi silang puwede mapag-usapan. Isa pa, hindi pa rin siya tuluyang naka-recover sa sinabi nito. Kinikilig siya. Pasimpleng hinawakan niya ang mga pisngi. Sigurado siyang namumula pa ang mga iyon. Nang mapansin niya ang mahigpit na kapit nito sa manibela. Napalingon siya sa binata at nagtaka kung bakit nakatiim-bagang ito. "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. "s**t!" malutong na mura nito. Inihimpil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nagulat siya nang mabilis na tinanggal nito ang mga seatbeat nila at namalayan na lang niyang binuhat siya ng lalaki patungo sa kandungan nito. Akmang magpo-protesta na sana siya nang tinakpan nito ng bibig ang labi niya. Naging marubrob ang naging hagod ng labi nito sa kanya. Napasinghap siya nang mas inilapit siya ni Kerkie sa katawan nito. Sinamantala nito ang pagsinghap niya upang galugarin ng dila nito ang buong bibig niya. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ito sa gitna ng mga hita niya. He was aroused. She felt his growing manhood. Nagsimula na maglakbay ang mga kamay nito sa buong katawan niya. Binigyan nito nang mumunting halik ang panga niya pababa. Suot pa naman niya ang damit ngunit ramdam na ramdam niya ang init ng kamay nito. Hindi man lang niya naramdaman na nahawi na pala nito ang undergarment niya. He felt her down there. Humagod at naging malikot kaya naramdaman niya ang pagnanasa. Pati siya ay tinutupok na rin ng apoy sa ginagawa nito ngunit naalala niyang may pupuntahan nga pala sila. Nabalik lang sa huwisyo ang kamalayan niya nang marinig niya ang pagbubukas ng zipper nito. Naitulak niya si Kerkie sa balikat kaya nagkatinginan sila sa mga mata. His eyes were full of needs and lust. "Hindi puwede," Hinihingal na protesta niya. Napapikit ito at marahas na humugot ng malalim na buntong-hininga. "Ayos ka lang?" Tumango siya. Ang bilis pa rin nang paghinga niya sa tindi ng init na lumukob sa buong pagkatao niya. "Baka ma-late tayo." Sabi na lang niya. Dinampian nito ng halik ang labi niya. "Sorry," hinging-paumanhin ni Kerkie sa masuyong tinig. Paunti-unti na rin humupa ang init na naramdaman niya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. Niyakap niya ito. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito. Natawa siya nang mapagtanto kung ano ang ginawa nila. Buti na lang at tinted ang salamin ng sasakyan nito kundi may nakakita na sa nangyari sa kanila. Nakalabi na tumingin ito sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?" Hindi niya napigilan ang sarili at binigyan ito ng mabining halik sa labi. "Ni minsan kasi hindi ko na-imagine ang sarili ko makipag-making out sa loob ng sasakyan." May gumuhit ng ngiti sa mata at labi nito, kapagkuwan. Ibinalik nito ang mukha sa leeg niya. "I'll calm myself first before we go. Huwag kang gagalaw at hayaan mo lang ako." Tumango siya at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD