“KUMUSTA ang pakiramdam ninyo, daddy? Pinag-alala ninyo kami lalo na si mommy,” ani Joel nang magising ang daddy niya at makalabas sa ICU. “Okay na ako. Huwag na kayong mag-alala pa sa akin. Malakas pa ako. Hindi pa ako mamamatay.” “Hmmp! Huwag mo na akong takutin sa susunod. Baka ako na ang mauunang ma-ospital. Hindi ko gustong mag-alala sa iyo. Saka huwag mo ngang binabanggit iyang patay na iyan. Pinapakaba mo na naman ako.” Bahagyang natawa ang daddy ni Joel sa sinabi ng mommy. “Ikaw naman, honey. Ang sabi ko hindi pa ako mamamatay. Mahaba pa ang buhay ko. Gusto ko pang makita ang apo natin. Ang bagal naman kasi ng binata natin,” natatawang sagot ng daddy ni Joel. Napatingin naman sa kanya ang mommy niya. Napakamot tuloy ng kanyang ulo si Joel. “Daddy, mommy, nagmamadali na ba ka

