IZA’s POV Nakasakay na kami sa lantsa pabalik sa resort. Ang kasama ni Kuya bangkero, isang lalaki, ang sumakay sa jet ski at magkasama kami ni Kuya Doz dito sa lantsa. Hindi ko siya puwedeng tawaging babe, kaya bumalik ako sa pagtawag sa kanya na Kuya Doz. Mahirap na kung madulas pa ako. Lalo na at panay ang tingin sa aming dalawa ng mga kasama ni Kuya bangkero. Magkadikit kaming nakaupong dalawa. Kapwa kami kumakain ng pinadalang pagkain para sa amin. Hindi namin mapigilan na maging sweet sa isa’t isa, kahit na may mga mata na hindi maiwasang tingnan kami. Sinusubuan ako ni Kuya Doz, at ganoon din ang ginagawa ko sa kaniya. Wala muna kaming pakialam sa aming kapaligiran. “Tama nga ang narinig ko mula sa mga kasamahan ninyo. Sweet talaga kayo sa isa’t isa. Kaya pala si Sir ay hind

