IZA’s POV Dumating ang mga kaklase ko kasama si Ma’am Bonus. Nasa labas na kami ng kuwarto ni Kuya Doz. Hindi na namin hinintay na makarating pa sila bago kami lumabas. Mas maganda na narito kami sa labas at malayo na isipin nila na natulog ako sa loob ng kwarto niya. Nakabawi na rin kaming dalawa. Walang nangyaring dapat ikabahala, pinapahinga lang ako ng boyfriend ko. Kailangan naming magmukhang normal dahil makikita na nila kami anumang oras. Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang aking labi—hanggang doon na lang muna. Natuloy ang paliligo namin ng sabay. Iginalang naman niya ang sakit na nararamadaman ko pa sa gitnang bahagi ng aking mga hita. May kaunting inihirit siya na pinagbigyan ko naman. Nagkakape kaming dalawa habang nagtatrabaho siya. Ako pasimpleng pinapanood lang siya.

