IZA’s POV Panay ang tunog ng phone ko kaya inilagay ko sa mute. Nagkakasabay pa ang pagtingin sa akin ng dalawa kong kaibigan. May ginagawa ang bawat isa sa amin. Magkakalayo kaming tatlo pero ang mga mata biglang napupunta sa akin. “Simula pagpasok natin dito, panay na ang tunog ng phone mo. At ang ring tone, kakaiba ngayon. May line na mula sa kanta.” Puna nitong si Woja. “Nahinaan ko na po, sorry na. Ngayon mo lang narinig, kaya nanibago ang tainga mo.” Sagot ko sa kaibigan kong ito. Akala mo, matanda na. Pailalim naman ang tingin sa akin ni Cez. “Okay na kayo ni Jabin? Siya ba ‘yang nangungulit sa ‘yo?” “Hindi na ako makikipaglapit kay Jabin. Manonood ako ng game ng team nila, ngunit hindi na dahil sa kaniya. Ang sabayan siya sa paglalakad, sa pagkain sa canteen, at kahit sa pa

