DOZ’s POV Dahil magkakasabay kami sa pagpasok sa bulwagan, magkakasama kami sa table ng baby Iza ko. Iginiya ko pa siya kung saan siya uupo. Nasa sulok ang pinili kong lugar para walang tao sa aming likuran. Nasa may harapan namin ang dalawa niyang kaibigan. Dinner naman ang mauuna bago ang party. Magaling itong si Mrs. Bonus, nagdasal muna bago imbitahan ang lahat na puwede na pumunta sa buffet table. “Ako na ang kukuha ng pagkain mo,” sakto lang ang lakas ng boses ng pagsasalita ko. Kung may makarinig, hindi naman siguro nila mamasamain dahil may puwede akong i-rason. Ngunit ang totoo, ayaw kong palakarin siya at medyo malayo ang buffet table sa puwesto namin. Masyado siyang sexy sa suot niya na puwedeng pagtinginan ng mga lalaki. Alam nilang lahat na wala siyang boyfriend, kahit

