DOZ’s POV Nagsimula na ang party. Mga nagkakahiyaan pa sa una na magsayawan. Ngunit kalauna’y nagsimula na silang magsitayo. Kahit babae sa babae ang magkapares ay sumayaw na rin sila. Karamihan grupo-grupo. “Sayang naman, Iza. Isa ito sa ni-look forward natin ang makapag-party tayong magkakaibigan. Ngayong heto na ang pagkakataon, wala si Ping, at ikaw naman injured. Sayang. Kami na lang ni Woja ang sasayaw.” Nakatayo na ito at malakas ang boses na kinakausap ang girlfriend ko. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang katawan dahil sikat ang tugtog at hit ngayon ay napapa-indak na siya. Ganoon din ang isa nilang kaibigan. Siguro kung hindi ako nakaharang sa daraanan ng aking girlfriend, at hindi masakit ang bahagi na nasa gitna ng kaniyang mga hita, baka nasa gitna na rin siya at umiinday

