IZA’s POV Pumayag akong sumama sa kwarto ng boyfriend ko. Gumawa pa ako ng excuse, para makalabas mula sa bulwagan. Wala naman akong nabasang pagdududa mula sa kanilang mga mata. Dahil kanina nagsabi na rin akong tatawagan ko sina Mama at Papa sa gabi para siguradong wala silang ginagawa. Ito marahil ang naaalala pa rin ng mga kaibigan ko. Kung babalik pa kami sa bulwagan, hindi ko alam. Miss ko na rin ang aking boyfriend. Kanina ko pa gustong humawak sa kaniya habang nakasandal sa kaniyang braso. Hindi ko magawa dahil makikita nila. Magdududa na sila sa amin kapag nakita kami na ganoon ka-sweet. Sa pagsayaw namin kanina, medyo alanganin pa ako. Kung hindi lang pumayag ang mga kaibigan ko, hindi ako sasama sa dance floor sa aking boyfriend. Kung fourth year college lang sana ako, s

