IZA’s PO Pinanindigan ko ang pag-arte ko kagabi. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto naming magkakaibigan. Nasa loob na silang dalawa, halatang hinihintay ako. Nakasuot na sila ng pantulog—ibig sabihin, tumagal ako sa kabilang kwarto. Kahit nagpumilit akong umalis, nahuli pa rin ako. Para buo ang pag-arte ko, diretso ako sa bathroom. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng nangyari. Hindi pumayag na hindi siya makahirit kahit isang putok lang. Magaling na nga ang sugat ko sa loob. May kaba kanina, pero napalitan iyon ng ibang pakiramdam—sapat para mawala sa isip ko ang lahat. Para tumigil na siya, talagang nagpumilit na akong makalabas. Baka tuluyan na rin akong lamunin ng sarap na nararamdaman ko kanina. “Hindi pa rin okay ang tiyan mo? Ang tagal mo,” nag-aalalang tanong ni Cez. Mabuti

