IZA’s POV Hindi pa sumasapit ang gabi, pero ang dami na agad nangyari—at lahat ay magaganda. Nagbihis na ako. Paglabas ko ng closet, gising na gising si Doz. Tila hinihintay niya ako. Lumapit ako sa kaniyang tabi, kusa akong nahila ng presensiya niya, parang matagal na naming hinahanap ang isa’t isa sa katahimikan ng kwarto. “Labas lang ako, babe. Mag-prepare lang ako ng snacks. Maghahanap ang anak mo,” sabi ko sa kaniya sa mahinang tinig. Kahit nakayakap ang anak namin sa kaniya, pumihit siya paharap sa akin. Ang kamay niya ay dahan-dahang humaplos sa aking hita kahit walang balat na nakalantad. Jogging pants ang suot ko, kaya balot na balot ako—pero hindi iyon naging hadlang para maramdaman ko ang init ng kaniyang palad. Hindi na ako babalik sa resort. Si Siegfred na lang ang maghi

