DOZ’s POV Bago kami umalis ng resort, nag-ipon-ipon muna ang lahat sa bulwagan. This is to make sure na walang naiwan o nakaligtaan. Nandito ang lahat, pati na rin ang kanilang mga gamit. Ipinagdala ko pa rin ng gamit ang mga kaibigan ng aking girlfriend, pati na rin ang kaniya. I need to be consistent with what I did on the first day we came to this place. Walang pagbabago, at iyon ang mas maganda. “Everyone, listen to me!” Ako ngayon ang may hawak ng megaphone ni Mrs. Bonus. Medyo nailang pa ako dahil puwede naman akong magsalita kahit wala ito. “On behalf of my brother, I’d just like to say thank you for participating in our three days and two nights of activities. I hope everyone enjoyed those three days. Nagkaroon man ng problema noong isang araw, masaya pa rin ako na walang nas

