IZA’s POV Tinanghali na ako nang magising. Nandito na ako sa bahay at hinintay ako ni Mama Cindy para sabay kaming kumain na dalawa. Second day ng menstruation ko. Mabigat ang katawan ko, parang ayaw gumalaw ng mga kalamnan ko. Kahapon pa lang, medyo hindi na ako okay. Una, sinubok ng kaklase ko ang pasensya ko noong nasa bus kami at gusto niyang lumipat ng upuan. Mabuti na lang at nandoon ang boyfriend ko para pumagitna. Nagtabi pa rin kami, at hindi ko malilimutan na nagkaroon kaming dalawa ng pagkakataon para sa sweet moments namin. Panira nga lang si Aileen dahil masaya na kami na magkasama sa sasakyan pauwi. Bigla naman niya kaming pinara at nakisakay. Nagbitaw ang mga kamay namin dahil kinailangan ibaba ng boyfriend ko ang salamin ng bintana. “Yes, Miss Sy?” tanong ni Doz sa ka

