57

1209 Words

IZA’s POV Ipinagkatiwala ko na kay Doz ang lahat. Walang takot at walang pag-aalinlangan. Ganoon yata ang epekto sa akin ng bato ng pagpili. Buong-buo at walang pasubali. Parang hindi maganda sa pandinig ko ang tawagin siyang Doz. Mas magandang pakinggan talaga ang babe na nagsimula sa aking biro noong nabukulan ako sa opisina niya at hanggang sa hingiin niya sa akin na tawagin ko siyang babe noong nasa kalagitnaan kami ng aming nakaw na sandali. Ngayon, babe na talaga ang tawag ko sa kaniya. Ngunit paano kung may ibang nakaharap na tao lalo na ang pamilya namin? Nakahiga ako sa kaniyang bisig. Siya na ang nakaunan sa mga damit na inayos niya kanina. Wala pa rin kami ni isang tabon sa aming katawan. Walang talab ang lamig ng hangin laban sa init ng aming mga katawan. Nakayakap ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD